Monday, July 04, 2005

[this] generation has found it's true, it's only home - eman lacaba

nasa postmodern state of mind 'ata ako ngayon. paulit-ulit sa utak ko ang mga linya sa tula ni marie la vina na fil american nomad on the road again: "the truth is my hometown has vanished entirely/ no obligations to fact, always a stranger/ my skin is my only home now." matapos kasi ang summer, ngayon lang ako nagbalik ermitanyo.

unang dahilan ay masama ng pakiramdam ko nang nakaraang araw at pinepeste ako ng hindi maaalis na berdeng plema sa baga at lalamunan ko. pangalawa, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos ang mga completion papers ko. sa ngayon tatatlo pa lamang ang natatapos ko habang siyam ang kailangan kong magawa. inaatake na naman ako ng peti-b's block (writer's block to you), na marapat na hindi ko paniwalaan (kasi kung tunay nga, wala ka dapat nababasa ngayon. ang totoo, mas masaya kasi ang self-aggrandizing activity na ito--blogging-- kesa patinuan ang acads). ang katunayan ay baka hindi na naman ako pumasok bukas dahil sa magtatangka ako ulit gawin ang mga papers ko at hindi ko pa kasi nababasa/wala pa akong kopya ang/ng spivak reading na pinababasa ni edel garcellano.

at ang totoo, para kasing wala akong lugar ngayon sa diliman. sa dinamirami ng ginagawa para mapabagsak si gloria, parang napaka-petty ko ngayong mga panahong ito. pero kahit papaano ay nakalbas naman ako noong huwebes para mag-mob sa plaza miranda. kung alam ko lang nameron pala nung biyernes sa ayala, e di sana sumama rin ako at lumabas ng bahay. pero parang kelanagn ko lang ng kanlungan sa mga panahong ambilis bilis ng mga pangyayari. pati yata sa bagay na ganito ay hinihingal na ako.

kaya lang kahit dito sa aking little-space-of-banality ko sa bahay ay tinataboy na ako. kailangan ko na raw ng exercise sabi ng nanay at tatay ko. kung alam lang nila kung anong exercise ang pinaggagawa ko gustuhin pa kaya nila? ( o well, brisk walking sa morayta, jogging sa quezon ave., welcome at espana) lagi na lang daw ako nakahilata at nagmumuni-muni, o di naman kaya nagbabad sa kapapanood ng tv. eto siguro ang mga na-miss ko sa loob ng isang taon na ginawa kong bahay ang diliman.

pero hindi rin pala ito totoo, anupama't habang naglalagalag ako sa virtual na mundo ko sa cyberspace natisod ko ang tulang open letters to filipino artists ni eman lacaba, at nasagot na rin ang problema ko sa espasyo at sa puwang na hinihingi ko. "we are homeless [pero] all homes are ours" daw. sige na nga. laluna sa mga panahon ngayong ang nanahanan sa malacanang ay maraming bahay pero pinipilit manatili sa bahay na hindi naman kanya. sabagay, ang matandang hangal nga ay patuloy na nakikipaglaban para sa kanyang tahanan gayong kay tagal na siyang pinalayas, pinagbitangan pang "nakalutang." e ano ang dapat itawag sa akin kung gayon? multo.

kahit multo nga ay may haunted house.

No comments: