Tuesday, July 05, 2005
the revolution will not be televised
the revolution will not be televised
by Gil Scott Heron
You will not be able to stay home, brother.
You will not be able to plug in, turn on and cop out.
You will not be able to lose
yourself on skag and skip,
Skip out for beer during commercials,
Because the revolution will not be televised.
The revolution will not be televised.
The revolution will not be brought to you by Xerox
In 4 parts without commercial interruptions.
The revolution will not show you pictures of Nixon
blowing a bugle and leading a charge by John
Mitchell, General Abrams and Spiro Agnew to eat
hog maws confiscated from a Harlem sanctuary.
The revolution will not be televised.
The revolution will not be brought to you
by the Schaefer Award Theatre and will not star NatalieWoods
and Steve McQueen or Bullwinkle and Julia.
The revolution will not give your mouth sex appeal.
The revolution will not get rid of the nubs.
The revolution will not make you look five pounds
thinner, because the revolution will not be televised, Brother.
There will be no pictures of you and Willie May
pushing that shopping cart down the block on the dead run,
or trying to slide that color television into a stolen ambulance.
NBC will not be able predict the winner at 8:32or report from 29 districts.
The revolution will not be televised.
There will be no pictures of pigs shooting down
brothers in the instant replay.
There will be no pictures of pigs shooting down
brothers in the instant replay.
There will be no pictures of Whitney Young being
run out of Harlem on a rail with a brand new process.
There will be no slow motion or still life of Roy
Wilkens strolling through Watts in a Red, Black and
Green liberation jumpsuit that he had been saving
For just the proper occasion. Green Acres, The Beverly Hillbillies, and Hooterville
Junction will no longer be so damned relevant, and
women will not care if Dick finally gets down with
Jane on Search for Tomorrow because Black people
will be in the street looking for a brighter day.
The revolution will not be televised.
There will be no highlights on the eleven o'clock
news and no pictures of hairy armed women
liberationists and Jackie Onassis blowing her nose.
The theme song will not be written by Jim Webb,
Francis Scott Key, nor sung by Glen Campbell, Tom
Jones, Johnny Cash, Englebert Humperdink, or the Rare Earth.
The revolution will not be televised.
The revolution will not be right back after a message
about a white tornado, white lightning, or white people.
You will not have to worry about a dove in your
bedroom, a tiger in your tank, or the giant in your toilet bowl.
The revolution will not go better with Coke.
The revolution will not fight the germs that may cause bad breath.
The revolution will put you in the driver's seat.
The revolution will not be televised, will not be televised,
will not be televised, will not be televised.
The revolution will be no re-run brothers;
The revolution will be live.
Monday, July 04, 2005
interesting times
natutunan ko sa leviathan reading sa anti-capitalist reader na pinabasa ni edel nung isang linggo sa amin, na ang welfare state ay nag-e-exist upang ma-troubleshoot ang dysfunctional na sistema ng kapitalismo. gayundin siguro sa kaso ngayon ng africa. charity na maituturing ang panawagan nila bono. sabi nga ni julie delpy sa before sunset, mapanganib ang ganitong pagtingin kasi binibigyang justification lamang nito ang pag-iral ng sistema at band-aid solution sa problema. systemic ang problema. may mahihirap na mga bansa sa mundo dahil may nagpapayamang mga bansa. kung seseryosohin ng g8 na gawin ang lahat upang mapawi ang kahirapan, e isinangkalan na rin nila ang mga sariling ekonomya. mapapawi lamang ang kahirapan kung mapapawi ang pagsasamantala. at alam naman natin ito ang lifeblood ng isang kapitalistang sistema.
ang tingin ko tuloy ngayon ay para tayong nasa 1960s, sa panahon ng radikalismo umusbong din ang liberalismo, ang postmodernismo at iba pang "ismo" na nagbabalatkayong mapagpalaya. totoo pala na magkabilang talas ang punyal, kapwa mapagpalaya at mapaniil (kamusta, sherwin?). Nakuha ko rin ito mula sa readings na binigay ni edel na periodizing the 60s ni jameson. ano naman kaya ang uusbong sa yugtong ito ng kasaysayan? mapatalsik kaya si gloria? e kung isama na lang ng g8 sa usapin nila ngayong hulyo ang pilipinas na may oustanding debt na P3 trilyon? mailantad na kaya ang huwad na kasagutang isinusulong ng mag-asawang nemenzo sa kanilang freedom from debt coalition?
sa huli't huli, armas pa ring maituturing ang pinakamatalas na pagsusuri sa kasalukuyang lipunan. anuman ang sabihin nilang prehistoriko ito't dogmatiko, ngunit ang totoo, ito ang pinakabukas na pagsusuri. wag na nating pagtalunan ang ugat ng lahat ng ito, magmula sa krisis kay gma hanggang sa krisis ng africa: imperyalismo, monopolyo kapitalismo. hangga't hindi naibabagsak ang sistemang ito, hindi maiibsan ang kahirapan.
[this] generation has found it's true, it's only home - eman lacaba
unang dahilan ay masama ng pakiramdam ko nang nakaraang araw at pinepeste ako ng hindi maaalis na berdeng plema sa baga at lalamunan ko. pangalawa, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos ang mga completion papers ko. sa ngayon tatatlo pa lamang ang natatapos ko habang siyam ang kailangan kong magawa. inaatake na naman ako ng peti-b's block (writer's block to you), na marapat na hindi ko paniwalaan (kasi kung tunay nga, wala ka dapat nababasa ngayon. ang totoo, mas masaya kasi ang self-aggrandizing activity na ito--blogging-- kesa patinuan ang acads). ang katunayan ay baka hindi na naman ako pumasok bukas dahil sa magtatangka ako ulit gawin ang mga papers ko at hindi ko pa kasi nababasa/wala pa akong kopya ang/ng spivak reading na pinababasa ni edel garcellano.
at ang totoo, para kasing wala akong lugar ngayon sa diliman. sa dinamirami ng ginagawa para mapabagsak si gloria, parang napaka-petty ko ngayong mga panahong ito. pero kahit papaano ay nakalbas naman ako noong huwebes para mag-mob sa plaza miranda. kung alam ko lang nameron pala nung biyernes sa ayala, e di sana sumama rin ako at lumabas ng bahay. pero parang kelanagn ko lang ng kanlungan sa mga panahong ambilis bilis ng mga pangyayari. pati yata sa bagay na ganito ay hinihingal na ako.
kaya lang kahit dito sa aking little-space-of-banality ko sa bahay ay tinataboy na ako. kailangan ko na raw ng exercise sabi ng nanay at tatay ko. kung alam lang nila kung anong exercise ang pinaggagawa ko gustuhin pa kaya nila? ( o well, brisk walking sa morayta, jogging sa quezon ave., welcome at espana) lagi na lang daw ako nakahilata at nagmumuni-muni, o di naman kaya nagbabad sa kapapanood ng tv. eto siguro ang mga na-miss ko sa loob ng isang taon na ginawa kong bahay ang diliman.
pero hindi rin pala ito totoo, anupama't habang naglalagalag ako sa virtual na mundo ko sa cyberspace natisod ko ang tulang open letters to filipino artists ni eman lacaba, at nasagot na rin ang problema ko sa espasyo at sa puwang na hinihingi ko. "we are homeless [pero] all homes are ours" daw. sige na nga. laluna sa mga panahon ngayong ang nanahanan sa malacanang ay maraming bahay pero pinipilit manatili sa bahay na hindi naman kanya. sabagay, ang matandang hangal nga ay patuloy na nakikipaglaban para sa kanyang tahanan gayong kay tagal na siyang pinalayas, pinagbitangan pang "nakalutang." e ano ang dapat itawag sa akin kung gayon? multo.
kahit multo nga ay may haunted house.
Wednesday, June 29, 2005
antala at kaligta
nalungkot ako habang pinapanood ko, kaya, ayun, tinranscribe ko.
sometimes the heart yearns for mangoes
paminsan-minsan sabik ang puso
sa mangga kung nariyan ang mansanas
sa init kung nariyan ang ginaw
sa mabundok na kapuluan
kung nariyan ang kapatagan
kay layo ng kaib’han sa tahanan
at sa daloy ng mga kaibigan at kamag-anakan.
ang mga di kinasanayan at kinasasanayang
bagay at lugar na naghuhudyat
sa hapdi ng mga patid na ugnayan
ang mga kawalang dulot ng antala at kaligta.
direct dialing at fax machine
computer disc at video cassette
mga bisitang lulan ng supersonic jet
ay bigong paglapitin ang agwat
ng mga aral na pagpapamalas
at mga kaalwaan sa tahanan.
may mga kasama at kaibigang
nakakapagpa-ibig sa lupang dinayuhan
subalit sila’y may sariling gawi
may sariling buhay
na di abot ng pang-unawa at pakialam ng dayuhan.
silang ibig ipagkait sa distiyero
ang tahanan, mga kaibigan at kamag-anakan
ang buhay, katawan at kalayaan
ay sila ring pinakamaingay
na siya raw ay nakalutang
sa dagat matapos siyang hugutin
sa lupang pinag-ugatan
ang distiyerong may layunin
ay patuloy na nakikibaka
para sa inang bayan
laban sa nagpalayas sa kanya
ang mga mapagsamantala,
at kahit tiyak na nananahanan
sa kanyang bayan at sandaigdigan.
Friday, June 24, 2005
walang panahon
Kung hindi ngayon, kailan?
ni Marijoe Monumento
ANG BAWAT sandali ay panahon ng pagpapasya at “walang panahon para sa pananahimik.”
Hindi kataka-takang mabasa ang pahayag na ito mula sa mga pahina ng Philippine Collegian, ang prestihiyoso-notoryus (?) na opisyal na pahayagan ng mga estudyante sa UP (Unibersidad ng Pilipinas) sa Diliman. Para sa patuloy na sumusubaybay sa buhay-aktibismo sa loob ng nasabing unibersidad, ang pahayag na ito ay mababasa ngayong taon sa antohohiyang 24/7 Walang Panahon, ang literary folio ng Collegian na inilunsad nito lamang nakaraang Mayo 10.
Hindi rin kataka-taka na lumipas ang limang taon bago muling makapaglabas ng antolohiyang pampanitikan ang Collegian. Gayundin ang nangyari noong 1995, nang muling maglathala ng folio, ang F1 (sa pamamatnugot nina Ericson Acosta at Michael Ac-ac), pagkatapos ng walong taon. Ang naging “tradisyon” yata ng ilang patnugot ng Collegian ay pagsasawalambahala sa paglalabas ng literary folio. Napakabilis nga ng panahon, at tila wala namang umalma o nanghinayang para sa publikasyong nagsimula bilang isang “College Folio” noong taong 1910!
Kaya naman siniguro ng patnugutan ng 24/7 sa pangunguna nina Carlos M. Piocos III at Jayson DP. Fajarda na siksik sa nilalaman ang kasalukuyang antolohiya. Naisakatuparan ito gayong ang mga kontribusyon mula sa mga manunulat ay binakuran ng isang tema: ang sinasabing 24/7 - o dalawampu’t apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo na pagkatali ng tao sa panahon at pitik ng relo.
Naglaan ng isang hiwalay na seksiyon ang antolohiya para sa mga litrato, ang Sipat na pamagat ng regular na espasyo ng litrato sa Collegian. (Huling bahagi ng dekada ’80 o maagang dekada ’90, nang ilathala ng Collegian ang Sipat, isang buong libro na koleksiyon ng mga litrato.) Masasabing mahusay na rin ang ganitong pagsisikap, bagamat hindi kasing-sinsin ng mga munting granahe na nagpapaandar sa orasan ang pagtutugma ng bawat akda upang tupdin ang kredo ng antolohiya. Mainam ang kabuuan ng 24/7 para sa pagpapasigla ng paglikha at pagtangkilik sa makabuluhang panitikan.
Sasambulat sa simula ang isang pagtatangka sa ars poetica, ang “Poetry-de-Luxe” ni Mark Angeles: sa poetics, you let your subjects mutate / pormalismong tumutulo sa isang plangganang pormalin… Para sa mga sinikal, maaring isa na naman itong musmos kung hindi man bigong pangangarap upang pantayan o higitan sa isang halaw ang tulang “Sa Poetry” ng pinagpipitaganan (at ngayo’y Pambansang Alagad ng Sining) na si Rolando Tinio. Pero tila walang pakialam roon ang persona ng “de Luxe,” at sa huli ay may babala pa nga sa mga musmos na nagtatangkang maging manunulat, o ‘di kaya’y sa mga nagugurang na sa pagiging sikat: "’Pag political power ay naagaw ng Neps, / sa kangkungan kayo pupulutin./"
Palalawigin ni Edel Garcellano ang ganitong “gerang pang-ideolohiya sa sining at panitikan” sa “Extra Memo,” isang sanaysay na nalathala sa Collegian noon pang taong 2002. Samantala, ang mga sanaysay nina Neferti Xina Tadiar, at E. San Juan ay hamon para sa kilusang pangkultura at feministang pag-aaral sa harap ng “gera laban sa terorismo” ng imperyalismong Estados Unidos. Muling ipinalaganap ang mga papel-talumpati ng dalawang huling awtor na bagama’t napapanahon ay maaring hindi na naipatatampok sa ibang mga dyornal o publikasyon.
Hindi mawawala ang mga “eksenang Peyups (UP)” na inilalarawan sa ilang mga likha, gaya ng paglalango ng tulang “Sarah’s” ni Princess Marasigan, o ang sinubaybayang komik-istrip na “Leni Bedspacer” ni Kenikenken na nalathala sa mga pahina ng Collegian. Nakakikilabot naman ang pamilyaridad sa UP na inilalahad ni U.Z. Eliserio sa kuwentong “Failure to Punctuate.”
Ngunit dahil na rin sa tema ay mas kapansin-pansin ang pangingibabaw ng pagtalakay sa oras batay sa isyu ng paggawa. Matutunghayan ito maging sa komiks na “Ang Makina” ni Ivan Reverente na matatagpuan sa pagitan ng mga kuwento at tula. Mapapansin din na may mga lebel ng pang-unawa at pakikisangkot na sinasalamin ang ilang akda. Nariyan ang walang-humpay at walang-puntirya na paghahambing ng tao sa makina. Nariyan ang paglalarawan sa alyenasyon ng manggagawa o di kaya’y ang paglalantad ng mga makauring kontradiksyon sa isang lipunang “konsumerista.” Ngunit dahil sa mga akdang ito ay mapapansin ang pagsisikap ng ilang awtor na mag-isip, at sa gayon ay magsulat sa isip-manggagawa, o sabihin nang sa proletaryadong pananaw sa daigdig.
Simple ngunit patung-patong ang inilalahad na kontradiksiyon sa dagli na may pamagat na “Mall Tour” ni Katrina G. Valdez. Ang bida, na isang saleslady sa SM, ay nananabik makapanood sa mall tour ng iniidolong si Regine Velasquez. Sa huli, siya’y mapupuno at “sasabog” (…kaninong hiyaw ang lumunod sa mga birit ni Regine…) dahil sa nadaramang alyenasyon sa lugar ng trabaho. Ang dispatsadora na nakakulong sa isang mall na tila kahon ay nakakahon din sa konsumeristang kultura.
Ang opus na “Walang Pahinga” ni Reagan Maiquez, ay tila may intensyon na pumanig sa anakpawis ngunit tila nalilito rin sa sarili at nagtatanong: Sino ang tunay na maylikha?/ Sino ang tunay na makapangyarihan?/ Inihahambing ang tao sa makina at ito ang tumatampok na tunggalian. Ipinapahiwatig na ang bawat sandali ng paggalaw ay rebolusyon o pag-ungos ng pagbabago ngunit gawa ng ano, laban sa ano at para kanino?
Ang ganitong kondisyon sa paggawa ay mas payak at epektibong isinalarawan ni Randy Evangelista sa kanyang tulang “Awtomatik.” Ipinipinta ng tula ang ilang sandali sa isang pangkaraniwang umaga sa buhay ng isang manggagawa. Mahusay ang simpleng paglalahad ng tunggalian na hindi lang patungkol sa mga bagay gaya ng makina o pabrika, kundi mas pumupuntirya sa mga aparatong ginagamit ng taong may-kapangyarihan: Pagbaba ng Trabajo, lalakad ng bahagya / Kakatok sa pinto ng gate ng pabrika / Kaytaas ng gate, hindi makakapasok ang maysamang nasa / Di rin makalabas ang nais kumawala / Ang pabrikang ito’y kulungan yata/ Hindi binibitin ang mambabasa sa pagtatanong, bagkus iginuguhit ng personang manggagawa ang kanyang sariling tadhana: Tatambad sa isip ang kahapon lang ginawa/ Hahawak sa makina / Hahawakan ng makina / Hahawakan ang makina.
Nagtatagumpay din sa pagpipinta ng iba’t ibang imahe ng paggawa at pakikisangkot ang mga tulang “Oda sa Langay-langayan” ni Soliman Agulto Santos at “Pag-uwi sa Madaling Araw” ni Hilda Nartea.
Tila sinadyang ilagay sa dulo ng koleksiyon ang dalawang tulang “Pag-aaral sa Oras” ni Ting Remontado at “Ulat” ni Sonia Gerilya, gaya na lang ng mga anino at yapak ng mga Pulang mandirigma sa mga larawan ni Nino Rojo na nasa dulo ng seksiyong Sipat ng 24/7. Sa tula ni Remontado, ang sinasabing 24/7 ay ang buong panahon o pultaym na pagkilos bilang isang NPA o mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan.
At tila sinasabi nga ng mga nagkalat na armalayt sa disenyo ng aklat: kung hindi ngayon, kailan?
Thursday, June 23, 2005
hard day's night
nang minsang "buntisin" ng malakas na buhos ng ulan ang mataong lupalop ng philcoa, hindi natinag ang mga hardcore. kesehodang lunurin ng baha ang mga paang hinihiludan at gabi-gabing nilo-lotion. hihiyaw at hihiyaw ang henerasyon natin sa sama ng loob dahil sa kawalan ng pagbabago. sabihin na nating si gloria ang ating "narrowest" target, at sa oras na masukol na ang walanghiya, isang dipa rin ang naiusad ng ating puspusang pagsusulong ng higit na makatarungang lipunan.
ang hiyaw hardcore nang dapithapong iyon ay hindi lamang kay gloria nakatuon. sabi nga ni wanda, wala na tayong pakialam sa bagyo dahil matagal na tayong binabagyong ng kasinungalingan at pagtatraydor. hayaan mong magpanting ang mga tainga ng mga bwakanangina.
walang pating pero may taning.
