kuha ito mula sa unang human chain sa katipunan noong unang linggo ng pasukan. pumasok ako sa UP noong 2000-2001 at kasama sa nagpatalsik ng pangulo. mukhang aalis akong nagpapatalsik muli ng pangulo. humigit 50,000 ang dumagsa kanina sa ayala ave. nakakapagod ang buong araw ng paglalakad at pagngasab ng mga "pagkaing big mob." mawawala ba naman ang mga dating kaibigan, kasama at kapanalig na muli ko na namang nakabangga at nakakuwentuhan. at sa tuwinang nagtatapos ang isang demonstrasyon, umuuwi ako sa bahay na hapo, ngunit baon ang panibagong lakas para bukas gigising ako para magpatuloy. ito naman ang hamon ng pagkakataon: ang magpatuloy, gaano man pinanghihinaan ng loob.Thursday, July 14, 2005
a street vamp named desire
kuha ito mula sa unang human chain sa katipunan noong unang linggo ng pasukan. pumasok ako sa UP noong 2000-2001 at kasama sa nagpatalsik ng pangulo. mukhang aalis akong nagpapatalsik muli ng pangulo. humigit 50,000 ang dumagsa kanina sa ayala ave. nakakapagod ang buong araw ng paglalakad at pagngasab ng mga "pagkaing big mob." mawawala ba naman ang mga dating kaibigan, kasama at kapanalig na muli ko na namang nakabangga at nakakuwentuhan. at sa tuwinang nagtatapos ang isang demonstrasyon, umuuwi ako sa bahay na hapo, ngunit baon ang panibagong lakas para bukas gigising ako para magpatuloy. ito naman ang hamon ng pagkakataon: ang magpatuloy, gaano man pinanghihinaan ng loob.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
Post a Comment