Monday, July 04, 2005

interesting times

sabi nga ni lisa, "we live in these interesting times." kaya naman inaatake na naman ako ng romantisismo. biruin mo, nililigalig ngayon ang buong kapuluan ng pangamba na maari at hindi malayong posibilidad na mapatalsik si gloria. at kagabi lang, napanood ko ang live 8 concert sa iba't ibang panig ng daigdig sa pamumuno ni geldof at bono para sa dakilang advocacy na "make poverty history." parang mga panahon ng woodstock at mga anti-war concerts. bumaha ng mga utaw sa mga lansangan ng philadephia, tokyo, rome, berlin, london, moscow at johannesburg para sa simultaneous na konsyerto para iparating sa walong pinakamakapangyarihang pinuno ang kanilang panawagan. di biro para sa mga nabubuhay sa "belly of the beast" na manawagan ng radikal pero broad na slogan. naiintindihan lang sana nila na hindi simpleng debt cancellation, trade justice, at ayuda ang kailangan ng mga pinakamahirap na mga bansa para wakasan ang kagutuman at epidemya.

natutunan ko sa leviathan reading sa anti-capitalist reader na pinabasa ni edel nung isang linggo sa amin, na ang welfare state ay nag-e-exist upang ma-troubleshoot ang dysfunctional na sistema ng kapitalismo. gayundin siguro sa kaso ngayon ng africa. charity na maituturing ang panawagan nila bono. sabi nga ni julie delpy sa before sunset, mapanganib ang ganitong pagtingin kasi binibigyang justification lamang nito ang pag-iral ng sistema at band-aid solution sa problema. systemic ang problema. may mahihirap na mga bansa sa mundo dahil may nagpapayamang mga bansa. kung seseryosohin ng g8 na gawin ang lahat upang mapawi ang kahirapan, e isinangkalan na rin nila ang mga sariling ekonomya. mapapawi lamang ang kahirapan kung mapapawi ang pagsasamantala. at alam naman natin ito ang lifeblood ng isang kapitalistang sistema.

ang tingin ko tuloy ngayon ay para tayong nasa 1960s, sa panahon ng radikalismo umusbong din ang liberalismo, ang postmodernismo at iba pang "ismo" na nagbabalatkayong mapagpalaya. totoo pala na magkabilang talas ang punyal, kapwa mapagpalaya at mapaniil (kamusta, sherwin?). Nakuha ko rin ito mula sa readings na binigay ni edel na periodizing the 60s ni jameson. ano naman kaya ang uusbong sa yugtong ito ng kasaysayan? mapatalsik kaya si gloria? e kung isama na lang ng g8 sa usapin nila ngayong hulyo ang pilipinas na may oustanding debt na P3 trilyon? mailantad na kaya ang huwad na kasagutang isinusulong ng mag-asawang nemenzo sa kanilang freedom from debt coalition?

sa huli't huli, armas pa ring maituturing ang pinakamatalas na pagsusuri sa kasalukuyang lipunan. anuman ang sabihin nilang prehistoriko ito't dogmatiko, ngunit ang totoo, ito ang pinakabukas na pagsusuri. wag na nating pagtalunan ang ugat ng lahat ng ito, magmula sa krisis kay gma hanggang sa krisis ng africa: imperyalismo, monopolyo kapitalismo. hangga't hindi naibabagsak ang sistemang ito, hindi maiibsan ang kahirapan.

No comments: