Wednesday, December 19, 2007

it's that little souvenir of a terrible year that makes my eyes feel sore


Gagayahin ko na rin ang ginawa ni suyin.

Wala na sigurong pinaka-self-centered na paraan para sarhan ang nakaraang taon kundi sa paglilista ng mga tinamasang biyayang kultural (re: cultural capital). Wala naman kasi akong naging achievement sa taong ito kaya sa ganitong paraan ko na lang gustong alalahanin ang patapos na 2007.

Hindi bago ang mga inilista ko pero ito 'yung mga bagay na na-experience ko noong 2007 na lubha kong nagustuhan. Nais kong magsimula sa mga pelikulang lubos na kumain ng panahon (at sweldo) ko:

  1. Kung Mangarap Ka’t Magising – Mike De Leon
  2. Science of Sleep – Michel Gondry
  3. Children of Men – Alfonso Cuaron
  4. Waking Life – Richard Linklater
  5. Infernal Affairs II – Andrew Lau and Alan Mak
  6. The History Boys – Nicholas Hytner
  7. Pan’s Labyrinth – Guillermo del Toro
  8. subUrbia – Richard Linklater
  9. Dogville – Lars Von Trier
  10. Pisay – Aureaus Solito
  11. Mulholland Dr. - David Lynch
  12. High Fidelity – Stephen Frears
  13. Manwal sa Paggawa ng Pelikula – Karl Castro (harharhar)

Itinuturing kong bestfriend si Walt, ang aking maasahang mp4 player from Raon. Ilang earphones/headphones na ang nagdaan, pero nanatili pa ring kasakasama ko si walt saanman ako magpunta. Ito ang ilan sa mga pinakagasgas kong tracks sa loob ng nagdaang 2007 habang sakay ng lrt papuntang betty go, ng HM bus papuntang LB, ng Victory liner papuntang tuguegarao, at ng fx byaheng megamall.

  1. Rosemary – Suzanne Vega
  2. I’ll follow you into the dark – Death Cab for Cutie
  3. Mexico - Cake
  4. Can’t be sure – The Sundays
  5. Cuscatlan – Frente!
  6. Ludlow Street – Suzanne Vega
  7. Small Blue Thing – Suzanne Vega
  8. The Flowers – Regina Spektor
  9. How to Disappear Completely – Radiohead
  10. Bewitched – Rufus Wainwright
  11. Set the fire to the third bar – Snow Patrol (feat. Martha Wainwright)
  12. Stop this Train – John Mayer
  13. Best of Me – Unknown (akala ko dati si jeff buckle yang kumanta)
  14. Sunday Bloody Sunday – U2 (oh yes, eleyn!)
  15. Because the night – 10,000 Maniacs

Tanging The Hours ni Michael Cunningham, Cubao Midnight Express ni Tony Perez at Written on the Body ni Jeanette Winterson ang natapos kong basahin ngayong taon. May Ilang kwento pa sa Blind Willow, Sleeping Woman ni Murakami ang hindi ko pa natatapos. Perenyal kong sinisimulang basahin ang mga sumusunod: Mysteries of Pittsburg (Chabon), Eleanor Rigby (Coupland), Murder Room (PD James), The Passion at Powerbook (Winterson), at Mrs. Dalloway (Virginia Woolf). For that, mahaba ang reading list ko sa 2008, kasama na ang mga hindi pa nabubuklat na librong hiniram at binili sa thrift shops.

Gusto kong magpasalamat sa mga taong pinanggalingan ng mga cultural capital na ito: kina caloy, eleyn, jeeu, k, karl at suyin. hindi sana kayo magsawa sa pagpapaambon ng mga biyaya na inyong tinatamasa. Hanggang sa mga susunod pang taon. Hehehe.

i was thinking i could clean up for christmas



River
Joni Mitchell

It's coming on Christmas
They're cutting down trees
They're putting up reindeer
And singing songs of joy and peace
Oh I wish I had a river
I could skate away on
But it don't snow here
It stays pretty green
I'm going to make a lot of money
Then I'm going to quit this crazy scene
I wish I had a river
I could skate away on
I wish I had a river so long
I would teach my feet to fly
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I made my baby cry

He tried hard to help me
You know, he put me at ease
And he loved me so naughty
Made me weak in the knees
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I'm so hard to handle
I'm selfish and I'm sad
Now I've gone and lost the best baby
That I ever had
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I wish I had a river so long
I would teach my feet to fly
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I made my baby say goodbye

It's coming on Christmas
They're cutting down trees
They're putting up reindeer
And singing songs of joy and peace
I wish I had a river
I could skate away on

Thursday, December 06, 2007

mga manunulat ng kanilang panahon

"Do not go gentle into that good night.
Rage, rage against the dying of the light."
-Dylan Thomas, Do Not Go Gentle Into That Good Night


kina Sir Nick at Sir Rene, maraming salamat.

---

Tatlong Tula ni Monico Atienza

KAIBIGAN XIV

Bawat salita’t panalita
ay may teorya, maiteteorya;
maipaliliwanag, malilinaw,
ibig sabihin.
Pagtulang biseral o serebral,
meron din; di nakakaiwas
pati paglulubid ng buhangin.
Pagkapayaso ko’t tangkang tulain
sa silong teorya’y salikop din;
kundi nga, di na ta konsistent.
Salita’t panalitang nakararami,
di dapat pigilin dapat alamin;
mapaglimi, usisain.
Sila ma’y may sasabihin,
sinabi na nga—maging
ang pinakamunti, pinakamangmang.

Pigilin ang teorya’t pinatay mo sila.

29.VII.93

KAIBIGAN XV

May salita ang maliit at mangmang,
di lamang sa DESIDERATA—
sa totoo at lipunan man,
maniwala ka Kaibigan.

Mas madalas ay may puntirya,
nakaangklang kamalayan,
minumunti man, minamangmang.

May teorya nga’t pagteteoryang
tuntunga’y riyalidad,
bumabago at nagbabago
sa praktika ng buhay,
produksyon at pakikitalad;
di nga pormal dahil di akademiko,
di “panlibro” dahil panalita.
Ng kontekstong karanasang
sapupunan ng pagwika.

Ang sa aki’y panagimpan,
sa payasong paninimbang—
pagpilosopo ng mangmang.

29.VII.93

KAIBIGAN XXIX

Batas-buhay ang sigalot,
mula maliit tungong malaki
ng daigdig at lipunan:
wika mo nga kay Ibarra—
may nais ding pagbabago,
sistemang walang galit
bawat isa’y nasisiyahan;
Iyong mawiwika: ng langit sa lupa.

Di nagbait ang lipunan,
walang patid ang pagtugis
sa repormang ninanais.
hanggang dulo kung magngalit;
Walang pintong di pininid,
mga sinta’y pinagsakit;
hinati ang mga ina
mga ama’y pinipilan;
Kalupaa’y di naglangit
sa susog ng panaginip;
paghahari’y nagpatuloy.

Kalaguyo ang sigalot.

(kinuha mula sa pinoyweekly.org)

---

Tagulaylay ng Republika
(Sa SONA 2006)
Rene O. Villanueva

Bawat singasing ay lagim ang hatid ng motorsiklo –
Bawat sibad: luksang-lambong sa dinahas na panimdim!
Bawat ungol ng makina ay halakhak ng salarin
Ng estadong kumukutya sa konsensiyang tumututol
Sa kawalang katarungan, kalayaang isinangla.
Itong baya’y walang habas, walang awa kung gahisin!
Ayy!
Ilang buhay pa ang dapat ibuwis ng mamamayan?
Ilang hibla ng hininga ang dagliang puputulin?
Ilang murang pangarap pa’ng papaslangin nang pataksil?
Ilang dugo ang dadanak? Ilang ulit kukutyain
Ang daing ng abang bayang walang awa kung paslangin?
Ayy! Ayy!
Bawat haginit ng punglo’y malupit na kamatayan;
Bawat sibad na palayo, nakatakas na kriminal;
Bawat taksil na harurot – pagtakas ng motorsiklo;
Bagong utang nitong buktot na gobyerno ni Arroyo!
Panibagong kasalanan sa lugaming taong-bayan,
H’wag na h’wag lilimutin: Magbabayad ang may utang!
AY! AY! AY!
Pahirin na ang panimdim: dalamhati ay tiklupin.
Di luha ang magbabangon sa pinaslang nang pataksil.
Hindi panimdim ang tugon ng nabalo’t naulila –
Kundi suklam, galit, poot: nagpupuyos, maniningil.
Lahat tayo ay tumindig at marilag na usigin;
Buktot-taksil, pagbayarin! Araw na ng paniningil!
Ay! Ay! Ay! Ayy!

Mula sa “Subverso”, Mga Tula at Kuwento Laban sa Politikal na Pandarahas, publikasyong iglap ng CONTEND-UP

walang isinukong laban


Whenever death may surprise us, let it be welcome if our battle cry has reached even one receptive ear and another hand reaches out to take up our arms.”

- Che Guevara


Magpapasko rin noong nakaraang taon nang humahangos kaming sumugod ni B sa PGH para dalawin siya. Kahahatid pa lang ng ambulansya kay Sir Nick galing sa unang ospital na pinagdalhan sa kanya. Hindi pa siya naaadmit sa ospital kaya hindi pa siya nakakabitan ng aparato. Salit-salit ang mga dumalaw sa kanyang unyonista, guro at estudyante sa pagbomba ng hangin sa kanyang baga para makatulong sa paghinga niya. Sa oras na iyon, kahit bisperas ng pasko, hindi ko magawang magsaya. Umuwi ako sa aming iniisip pa rin siya. Pakiramdam ko kasi hindi na magtatagal si Sir Nick.

Pero lumipas ang mga araw, linggo at buwan, tila ba mahigpit pa rin ang kapit ni Sir Nick sa buhay. Tila ba itong huling laban niya ay hindi rin niya magawang isuko katulad ng marami pang laban na kanyang sinuong. Hindi siya yumukod sa gitna ng Sigwa ng Unang Kwarto. Hindi siya natinag ng diktadura ni Marcos. Hindi siya naigupo ng tortyur at pagkakakulong. Hindi siya napatumba ng ambush.

Pero mahirap kalabanin ang panahon. Pero nagawa ni Sir Nick. Pero hanggang saan lang ba kayang ilaban ng mortal ang kanyang buhay? Lumisan siyang hindi isinusuko ang anumang laban. Hindi malilimot ang mga alaala, aral at labang iniwan ninyo sa amin.

Salamat Sir Monico Atienza. Propesor. Manunulat. Aktibista. Rebolusyonaryo.

---

Lifewatch
by Edel Garcellano


(for Monico Atienza)


I

A day before Christmas
& he lies comatose
at Mary Chiles.
Is it a way of forgetting
how long he has waged
war against the empire,
or the body now refuses
what the mind perseveres?
He doesn’t even know
he’s taking a long nap -
Something probably
he has dreamed of
after all those exhausting years.
His friends keep vigil.
That’s all they can do.
If only the gates of the universe
will open & disgorge
angels to tell them
the real score.
But his circle is used to waiting:
A revolution is a handiwork
of patience.
It will go on without Nick.
But it’s impossible to imagine
the future without him.

II

He is not your kind of poet.
His language smells
of the elemental earth,
wind & fire
& harvest of fruit trees
by men & women huddled
at the edge of the land
talking of the coming of the rain.
He knows the city
like the palm of his hands
but he wouldn’t text
of the dark alleys
& the secret meetings
of angry hearts
who defy the state holocaust…
He doesn’t have to write his poems,
really.
He lives them anyway.
He is not your kind of poet.

III

Too light is the crown
on the heads
of young bucks
who croon about their secret pains;
too cheap is the applause
of state lackeys that grates their ears;
& too brittle
are the plaques that adorn their walls.
Poetry takes a long, long time.
Like life itself.
A neat lesson for those
who claim the title
so quickly, so easily.

IV

He has an eye for beauty,
of course
but he would quip about it
in a low voice
as if such were a difficult struggle…
He would laugh,
as though to rub an aching bone
of impossible desires.
Does he know the limits
of his passion?
But his persistence
to change the order of things
envelopes all.

V

The prognosis is grim:
The damage is extensive;
he’ll be a vegetable
if he survives.
She assures that a fund drive
would be initiated by comrades & friends…
Yes, it’s flailing at the moon.
If God is history
there must be something about it
that escapes our mortal reasoning.

VI

The rememberers
who turn tears into guns
& words into a hand
over our hearts
dare not utter
a word of comfort nor pain:
Silence is all
before so much grief.

VII

How does one weigh a life?
“As heavy as a mountain,
as light as a feather?”
The state will not honor him.
The imperialists & fascists
will shrug their shoulders.
The academe will sigh in relief.
His friends will huddle in a corner
thinking among themselves
how brief is life
when nights are long
& sleep does not come.

VIII

He stirs from his deep sleep,
as though the waves
that carry him floating on the river Lethe
inside his head
have tickled his ears.
But he’s not listening.
The Gods are merciful.

IX

(Nexus)

He explains,
as though before a jury,
why he couldn’t make it
to Mary Chiles:
“It is not,” he avers,”so much
the fear of setting foot
at the hospital
where he would smell the strange
eucalyptus fragrance
of death
as the terror that he couldn’t handle
seeing him
at his most vulnerable:”
O Schodenfreude!


He missed his father’s
death throes by a few hours.
But probably it was by some crazy design:
He sees him still very much alive
in his mind.
The illusion must persist.



Friday, November 30, 2007

infernal affairs



sa loob ng 2 araw, tinapos kong panoorin ang infernal affairs trilogy. swerteng nakakuha ako ng kopya sa community pirata sa highway (to boot, kasama pa sa 22 in 1 dvd ang the godfather trilogy, american history x, traffic atbp., ansaya!). adapted sa istorya ng unang infernal affairs ang 2007 oscars best picture na the departed (na kasama din sa nabili kong dvd). pero personal kong paborito ang infernal affairs 2 na prequel ng naunanng pelikula kahit na hindi it tumabo sa takilya at ng awards.

sa mga di pa nakakakapanood ng the departed, ang pelikula tungkol sa pagtatanim ng mga espiya ng mga puwersa ng kapulisan at triad sa grupo ng isa't isa. higit akong nagandahan sa infernal;l afffairs kaysa the departed dahil sa mas malalaim nitong tinalakay ang saloobin ng mga tauahan at ang konsepto ng "inferno" o hell. ipinakita sa pelikula na walang tao conscious na nagnanais na malubog sa kumunoy ng impyerno. ngunit ang mga pinili nating panig ang nagtatakda ng lugar natin sa kasaysayan. naisip ni ming (andy lau) na sana siya na lang ang good cop (tony leung).

isa lang naman siguro ang puna ko sa infernal affairs series: sa huli, denial ito ng katotohanang sistematiko at entrenched sa isang colonial gov't (ipinakita pa nito ang hong kong handover nung 1997) na nagpapanatili subservience ng mga nasa gubyerno sa colonial masters. na iilan lang ang bugok sa pamahalaan at maari silang alisin. pero ang totoo ay systemic at systematic ang violenece and corruption sa pamahalaan sa isang kapitalistang lipunan (perfect example ang hk bilang isa sa mga tampok na globalization centers sa timog silangang asya).

malinaw ang tema ng pelikula, kapag tinahak mo ang landas patungong impyernmo, there's no turning back. point of no return sabi nga ni carina lau. at literal ngang translation ng mandarin title ay "the non-stop path."


---

katatapos ko lang manood ng babae sa breakwater. malagim at nakaririmarim ang ipinintang hitsura ng maynila sa pelikulangito ni mario o'hara. hindi miminsan na inihalintulad sa impyerno ang kamaynilaan dahil sa lumalalang kahirapan, gayundin ang karahasang inihahasik sa kanayunan.

---

hindi man ako sang-ayon sa military take over, lehitimo ang panawagan nina trillanes at lim sa makati seige na naganap kanina. hindi matitigil ang mga agnitong uri ng pagkilos at sitwasyon hangga't nakaluklok si gloria arroyo sa malakanyang. lalung lumalala ang mga ksalanan ni gloria habang tumatagal siya sa pusisyon at habang desperado niyang pinuprotektahan ito. long overdue na ang resignation.( putcha, naunahan ko pa siya.) matagal nang hinusgahan ng kasaysayan at ng taumbayan si arroyo.

---

silent night.

ipinatupad ni arroyo ang curfew sa gabing ito. higit pa lang mas madilim ang gabi kapag tahimik ito. hindi ako makatulog.

Friday, November 23, 2007

there's shit in the meat...


...eto siguro ang bersyon ng mga kritiko ng fast food industry ng slogan na “there’s blood in your coffee.”

Bukod sa literal na pakahulugan ng “shit,” higit na nakaririmarim ang ibang napalalaman sa mga sandwich bukod sa hamburger patties. Illegal migrants, unfair labor practices, sexual harassment, corporate accountability, improper nutrition at iba pa ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay ng pelikulang Fast Food Nation ni Richard Linklater. Naging katuwang ni Linklater sa proyektong ito si Eric Schlosser, ang sumulat ng librong Fast Food Nation: The Dark Side of the All-American Meal.

Maraming nag-aakusa na dahil fictionalized ang pelikula, nalalabusaw daw ang talim at talas nang libro ni Schlosser. Pero hindi naman naging ganito ang tingin ko. Sa tingin ko, nabigyan ng pelikula (oopppsss, wala palang point of comparison kasi di ko pa nababasa ang libro) ng human (at animal) face ang mga isyung inilantad ni Schlosser sa libro.

Naging malinaw sa akin kung bakit big deal ang usapin ng fast food industry hindi lang sa US, maging sa mga third world countries tulad ng Pilipinas. Ang industriyang ito, tulad ng iba pang industriya, ay manipestasyon ng krisis ng global capitalism. Tulad ng iba pang basic necessities ng tao, kapag nilangkapan ng kapitalismo at konsumerismo ang pagkain, higit itong nakasasama sa human race kaysa nakatutulong ito.

Isa pang bagay na na nagustuhan ko sa pelikula ay ang recurring theme ni Linklater na suburban life. Tampok sa pelikula niyang subUrbia ang pagusbong ng komersyo sa suburban communities sa porma ng mga mall (parang marikina ito ah!) at fast food chain habang napag-iiwanan ang kalagayan mga mismong mamamayan ng komunidad. Ipinakikita ni Linklater ang animo’y “trapped” o walang patutunguhang mga buhay ng mga kabataan sa suburbia. Ito ang kakatwa sa isang “borderless world” at may ilusyon ng mobility dahil sa na rin sa pag-unlad ng teknolohiya. Mukhang usapin pa rin ng FOP (forces of production) at ROP (relations of production) ang kahahantungan ng usaping ito.

Ngayon lang din ako nakapanood ng isang mainstream na pelikula na may call to action. Pinakita rin nito ang tila defeatism sa disorganisadong mga aksyon sa pagsusulong ng adbokasya. Bahagya ring pinahagingan ng pagkutya ng pelikula ang Patriot Act bilang represibo at di makatuwirang batas.

Isa rin sa kinatuwa ko sa pelikula ay ang pagtatahi ng isyu ng human rights at animal rights. Madalas kasing pagbanggain ang mga isyung ito. Pero ang malinaw ay sa age ng late capitalism, dispensable ang rights ninuman, hayop man o tao, para sa ganansya at tubo.

Tama nga ang catchphrase ng pelikula, “the truth is hard to swallow.”


Thursday, November 22, 2007

i don't even know how to spell revolutionary jesus in the sky


suzanne vega ( beauty & crime cover photo)

Cuscatlan
Frente!

I love my country
But it wears a uniform
It speaks with foreign guns
In the background you can almost hear
The sound of intervention

And I dont know when liberty fell
But we rang every mission bell
We rang them loud and clearly
For a world that wouldnt listen

I dont want to die
Im as innocent as anybody
I dont even know how to spell
Revolutionary
Jesus in the sky
The bullets in the guns
You dont even know what we
Mean by repression

Blood is the colour of the sunset
You walked into the darkness
I did not hear your last breath
There will not be an inquest
This is not human interest

We danced the dirt with
Surrender for our drumbeat
We danced for the balance sheet
Died for the kind of lasting peace
That pleases the world policeman

And fatherland raped motherhood
And told her it was for the global good
And now we ring the mission bell
To warn their children

And I dont want to die
Im as innocent as anybody
I dont even know how to spell
Revolutionary
Jesus in the sky
The bullets in the guns
You dont even know what we
Mean by repression

Blood is the colour of the sunset
You walked into the darkness
I did not hear your last breath
There will not be an inquest
This is not human interest


---

kapag naririnig ko ang kantang ito ni suzanne vega, naaalala ko si c, ang ultimate viajero.

Gypsy
Suzanne Vega

You come from far away
With pictures in your eyes
Of coffeeshops and morning streets
In the blue and silent sunrise
But night is the cathedral
Where we recognized the sign
We strangers know each other now
As part of the whole design

Oh, hold me like a baby
That will not fall asleep
Curl me up inside you
And let me hear you through the heat

You are the jester of this courtyard
With a smile like a girl's
Distracted by the women
With the dimples and the curls
By the pretty and the mischievous
By the timid and the blessed
By the blowing skirts of ladies
Who promise to gather you to their breast

Oh, hold me like a baby
That will not fall asleep
Curl me up inside you
And let me hear you through the heat


You have hands of raining water
And that earring in your ear
The wisdom on your face
Denies the number of your years
With the fingers of the potter
And the laughing tale of the fool
The arranger of disorder
With your strange and simple rules
Yes now I've met me another spinner
Of strange and gauzy threads
With a long and slender body
And a bump upon the head

Oh, hold me like a baby
That will not fall asleep
Curl me up inside you
And let me hear you through the heat


With a long and slender body
And the sweetest softest hands
And we'll blow away forever soon
And go on to different lands
And please do not ever look for me
But with me you will stay
And you will hear yourself in song
Blowing by one day

Oh, hold me like a baby
That will not fall asleep
Curl me up inside you
And let me hear you through the heat


Wednesday, September 12, 2007

Injustice

mula sa blog ng isa sa mga pinakarerespeto kong tao, naks!. 'pag ganitong usapin talaga, nakikita ang tunay na kulay ng mga tao, ang ubod, ika nga. naaala ko tuloy ang yung gasgas na metapora ng mga tibak sa keso de bola-- pula sa labas, dilawan sa loob. pero siyempre, pana-panahon pa rin naman sumasapul si de quiros, huwag lang sa usaping ideyolohiya at paraan kung paano babaguhin ang lipunang ito.

Injustice (by kr guda)

De Quiros, in his new column, joins the chorus of applause for the Dutch government’s arrest of Jose Maria Sison. He says this: “If it is true that Sison has committed these crimes—and there are witnesses aplenty, not the least of them the widows of the dead, to testify so—then his arrest is indeed a giant step toward peace, a victory for justice and the rule of law. Then there is indeed every reason, from the perspective of freedom, human rights, and all that democracy holds sacred, to be very excited about it.”

What’s wrong with this statement?

De Quiros apparently is not even sure that Sison commited the crimes – if they were indeed crimes – imputed upon him. My previous entry argues that the accusation goes against reason, and that people who only give credence to such accusations either: (1) dislike Sison and the national democratic movement, like De Quiros and the Inquirer; (2) or is politically-motivated to prosecute Sison, like the Dutch, US and Philippine governments.

How on earth can prosecuting Sison for really, really flimsy charges ever be a “giant step toward peace and the rule of law”? How can De Quiros conscientiously approve of the arrest when he is not even sure of Sison’s guilt?

The question that should be asked is: Given the military record of both Tabara and Kintanar, is the killing of Kintanar and Tabara a crime at all? As legitimate combatants (i.e. engaged in armed confrontations) in the civil war between the Philippine government and the CPP-NPA-NDFP, they should have very well known that they were legitimate targets by their enemies.

The problem with this state – whose ideological framework De Quiros embraces – is that when its armed agents kill enemy combatants (i.e. NPA, MILF, MNLF), there is no crime, only casualties. But when enemy combatants kill soldiers (i.e. killing of 12 Marines in Basilan, and killing of Kintanar and Tabara), they cry out to the heavens for justice, demanding and enforcing the arrest of those enemy combatants.

Joma is not even a combatant. Yes, he is the chief political consultant (not in quotation marks, as De Quiros so maliciously writes) of the NDFP, representing the revolutionary organizations, including the NPA, that are directly engaged in combat. But precisely because he is a consultant to a party to peace negotiations that we must make the distinction. This is precisely the rationale behind the Joint Safety and Immunity Guarantees that both the Philippine government and the NDFP signed: negotiators cannot be targetted in the armed conflict. They are there precisely to end the armed conflict.

Let us grant for a moment, though, that Joma, is indeed a combatant, and that he did order the killing of Kintanar and Tabara. If the widows of Kintanar and Tabara indeed feel that they have been wronged and that their spouses were unjustly killed by the NPA – who in turn declared they did so to punish them – the first thing that they should have done is to file a complaint in the Joint Monitoring Committee for the implementation of Carhrihl (Comprehensive Agreement for the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law). This is the organ, composed of representatives of both the Philippine government and the NDFP, which monitors violations of the agreement signed by both parties declaring their respect for internationally-recognized human rights laws and standards.

Filing a complaint in either the Philippine or Dutch courts goes against the very spirit of this landmark agreement. The NDFP, which claims to have its own judicial system, does not recognize Philippine or Dutch laws. But it declares commitment to Carhrihl. How can the widows make the NDFP accountable under a system that the latter does not recognize? The right thing to do is to make the NDFP accountable under this agreement that it committed itself to.

This is precisely why the NDFP says arresting Joma virtually kills the peace talks. The Carhrihl was signed by both parties as a step towards eventual cessation of hostilities. In assisting in the arrest of Joma, the Philippine government flouts the agreement.

“Frankly, I don’t understand what people are doing marching in the streets, banging heads with fully shielded and truncheon-wielding cops, to protest Sison’s arrest,” writes De Quiros. But of course, the militants have every reason to march in the streets to protest the arrest. Joma is a patriot, someone who spent his entire life for a revolutionary cause. He is innocent of the charges. He is being politically persecuted. The question is why De Quiros is not out there with the ralliers.

A quote from Pastor Martin Niemoller after the Second World War that De Quiros might have used before might be of use to him now: “First they came for the Communists, and I didn’t speak up, because I wasn’t a Communist. Then they came for the Social Democrats, and I didn’t speak up, because I wasn’t a Social Democrat. Then they came for the Trade Unionists, and I didn’t speak up, because I wasn’t a Trade Unionist. Then they came for the Jews, and I didn't speak up, because I wasn't a Jew, Then they came for me, and by that time there was no one left to speak up for me.”

Avid readers of De Quiros’ column know by now his distrust of Jose Maria Sison, and by extension, the national democratic movement. He is entitled to his opinions. But to applaud the arrest and trampling of the rights of a man whom he is not sure is guilty in the first place but nevertheless dislikes is a betrayal of the very thing he claims to fight for:

Justice.

Thursday, August 30, 2007

The Enemy











Paminsan-minsan Sabik ang Puso sa Mangga
ni Jose Maria Sison

Paminsan-minsan sabik ang puso
sa mangga kung nariyan ang mansanas
sa init kung nariyan ang ginaw
sa mabundok na kapuluan
kung nariyan ang kapatagan
kay layo ng kaib’han sa tahanan
at sa daloy ng mga kaibigan at kamag-anakan.

Ang mga di kinasanayan at kinasasanayang
bagay at lugar na naghuhudyat
sa hapdi ng mga patid na ugnayan
ang mga kawalang dulot ng antala at kaligta.

Direct dialing at fax machine
computer disc at video cassette
mga bisitang lulan ng supersonic jet
ay bigong paglapitin ang agwat
ng mga aral na pagpapamalas
at mga kaalwaan sa tahanan.

May mga kasama at kaibigang
nakakapagpa-ibig sa lupang dinayuhan
subalit sila’y may sariling gawi,
may sariling buhay
na di abot ng pang-unawa at pakialam ng dayuhan.

Silang ibig ipagkait sa distiyero
ang tahanan, mga kaibigan at kamag-anakan
ang buhay, katawan at kalayaan
ay sila ring pinakamaingay;
Na siya raw ay nakalutang
sa dagat matapos siyang hugutin
sa lupang pinag-ugatan.

Ang distiyerong may layunin
ay patuloy na nakikibaka
para sa inang bayan
laban sa nagpalayas sa kanya
ang mga mapagsamantala,
at kahit tiyak na nananahanan
sa kanyang bayan at sandaigdigan.

Friday, August 17, 2007

playing dead, writing 30

hinamon ko si k at jeeu na maglista ng mga bagay na makikita sa bag nila pag namatay sila. naisip ko kasi, paano kung matagapuan akong deds sa kalsada, nasagasaan o di naman kaya ay naabgsakan ng falling debris, hahalungkatin ng mga uzi ang bag ko for identification. at siyempre ayoko namang makilala sa aking pagkamatay bilang pangkaraniwan lamang (kahit matagal ko na namang tanggap na hindi ako mamatay na tulad nina antonioni o bergman). ang siste ng larong ito anong mga libro(5) at dvds(5) ang laman ng bag mo pag natagpuan kang bagay. sabihin na nating pati mp[3 player mo ay papakialaman, anong mga kanta (50) ang huli mong napakinggan?

kaya heto, heto ang sinusumpa kong makikita niyo sa bag ko pag namatay ako:

Mga libro:
  1. Franny and Zooey- JD Salinger
  2. The Hours- Michael Cunningham
  3. Illuminations- Walter Benjamin
  4. Written on the Body- Jeanette Winterson
  5. 24/7 Walang Panahon- Carlos Piocos (editor)
Mga DVD:
  1. Kung Mangarap Ka't Magising- Mike De Leon
  2. Almost Famous- Cameron Crowe
  3. The Dreamers- Bernardo Bertolucci
  4. Science of Sleep- Michel Gondry
  5. Amores Perros- Alejandro Gonzalez Inarritu
Mga MP3:

  1. Blue- Joni Mitchell
  2. Fast Car- Tracy Chapman
  3. Leave This City- The Sundays
  4. Small Blue Thing- Suzanne Vega
  5. We All Fall in Love Sometimes- Jeff Buckley
  6. The Other End- Aimee Mann
  7. I’ll Follow You Into the Dark- Death Cab for Cutie
  8. Going for Gold- Bright Eyes
  9. Mad World- Gary Jules
  10. A Case of You- Joni Mitchell
  11. Rosemary- Suzanne Vega
  12. Mexico- Cake
  13. If You Could Read My Mind- Johnny Cash
  14. Mystery- Indigo Girls
  15. High and Dry- Jamie Cullum
  16. Landslide- Smashing Pumpkins
  17. River- Joni Mitchell
  18. All Flowers in Time- Jeff Buckley
  19. Father and Son- Johnny Cash and Fiona Apple
  20. Suzanne- Leonard Cohen
  21. Fields of Gold- Eva Cassidy
  22. A Waltz for a Night- Julie Delpy
  23. Ghost- Indigo Girls
  24. Invisible Ink- Aimee Mann
  25. Satisfied Mind- Jeff Buckley
  26. Homeward- The Sundays
  27. Just in Time- Nina Simone
  28. Eleanor Rigby- The Beatles
  29. The Flowers- Regina Spektor
  30. How to Disappear Completely- Radiohead
  31. Never is a Promise- Fiona Apple
  32. Folk Song- The Sundays
  33. Bitterly- The Jerks
  34. Fragile- Sting
  35. Marlene on the Wall- Suzanne Vega
  36. Hallelujah- Jeff Buckley
  37. Stop This Train- John Mayer
  38. Last Goodbye- Jeff Buckley
  39. Forever Young- Youth Group
  40. Summertime- The Sundays
  41. Left of Center- Suzanne Vega
  42. Don’t Let it Bring You Down- Annie Lennox
  43. Nakalimutan ang Diyos- The Wuds
  44. One for My Baby and One More for the Road- Frank SInatra
  45. World Before Columbus- Suzanne Vega
  46. Scarborough Fair- Simon & Garfunkle
  47. Matter of Time- Wolfgang featuring Radha
  48. Here’s Where the Story Ends- The Sundays
  49. The Promise- Tracy Chapman
  50. Walk Down the Road- Cynthia Alexander

Thursday, July 26, 2007

Springfield

si guilly, alter ego ko sa springfield

pag nakakapanood ako ng the simpsons, hindi pwedeng hindi ko maalala 'yung isang byernes na bumaha sa amin nung grade 2 ako. tumirik yung kakaragkarag na kotseng minamaneho ng nanay ko kaya pinasundo niya ako sa pinsan ko. at bilang malilimutin, nasa bahay na kami nung napansin kong naiwan ko pala sa parking lot yung bag ko. kaya bukod sa pag-tow sa kotse, na-hassle din ang mga magulang ko para balikan ang naiwan kong bag sa school. at habang nagaganap ang patung-patong na kamalasan na iyun, prenteng-prente akong nanonood ng mga noo'y isa sa mga unang episode ng the simpsons. lampas 15 taon na palang nung nangyari yun. ngayon ko lang din na-realize na antagal pala bago nagkaroon ng movie version ang paborito kong cartoon--17 years. pero magkagayunman, hindi pa rin tumatanda sina bart at lisa, hindi pa rin nagdidivorce sina marge at homer, at di pa rin nakakapagsalita si maggie ( at may subo pa ring pacifier si maggie. pero antabayanan ang first word niya sa history ng the simpsons).

di naman nasayang ang paglalakad ko sa ulan papunta sa community cinema (hehehe) sa may amin para manood ng the simpsons movie. wala pa ring nagbago, andun pa rin yung biting sarcasm at pagtalakay sa mga nagbabagang isyu sa amerika (nagawa ko pa ngang i-connect sa anti-terror bill ang pakahulugan sa pelikula, hehehe). and i must say, i really love it. at mabuti na nga lang mag-isa lang ako sa row, kasi iyak lang ako nang iyak sa kakatawa at sa nostalgia.

eto, ang isang glowing review ni peter bradshaw ng the guardian. at eto naman ang isa pang blogentry tungkol sa pelikula.

Tuesday, July 24, 2007

manananggal terrorizes manila*

photo courtesy of arkibongbayan.org




di pa nakuntento sa higit na 800 biktima ng extrajudicial killings, mas kahindikhindik pang mga halimaw ang pakakawalan ni gloria. sa isang banda ay kinukundena raw niya diumano ang mga pamamaslang, ngunit susog niya sa kabilang kamay ang hsa, na hindi lamang ang mga militante ang maaaring targetin kundi ang mga simpleng sibilyan. at sabi pa niya, "we do not fight terror with terror," bilang pagtanggi na maaring maghasik ng terorismo ang estado-- na sa katotohanan, ito ang pinakamabangis na porma ng terorismo.

lahat ng ito ayon sa sa kumpas ng pandaigdigang gera ng amerika laban sa terorismo ayon sa kanilang pakahulugan. sa pustura at pananalita pa lamang ni gloria, di maikakaila ang wangis ng pasismo. sa kabila ng mga ibinabandilang kaginhawang hatid ng mga impastratuktura ng super regions ay ang walang kapararaang pandarahas sa mga aktibista at maging sa mga pangkaraniwang mamamayan na sa tingin niya sagabal sa kanyang vision, "anyone [who] gets in the way of the national interest and tries to block the national vision. From where I sit, I can tell you, a President is always as strong as she wants to be." so marcosian. di na katakataka kung isa sa mga pumapalakpak sa session hall ay si imelda marcos.

--

ito na ang ikalawang sona na hindi ako sumama sa rali. magmula noong freshman ako sa diliman, hindi ako nagmimintis sa pagtambay sa harap ng ever gotesco. naisip ko rin namang dumaan kanina sa commonwealth pero di ko nagawa. antagal ko na ring di naaarawan.

---
*pasintabi kay jessica zafra

Saturday, July 14, 2007

Mystery White Boy


My, oh my! Jeff Buckley biopic is in the works. Read article here. And here. And here.

Monday, June 04, 2007

waking life

celine at jesse sa waking life


"I am more afraid of losing consciousness
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness."
-eric gamalinda, subterranean


nung wednesday ko lang na-realize na tapos na pala ang klase namin sa mowel. dahil makulimlim at katatapos lang ng ulan, mabilis akong tinablan ng lungkot. kahit papaano ay naging escape ko ang pagpasok sa klase sa highly-mechanized na routine ng trabaho. marami rin naman akong natutunan at naging kaibigan sa klase at sa production. isa siguro sa mga dahilan ko sa pag-enrol sa workshop ay ang malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin. hindi man ito nasagot sa pagtatapos ng workshop, kahit papaano nababalik na ang passion ko sa ilang mga bagay. nagawa kong bunuin ang mga klase (may isa akong absent) kahit na lagi akong kulang na kulang sa tulog sa loob ng dalawang buwan. ngayon tapos na workshop, humahanap muli kami ni E ng distraction-- para lamang matawid ang mga buwang ilalagi pa namin sa trabaho.

na-realize ko rin na kulang na kulang pa rin ang nalalaman ko sa pagsusulat at sa pagpepelikula. amdami pa akong hindi nababasa, madami pang di napapanood. tila kailan lang (hay lampas kalahating dekada na pala) nang mag-umpisa akong mangolekta ng mga libro at pelikula. kaya nga halos maubos ang sweldo ko nang mamakyaw ko ng dvd sa metrowalk nung thursday. ok lang, for educational purpose naman.

---

pinahiram ng isang kaklase sa workshop ang vcd niya ng waking life sa akin . matagal na rin akong naghahanap ng kopya nito, laluna't nauna na akong binaliw ni richard linklater sa before sunset at sunrise at a scanner darkly. pero siguro tama na ring sa edad na eto ko mapanood ang waking life, sa puntong hindi na ako masyado mangmang sa pilosopiya ng existentialism (hay naku, hindi simpleng being and becoming ang usaping ito kaya hindi madaling mag-claim na ang isang indibidwal na siya'y existential at/o existentialist), mga sulatin ni sartre, santayana at benedict anderson. pero sa totoo lang, maraming bahagi pa rin ng pelikula ang pinaulit-ulit ko para ganap na maintindihan. panahon na siguro talaga para muling magbasa. kahit sa wikipedia na lang muna in between tasks sa opisina. hehehe. kung magkapera ako (operative word: kung), sana makapagsubscribe ako sa mga online library. ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ko napuno ang library card nung nag-aaral pa ako.

---

bukod sa waking life, ito ang ilan sa mga bagay na nakagiliwan ko sa mga nakalipas na linggo:

history boys, maya deren's meshes of the afternoon at slavoj zizek's pervert's guide to cinema

(lahat ito ay courtesy of s' and e's multi-media library. salamat nang marami sa pagpapaambon ng cultural capital)

jeeu, tapos ko na ang heroes, at oo, hindi rin ako satisfied sa season finale.

Thursday, May 10, 2007

kabataan, tayo naman sa kongreso!




KA - Karapatan sa Edukasyon at Empleyo (Right to Education and Employment)
BA - Batayang Serbisyong Panlipunan (Basic Social Services)
TA - Talino at Galing sa Pamamahala (Excellence in Governance)
AN - Anak ng Bayan para sa Maningning na Kinabukasan (Sons and Daughters of the Nation for a Bright Future)

Our future IS our choice.

This coming May 14, vote for honest officials, for principled leadership and for change. Now more than ever is the time for the youth to be involved.

Vote for KABATAAN PARTY-LIST. Tayo naman sa Kongreso!

Tuesday, April 17, 2007

"today i am a small blue thing... i am cool and smooth and curious."

"If I am honest I will admit tha t I have always wanted to avoid love. Yes give me romance, give me sex, give me fights, give me all the parts of love but not the simple single word which is so complex and demands the best of me this hour, this minute, this forever."
- Jeanette Winterson, The Poetics of Sex

tiyempong tinext ang quote sa itaas ng isang kaibigan noong linggong tinatapos kong basahin ang written on the body ni jeanette winterson. may isang punto habang binabasa ko ang nobela ni winterson ay napapaluha na ako. hindi dahil sa na-touch ako o naka-relate sa kuwento kundi dahil sa galing ni winterson magsulat. na may taong tulad niya na magagawang magsulat ng ganoon ka-passionate.

napapaisip tuloy ako, nais kong ipaligid sa akin ang mga bagay na makabubuhay muli sa akin. madalas, pag nararamdmaan ko ang pamamanhid, ang kawalang pandama, naiisip ko kung kelan ba ako naging ganito. kay nga laking pasalamat ko dahil kahit na monotonous at paulit-ulit ang ginagawa ko ngayon ay nakakapagbasa uli ako. kahit sa ganoong paraan man lang muli akong makadama. kahit manghiram muna ako ng damdamin mula sa mga likhang tauhan sa mga binabasa ko ngayon. hanggang sa magawa ko muling ganap na makadama. baka sa ganitong paraan lang ako muling bubukas sa lahat ng posibilidad. at magawa ko ring tumawid sa pedestrian overpass sa Nepa-Q Mart o tumayo sa gilid ng bangin.

---

natapos ko nang basahin ang script ng the hours na pinahiram sa akin ni C. naaalala ko lang ang mahabang panahong binuno ko sa pagbabasa ng nobela. sa isang bahagi ng nobela, nagkaroon ng reyalisasyon si Clarissa Vaughan nang balikan niya ang nakaraan nila ni Richard. Nung mga panahong magkakasama sila, naisip niya na maaring yun ang simula ng panahon ng kaligayahan. matapos ang halos tatlong dekada, saka lamang dumating sa isip niya na iyon na mismo ang kaligayahan.

---

ilang oras palang ang nakakalipas habang sinusulat ko ito, naganap ang pinakamasahol na campus shooting rampage sa kasaysayan ng US. humigit kumulang 30 estudyante ng Virginia Tech ang walang habas na pinagbabaril. parang yung naganap sa Columbine ilang taon pa lamang ang nakararaan. tila minu-minuto mas nagiging delikado ang mundong ito para kaninuman. normal na sigurong maging sinikal laluna sa mga balitang tulad nito.

---

paborito kong kanta ngayong abril:

Small Blue Thing
by Suzanne Vega

Today I am
A small blue thing
Like a marble
Or an eye

With my knees against my mouth
I am perfectly round
I am watching you

I am cold against your skin
You are perfectly reflected
I am lost inside your pocket
I am lost against
Your fingers

I am falling down the stairs
I am skipping on the sidewalk
I am thrown against the sky

I am raining down in pieces
I am scattering like light
Scattering like light
Scattering like light

Today I am
A small blue thing
Made of china
Made of glass

I am cool and smooth and curious
I never blink
I am turning in your hand
Turning in your hand
Small blue thing

Saturday, March 31, 2007

sining ng pakikisangkot: baliktanaw sa mga obrang sister stella l. at orapronobis


Maituturing na mahahalagang dokumento ng kasaysayan ng pakikisangkot ng pelikulang Pilipino ang mga obrang Sister Stella L.(1984) ni Mike de Leon at Orapronobis (1989) Lino Brocka. Gayong marami pang pelikula na nagawa noong dekada ‘70 at ‘80 ang naglarawan at tumuligsa sa pamahalaan at, sa pangkalahatan, sa sistemang panlipunan, namumukud-tangi ang Sister Stella L. at Orapronobis na lantarang tumalakay sa aktibismo at sa pakikisangkot bilang paraan ng paglaban sa namamayaning kaayusan. Dahil sa katangiang ito ng dalawang pelikula, naiigpawan ng mga obrang ito ang pagiging reliko na lamang ng nakalipas.

Dalawang dekada na ang nagdaan mula nang isapelikula ang mga ito, masasabi pa ring “napapanahon” ang mga obra sa kasalukuyang konteksto ng maligalig na sitwasyon ng bansa sa kinakaharap nitong krisis pampulitika sa ilalim ng pamahalaang Macapagal-Arroyo. Pagpatay sa mga aktibista at lider unyon, militarisasyon sa kanayunan, pakikisangkot ng mga taong simbahan sa pulitika, kaliwa’t kanang kilos protesta at labis na kahirapan ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay sa mga pelikulang ito na kung tutuusi’y araw-araw na nakikitang mga imahe sa mga peryodiko at telebisyon sa ngayon.

Sa maraming bahagi, malaki ang pagkakatulad ng dalawang pelikula sa isa’t isa bukod sa kapwa isinulat ito ng batikang mamamahayag/manunulat na si Jose F. Lacaba (kasama si Jose Almojuela, Mike De Leon at Ricardo Lee sa Sister Stella L.) kahit na tumatalakay ito sa magkaibang rehimen. Idinirihe ni De Leon ang Sister Stella L. para sa Regal Films noong 1984, isang taon matapos paslangin ang lider ng oposisyon na si Ninoy Aquino na diumano’y nagpalawak sa kilusang laban sa diktadura. Ginawa naman ng namayapang pambansang alagad ng sining na si Brocka ang Orapronobis sa tulong ng mga prodyuser na Pranses bilang protesta sa lumalalang kalagayan ng karapatang pantao sa “liberal-demokratikong” rehimen ni Corazon Aquino, tatlong taon lamang matapos ng pag-aalsang EDSA.

Sangandaan

Sa pagbabalik-tanaw sa dalawang pelikulang ito, hindi nalalayo ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa mga naganap noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos o sa cacique democracy sa ilalim ni Cory Aquino. Ang mga pagkakahawig ng dalawang pelikula ang siya ring mga kantangian na nag-uugnay sa kasalukuyang sitwasyon. Bagamat tumatalakay sa mga unibersal na tema ng kahirapan, karapatang pantao, katarungan at kalayaan, sumesentro ang bawat pelikula sa partikularidad ng kani-kaniyang milieu.

Kahit na ang pinakamatingkad na usapin noong unang bahagi ng dekada ’80 ay ang nagpapatuloy na diktadurang Marcos sa kabila ng pag-alis ng batas militar, piniling talakayin ng Sister Stella L. ang problema sa paggawa at ang tumitinding kahirapan (na mas binigyang mukha sa sumunod na kolaborasyon ni Brocka at Lacaba na Bayan Ko: Kapit sa Patalim), hayagan na itong nagtatanong at nagbibigay ng alternatibong kasagutan. Tila ba nang-uudyok ang matagal nang sigaw at tanong: “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan?” Kung tutuusin, mas mapangahas pa nitong inilalantad ang ugat ng problema, sa pamamagitan ng madreng si Sister Stella Legaspi (na sinasabing hinalaw ang karakter kay Coni Ledesma, dating madre at ngayo’y kasapi, kasama ang asawang si Luis Jalandoni, na dati ring pari, ng National Democratic Front), iminulat ni De Leon maging ang mga manonood sa nakapanlulumong reyalidad ng isang kapitalistang sistema kung saan “ang pang-aapi ang siyang nagpapanatili sa kapangyarihan ng mga nang-aapi,” ayon na rin sa isang tauhan sa pelikula.

Rumurok ang pelikula sa pagdukot, pagtortyur at pagpaslang sa pangulo ng Republic Oil Labor Union na si Ka Dencio (Tony Santos) at sa panawagan para bigyang hustisya ang pagkamatay nito. Hindi na ito bago sa mga makakapanood ngayon ng pelikula. May ilang lider ng mga unyon na rin ang napapaslang sa loob lamang ng limang taong panunungkulan ni Gloria Arroyo. Dalawa sa mga ito ay sina Ding Fortuna, pangulo ng unyon ng mga nagwelgang manggagawa ng Nestle Philippines, at Ric Ramos pangulo ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union sa Hacienda Luisita ng mga Cojuangco.

Wala Nang Tao sa Santa Filomena

Maihahalintulad naman sa panawagan ni Ginang Arroyo para sa all-out war laban sa mga komunista ang pagtugis ng grupo/kulto ng mga vigilanteng Orapronobis sa mga pinaghihinalaang rebelde sa pelikulang Orapronobis. Nanatiling limitado ang mga nakapanood ng pelikulang ito ni Brocka nang patawan ng X-rating ng MTRCB noong rehimeng Aquino. Tanging mga nasa akademya lamang ang nabibigyang pagkakataon na mapanood ito maliban na lamang sa mga patagong pagpapalabas ng pelikulang ito sa mga komunidad. Patunay ito na magpasahanggang ngayon, itinuturing pa rin ng pamahalaan at ng estado ang pagiging delikado ng pelikulang ito. Ngunit, kung tutuusin, wala na rin namang itatago ang pamhalaan mula sa mga nailantad sa pelikulang ito. Maliwanag ang mensahe ng pelikula: ang estado ang rekruter ng mga rebelde.

Kamakailan lamang nang mapabalita na naubusan na ng cedula ang mga barangay sa San Jose sa Nueva Ecija matapos ipag-utos ni Major General Jovito Palparan na ang bawat mamamayan na magdala ng cedula bilang pagkakakilanlan. Para kay Palparan, kung wala nito ang isang tao, nangangahalugang ito ay rebelde na dapat arestuhin at/o likidahin bilang bahagi ng anti-insurgency campaign sa Gitnang Luson. Kahit na kay Norberto Manero, pinuno ng kulto at vigilanteng pumatay sa Italyanong paring si Tulio Favali, pa unang hinulma ni Brocka ang tauhang si Kumander Kontra (Bembol Roco), hindi maikakaila ang pagkakahawig ng karakter na ito sa itinuturing na berdugo ng mga aktibistang si Palparan.

Humigit 700 na ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa magmula nang iluklok sa EDSA 2 si Arroyo. Kalakhan ng bilang na ito ay sa mga rehiyon kung saan nakatalaga si Palparan. Taong 2002 nang magsilikas ang daan-daang Mangyan at mamamayan mula sa Mindoro matapos tugisin ng batalyong pinamumunuan ni Palparan ang mga kasapi ng mga ligal na militanteng grupo sa Timog Katagalugan. Noong 2004, pumalo ang dami ng mga pagpaslang at pagdukot sa mga lider aktibista at magsasaka sa Eastern Visayas nang madestino doon si Palparan. Ang paglikidang ito sa mga kasapi ng militanteng grupo ay walang ibang pagsisilbihan kundi ang pananatili ni Arroyo sa Malacanang. Maihahalintulad ito sa pagsasalarawan ni Brocka ng pasismo bilang panatisismo ng mga vigilante, na kinakatawan ni Kontra, sa altar ng kapangyarihan at karahasan.

Tumabo na sa 50,000 kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang naitatala sa limang taong panunungkulan ni Arroyo. Hinihigitan na nito ang tinatayang 30,000 kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa halos dalawang dekada ng rehimeng Marcos at 20,000 kaso sa rehimeng Aquino. At tumataas pa ang kaso ng mga hamletting, extrajudicial killings, enforced disappearances at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa bawat araw ng pananatili ni Arroyo sa puwesto laluna nang ideklara niya ang all-out war laban sa CPP-NPA. Nagpahayag na ang iba’t ibang grupo ng mga human rights advocates, maging sa international community, ng pagkundena sa pamahalaang Arroyo sa di masawatang pagdami ng mga kaso ng pagpaslang sa mga aktibista at kasapi ng media. Maliban sa isyung ito, laganap na rin ang pagkadiskuntento ng mamamayan sa pamahalaang Arroyo bunsod ng mga akusasyon ng pandaraya sa eleksyon, katiwalian at ang di maampat na krisis pang-ekonomya ng bansa.

Kung hindi tayo, sino?

Bukod sa political opposition, ang simbahan ang isa sa mga binabantayang sektor sa kanilang tindig sa kasalukuyang krisis. Inaantabayanan ang bawat pahayag o pastoral letter na inilalabas ng CBCP kaugnay ng krisis pampulitika. Patunay lamang nito na lumalawak ang pagkadiskontento sa pamahalaan at ang pagkahiwalay ng rehimeng Arroyo mula sa mamamayan. Bagay namang pinatunayan na sa kasaysayan na masisipat sa mga pelikulang Orapronobis at Sister Stella L. Kapwa alagad ng simbahan ang mga pangunahing tauhan sa dalawang pelikula—si Sister Stella Legaspi (Vilma Santos) na naghahanap ganap na pakikisangkot para sa pagbabagong hubog ng lipunan at si Jimmy Cordero, dating pari at napalayang detenidong pulitikal matapos ang pagbagsak ng rehimeng Marcos. Pagsanib ng simbahan sa taumbayan nang mag-aklas ang mga ito sa EDSA 1 at 2 ang isa sa mga salik sa pagtatagumpay ng mga ito.

Magmula sa usaping pulitikal, ang saklaw ng mga pagkakasala ni Arroyo at ng mga rehimeng bago ito ay nagiging usaping moral bagay na hindi mapapalagpas ng simbahan. O sa ibang pagtingin, sa paglala ng krisis, hindi maiiwasan ang pagiging pulitikal ng iba’t ibang sektor na dati’y nyutral gaya ng militar, simbahan at maging ang mga manggagawang kultural/alagad ng sining.

Kung kaya hindi kataka-taka sa panahon ng panunupil umuusbong ang mas mapapangahas pang akdang sining. Makikita sa Sister Stella L. at Orapronobis na itinutulak ang mga alagad ng sining na pumanig at makisangkot. Malinaw kung anong posisyon ang pinili nina Brocka at De Leon.

Kilala si Brocka sa pagiging aktibistang alagad ng sining. Siya ang nagtatag ng Concerned Artists of the Philippines. Itinalaga siyang kasapi ng constituent convention para sa paglikha ng Saligang Batas ng 1987 bilang pagkilala sa suporta niya kay Aquino at sa kanyang paninindigan para sa kalayaan sa pamamahayag. Naging kontribusyon niya ang free speech clause sa naratipikahang Konstitusyon, pero nagbitiw din siya sa ConCon dahil hindi niya magawang ikompromiso ang tindig niya sa iba’t ibang mahahalagang usapin kabilang na ang agraryong reporma. Pero higit na hinangaan si Brocka nang siya’y mapiit sa kulungan noong rehimeng Marcos dahil sa pagsuporta sa jeepney strike. Bagamat kaibigan niya si Aquino, hindi siya nangiming tuligsain ito sa pamamagitan ng pelikulang Orapronobis dahil sa pagtindi ng militarisasyon sa kanayunan gayong demokrasya ang pangako ng naunang pag-aalsang EDSA.

Di tulad ni Brocka, hindi nakikita si De Leon sa lansangan at nakikibaka, ngunit hindi maitatanggi ang tapang at talas ng pelikulang Sister Stella L. kung ikukumpara sa iba pa niyang pelikulang may pahaging na komentaryo sa diktadura (maging si Mother Lily Monteverde ng Regal ay napabulalas ng: “komunista na yata ako,” sa isang manunulat matapos mapanood ang prinodyus na pelikula. Binawi niya rin ito at sinabing tama na muna sa paggawa ng mga socially relevant na pelikula matapos langawin sa takilya ang Sister Stella L. Sa kaso naman ni De Leon, kakatwa naman ang pagkuha niya sa proyektong ito na tumatalakay sa labor unrest gayong ganitong uri ng problema ang kinaharap ng kanyang pamilya kung kaya’t nagsara ang pag-aari nilang LVN Pictures ). Sinasabing hubad sa “tatak Mike De Leon” ang Sister Stella L. dahil nakupot ito sa pagiging agit-prop, pero ito rin mismo ang kapangyarihang taglay ng pelikula bilang de-kalibreng obra ng panahon nito, at ito rin ang lakas ni De Leon bilang filmmaker. Waring nangungusap ang pelikula direkta sa manonood: “kung hindi tayo, sino?”

Kung hindi ngayon. kailan?

Sa kabila ng hindi magandang takbo ng industriya ng pelikulang Pilipino, masigla at puno ng optimismo ang independent cinema kung saan sumibol ang mga tulad nila Brocka at De Leon. Maituturing na matabang lupa para sa mga mapagplayang naratibo ng panahon ang kasalukuyang ligalig ng lipunan. Mas nakakaluwag pa nga ang panahon ngayon para makagawa ng mapapangahas pang naratibo ng pakikisangkot sa kalayaang tinatamasa ng independent cinema (walang Mother Lily na aayaw sa mga socially relevant na pelikula) dahil mas mura na ang gumawa ng pelikula kumpara ilang dekada na ang nakararaan.

Isa muling hamon ang gamitin ang kapangyarihan ng sining ng awdyo-biswal bilang matalas na sandata ngayong nahaharap ang bansa sa matinding panunupil ng batayang karapatan. Hakbang tungo sa “demokratisasyon” sa access sa sining nga awdyo-biswal ang pag-unlad ng teknolohiya ng digital video. Sa kasalukuyan, naging mabisa ang paggamit ng midyum na pelikulang dokyumentaryo sa pagsisiwalat ng katotohanan sa panahong sinisikil ang paglabas nito. Patunay ang masigasig na paglabas ng iba’t ibang dokyu mula sa mga grupong Kodao, Sine Patriyotiko, Tudla at Southern Tagalog Exposure. Nagagamit ang teknolohiya ng LCD projectors para maibahagi sa mga komunidad ang mga pelikula at ang mga isyu. Magkagayunman, nagagamit din ang teknolohiyang ito para sikilin ang mismong karapatan sa pamamahyag sa pamamagitan ng paglabas ng propagandang dokyu ng gubyernong Paglaban sa Kataksilan 1017. Ginagamit naman ang powerpoint presentation na Know the Enemy sa mga komunidad at kanayunan para takutin ang mga mamamayan at tugisin ang mga lehitimong nagpapahayag ng pagkadismaya sa pamahalaan.

Tulad noon, hindi rin ligtas ang mismong mga filmmakers sa panunupil. Ilang kasapi ng mga audio-visual groups ang nakulong, inaresto, sinaktan, pinagbantaan at inakusahang terorista habang gumagawa ng pelikula at/o habang pinalalaganap ang kanilang sining sa mga komunidad. Patunay na delikado pa rin ang sining ‘pag isinangkot sa pulitika.

Tuesday, March 20, 2007

"things i have loved i am allowed to keep"

Nagwakas ang linggo ng kaarawan ko sa isang maulang umaga sa UPLB. Ito na marahil ang pinaka-eventful na birthweek ko sa 24 na taon ko sa lupalop na ito. Kasama ang mga kule alumni ay umatak kami sa UPLB para suportahan ang mga kaibigang sina Caloy at Reagan sa kanilang unang dula. Ang Pagbulas ng Sibol ay tungkol sa pagbabagong nagaganap sa tatlong kabataan sa Laguna matapos ang Ikalawang Digmang Pandaigdig.

pagsibol sa guho.
nagsilbing entablado ng dulang Pagbulas ng Sibol ang guho ng isang gusali sa UPLB.


punk(s), poet(s) and pose(u)rs.
the playwright, the dramaturge, melchor and a bunch of camwhores



"things i've loved i'm allowed to keep, i'll never know if i go to sleep..."
-regina spektor, the flowers



--

hindi ko maiwasang maisip ang sariling mortalidad at ang konsepto ng eternal nang magpaalam kami ng aking mga hayskul friends kay ate pia, kapatid ng aking matalik na kaibigan si bea. naging inspirasyon ng kanilang pamilya ang matapang na pagharap ni ate pia sa kanyang karamdaman. at inspirasyon din siya para sa aming laging dinadalaw ng panglaw para magpatuloy sa kabila ng mga pana-panahong yugto ng kalungkutan-- para paminsan-minsan ay makita ang kulay ng buhay sa kabila nang pagiging masalimuot nito. hindi ka namin malilimot, ate pia.

--

kahit na mas mahirap makahanap ng tiyempo, nagawa pa rin naming magkakaibigan nung hayskul na maglaan ng oras para magkita. pinagbubuklod kami ng ganitong pagkakataon para suportahan ang isa't isa.

naging instrumental din ang aking kaarawan noong nakaraang linggo para muling makapag-reconnect sa mga kaibigan matagal nang hindi nakikita tulad nin a bj at jenny. over cups of coffee, nagawa namin ipagkasya sa kakarampot na oras ang mga pangyayaring naganap sa buhay namin sa nagdaang 3 taon.

Thursday, March 08, 2007

"women hold up half the sky*"

"Anyone who knows anything of history knows that great social changes are impossible without the feminine ferment." - Karl Marx

sa lahat ng kababaihan, nais kong magbigay pugay sa inyo na araw-araw na nakikibaka sa lipunang tigmak sa patriyarka at karahasan.


(armida sings babae)

BABAE
(inang laya)

Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella, na lalaki ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?

Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Paano nahubog, inyong isipan at tanggaping tayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela,mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.

Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka at ngayo’y marami nang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya.

---

incidentally, congrats kay S. sa wakas, graduate na siya MA niya sa women's studies. o ayan, timing pa sa celebration ng international women's day.

-----------
*sipi mula kay mao

Monday, February 26, 2007

solitude standing


You are The Hermit


Prudence, Caution, Deliberation.


The Hermit points to all things hidden, such as knowledge and inspiration,hidden enemies. The illumination is from within, and retirement from participation in current events.


The Hermit is a card of introspection, analysis and, well, virginity. You do not desire to socialize; the card indicates, instead, a desire for peace and solitude. You prefer to take the time to think, organize, ruminate, take stock. There may be feelings of frustration and discontent but these feelings eventually lead to enlightenment, illumination, clarity.


The Hermit represents a wise, inspirational person, friend, teacher, therapist. This a person who can shine a light on things that were previously mysterious and confusing.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

Friday, February 23, 2007

inosente lang ang nagtataka*



nang minsang nagbayad ako ng bayarin sa tubig, nakakita ako ng dvd ng pan's labyrinth. pamilyar ang titulo dahil na rin sa ilang nominasyon nito sa paparating na oscars. duda ako nung una kung magugustuhan ko ito dahil sa hindi naman ako naging fan ng mga fantasy at adventure films. ayon sa ilang nabasa ko sa internet, ang pan's labyrinth ang kauna-unahang pelikulang na fantasy na na-nominate bilang best foreign language film sa oscars. kaya kahit na nauna ko nang nabili ang dvd ng science of sleep at the queen, nakumbinsi na rin akong kunin ang pan's labyrinth.

ipinakita ni guillermo del toro kung paano nabasag ang pagkainosente ng isang bata sa panahon ng pasismo at karahasan sa panahon ng diktadurang franco sa espanya. ginamit ni del toro ang mga malalagim na imahen sa mga kwentong pambata (fairy tales) para ipakita ang mas karumaldumal na katotohanan ng reyalidad.

hindi ko maiwasang makita sa katauhan ng malupit na kapitan at sugo ni franco na si vidal, amain ng bidang babae sa pelikula, si jovito palparan, punong berdugo ng rehimeng arroyo. inilarawan sa pan's labyrinth ang karahasang inihahasik ng sandatahang lakas sa ngalan ng pagsupil sa lehitimong pag-aaklas ng mamamayan. brutal at malupit na tinugis ni vidal ang mga rebeldeng komunista sa kanayunan ng espanya bilang bahagi ng pagsusulong ng adhikain ni franco sa espanya. karaniwang tinutukoy ang pandarahas na ito ng estado bilang pasismo.

kaya pagdating ko sa opisina, agad akong nag-research tungkol sa pasismo. maliban sa pagtukoy sa pandarahas ng estado, hindi malinaw sa akin ang pakahulugan ng konsepto ng pasismo. karaniwang ikinakabit sa konsepto ng pasismo ang totalitarianism. bukod dito, mahalagang salik ng pasismo ang naysunalismo, kolektibismo at bulag na pagsunod sa polisiya ng estado. madalas na ginagamit ang karahasan upang mapuwersa ang mga indibidwal at subject sa mapasailalim sa layon ng estado. isinusulong ng pasismo ang katatagan ng estado sa pamamagitan ng pagkakaisa. malinaw na nakikita ito sa mga ibinandilang islogan ng mga rehimeng marcos at arroyo: bagong lipunan at matatag na republika. hindi na kakatwa na sa dalawang rehimeng ito naganap ang pinakamalalang mga paglabag sa karapatang pantao sa pagsupil.
si palparan ay si kapitan vidal sa totoong buhay. ayon sa duktor ng asawa ni vidal na sumusuporta sa mga rebelde, ang pagsunod sa awtoridad nang di man lang kumukuwistiyon sa motibo at rationale ng mga utos ay ginagawa lamang ng mga tulad ni vidal. at ni palparan. di minsang pinapurihan ni arroyo si palparan sa pagsusulong nito ng kontra-insurhensyang programa ng pamahalaang arroyo. hindi ko malilimutan ang mga brutal at karumaldumal na mga larawan ng mga pisalang na aktibista sa mindoro na paulit-ulit kong napanood noong ginagawa ko ang hindi ko natapos na thesis.

kamakailan lamang, mismong si philip alston, espesyal na rapporteur ng UNHR hinggil sa mga extrajudicial na pamamaslang, ang nagbigay ng pahayag na nagdidiin sa rehimeng arroyo sa pagkunsinti nito sa pamamaslang sa mga aktibista at mamahayag. tinukoy mismo ni alston ang accountability ng afp at ng rehimeng arroyo. gayunpaman makikita na hindi lamang kinukunsinti ni arroyo ang mga pamamaslang kundi inuudyukan pa nito sa pamamagitan ng paglulunsad pa ng mas mababangis pang kontra-insurhensiyang programa at mapanupil na batas gaya ng ant-terrorism bill.

isang mahalagang elemento ng pan's labyrinth ay ang konsepto ng panahon at memorya. malilmit na pinakikita na minamasdan ni vidal ang kanyang orasan. nabanggit sa pelikulang na nang mamatay ang amang sundalo ni vidal sa isang digmaan sa aprika, sinira nito ang sariling orasan para mapahinto ito. ginawa ito ng nakatatandang vidal para sa imortalisasyon ng kanyang kagitingan na ipinamana sa anak. ang pang-alala ay sandata. ngunit mapaniil ang kolektibong gunita kung kinapon mula sa konteksto ng kasaysayan at interes ng nakakaraming pinagsasamantalahan. ginamit din ng mga diktador na sina hitler at marcos upang pagbuklurin ang lipunan tungo sa abstraktong konsepto ng nasyunalismo.

hindi ko inaasaahan na ganitong mga konsepto ang makukuha ko mula sa isang fantasy film. mayroon pa rin namang mga butas/flwas ang pan's labyrinth, pero hindi maikakaila na hindi lamang hungkag na pagka-aliw ang makukuha sa pelikula.
---


* pasintabi sa the wuds at kay ana morayta

Saturday, February 17, 2007

"...that he might jump--- that he sees how in one moment he could choose such an action."-sartre*

dumating siya sa panahong pinakabulnerable ang Tao.

sa kalagitnaan ng pag-aayuno, hinamon niya ang Tao. pinulot niya ang malamig at makinis na bato sa kanyang paanan at inilapat sa nakalahad na palad ng Tao:

"alam kong magagawa mo ito. ibsan ang gutom, gawing tinapay ang bato!"

nanuot ang lamig ng bato sa palad ng Tao-- gumapang sa kalamnan at buto, hanggang marating ng panlalamig ang sikmura. sa unang pagkakataon, tinanggihan siya ng Tao.

inilipad niya ang Tao sa taluktok ng bundok. ipinamalas niya ang lawak ng lupalop.

"malasin mo ang iyong kaharian! saklaw mo anuman ang abot ng iyong tanaw."

sinakmal ang Tao ng pagkalula. pakiramdam nito napuno ang baga ng sanlibong ipo-ipo. kaylawak ng kanyang saklaw. at siya, ang Tao, ay kaymumunti para sa lahat ng ito. di sasapat ang palad ng Tao para ang lahat ng ito'y magagap. di niya ito matatanggap.

di siya nakuntento. dinala niya ang Tao sa bingit ng bangin. at sa huling pagkakataon, hinamon ito:

"magpatihulog ka! tawagin ang mga anghel sa kalangitan at ika'y sagipin!"

umugong ang hangin mula sa kanluran at ibinudyong ang pangalan ng Tao sa sanlupalop. hindi natinag ang Tao. halos madali ng lintik na kidlat ang tagiliran ng Tao. hindi pa rin ito natinag. bumuhos ang malakas na ulan. ngunit hinding-hindi natitinag ang Tao.

magkagayunman, nahihintatakutan ang Tao. hindi lamang sa posibilidad na siya'y magpatihulog. higit sa lahat, nalula ang Tao sa kapangyarihan niyang taglay. sa tayog nang narating. sa kawalang hanggan. sa magkatuwang na pagnanais sa kapangyarihan at katubusan. dito, sa puwang na ito sa ubod ng Tao, dito siya nanahan magpakailanaman.

ang nais lamang ng Tao ay maisalba ang sarili. sa bingit ng bangin. sa pagdarahop. sa kawalan ng pag-aari.

paminsan-minsan, nahuhuli ng Tao ang sarili na lihim na nagsasanay sa paglikha ng tinapay mula sa bato. siya, ang Tao, ay tao lamang. at kung magawa man ng Tao ang magpatihulog, iyon ay hindi dahil gusto niyang siya'y maisalba pa. batid ng Tao hangga't nanahan sa puso niya ang takot, ang pangamba, hindi darating ang inaasam niyang katubusan. di niya magagawang magpatihulog. hindi.


----
*pasintabi kay VJ Rubio

Sunday, February 04, 2007

one for my baby and one more for the road

iginupo na naman ako ng lagnat, sipon at ubo nitong mga nakaraang araw. balak ko mang i-enjoy ang mahaba-habang pahinga (2 araw na akong absent sa trabaho), eh wala ako masyadong na-accomplish o nagawang produktibo. sinsisimulan ko pa lamang ang pagbabasa ng mrs. dalloway (bilang follow up matapos kong basahin ang the hours) at tanging the squid and the whale ni noah baumbach (kramer vs. kramer meets wonder boys, ayus!) ang napanood ko gayung ngayon lang uli ako nagkaroon ng ganito pahinga. pero hindi itong pagkakasakit ko ang point nitong entry na ito. nais ko lang i-recall ang mga pangyayari o bagay na recently ay kinaaliwan ko.

---

kahit papaano, naging maayos ang pagbubukas ng taon ko, maayos ang aking enero kahit na kalakhan ng panahon ko ay kinakain ng trabaho (hay, kalahati ng buwan ay nasa graveyard shift ako). nakailang pelikula rin ang napanood ko sa dvd: babel, the departed, loving annabelle, bayaning 3rd world, high art, kissing jessica stein, st. elmo's fire at imagine me and you (hehehe, bilangin ang L films dito). napanood ko rin ang ZZZ sa CCP with my hayskul friends. niregaluhan ako ni F ng concert dvds ni joni mitchell, ng simon & garfunkel at the who at ni G ng tootsie roll lip balm at sangkatutak na chocolates kontra depression(salamat, sobrang nagustuhan ko silang lahat) . natapos ko na rin sa wakas ang the hours ( jeeu, pasensya na, gutay-gutay na yung kopya mo).

---

dahil sa hindi pa naayos ang body clock ko magmula ng mag-graveyard shift ako 2 weeks ago, madalas nagigisng ako ng alas-7 kahit pa madaling araw na ako natulog. at dahil katatapos ko lang mabasa ang the hours, na-enjoy ko ang mga umagang umag tulad nang isang umagang napagpasyahan ni clarissa dalloway na siya na mismo ang bibili ng mga bulaklak para sa iho-host niyang party para sa isang kaibigan. at ako, inaako ko na ang pagbili ng pandesal sa panaderya sa may palengke (wahahahaha, para na akong baliw). kahit na pupungas-pungas ako pagdating ko sa trabaho, na-enjoy ko ang paggising sa umaga para lamang bumili ng pandesal at mag-agahan. parang buhay na buhay ako sa umaga, maraming naiisip pero parang walang pangamba.

---

bago ako nagkasakit, sinarado ko ang aking enero with a perfect night cap: isang one for my baby and one more for the road experience. umatak ako sa 70s bistro mag-isa (paumanhin kay W, punuan ang bigote with matching rannie raymundo pa kaya agad akong tumalilis). ito ang una kong bistro experience na may gig na nagaganap (hapon nun nung unang beses ako nakapasok ng bistro). kakaunti lang ang tao pero napagdesisyunan kong maupo sa bar to make it more perfect. tumutugtog sina johnoy and kakoy (na kalakhan ay cover songs mula sa dave matthews). at nalasing ako sa 2 sanmig light kaya umorder ako ng kape para mabalik sa huwisyo at matiwasay na makauwi ng bahay.

---

nung gabing iyon ko lang naramdaman ang isang uri ng kaligayahan. walang pangamba, walang regrets. sa unang pagkakaton naramdaman ko ang contentment. kahit na hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko, dumating mga pinakaasam-asam, maibalik ang mga nawala, kaya ko rin palang maging maligaya. corny ito, marahil pag binasa ko uli ang entry na ito ay mapapangiwi ako sa mga pinagsasabi ko. pero kung darating muli ang mga lonely nights and sad days, masasabi ko sa sarili ko na nagawa kong maging maligaya kahit paminsan-minsan lang. (iba ang epekto sa akin ni v, imbes malungkot ako ay naappreciate ko ang buhay:"fresh as if issued to children on a beach" 'life, london this moment of june," eheheh)

Monday, January 15, 2007

"it's that little souvenir from that terrible year which makes my eyes feel sore"

alas-kwatro ng madaling araw sa ikatlong lunes ng 2007. ngayon lang ako nagkaroon ng tiyaga na muling magsulat sa blog na ito. ngayon lang nabigyan ng panahon para gunitain ang mga pangyayari noong 2006, ikwento ang uneventful na paghihiwalay ng taon, at maglista ng mga resolution.

Kaydami nang nangyari at kaytagal nang paso ang mga kwento para pa mabanggit pa ang mga detalye dito. Para sa mga nakakilala at nakauunawa sa akin, siguro hindi na kailangan pang isa-isahin ang mga pagbabago at kawalang pagbabago sa buhay ko sa mga nagdaang araw/linggo/buwan/taon.

sinisimulan ko na ang pag-aayos ng buhay sa pamamagitan ng pag-aayos ng bookshelf. kaydami na rin palang libro/vcd/dvd ang nakolekta at nawala ko. Marami-rami pa ang nahiram at hindi pa nababasa/napapanood. makakatulong siguro sa akin kung muli akong gumawa ng mga listahan ng mga gamit na hiniram at ipinahihiram, mga bagay na gusto9ng bilhin at pangarap gawin. tuturuan ko ang sariling huwag mainip sa antisipasyon, sa halip, i-enjoy ang proseso nang sa ganun mabawasan ang anxiety pana-panahong umaatake.

kung meron mang naibunsod na kongkreto ang 2007, yun ay nararamdaman ko na sa katawan ko ang pag-usad ng mga oras. nababawasan na ang panahon ko. parang wala akong mapagkasya e wala naman talaga akong tunay na nagagawa. tumatanda na nga ba ako?

ilang buwan na lang bago matapos ang 23rd year ko sa mundo. 23 years old sina celine at jesse nang una nilang natagpuan ang isa't isa. baliw akong nag-iisip na kung walang maganap sa 23rd year ko eh hihintayin ko na lamang ang susunod na exciting na kabanata sa buhay ko pagsumapit ang ika-32 kong birthday, age kung kelan uli nagkrus ang landas nina celine at jesse. na may darating sa buhay ko, tao man, bagay o pangyayari, na makakapagpabago sa worldview ko at magbibigay ng ganap na direksyon. o di ba, at least may ni-look forward ako at hindi pa naman ganap na depressive. hehehe. sana, by that time, hindi man sumapit ang tunay at wagas na pag-ibig, ay natagpuan ko na ang passion ko sa buhay. at alam ko na ang gagawin ko, sana, sa wakas.