Sunday, February 04, 2007

one for my baby and one more for the road

iginupo na naman ako ng lagnat, sipon at ubo nitong mga nakaraang araw. balak ko mang i-enjoy ang mahaba-habang pahinga (2 araw na akong absent sa trabaho), eh wala ako masyadong na-accomplish o nagawang produktibo. sinsisimulan ko pa lamang ang pagbabasa ng mrs. dalloway (bilang follow up matapos kong basahin ang the hours) at tanging the squid and the whale ni noah baumbach (kramer vs. kramer meets wonder boys, ayus!) ang napanood ko gayung ngayon lang uli ako nagkaroon ng ganito pahinga. pero hindi itong pagkakasakit ko ang point nitong entry na ito. nais ko lang i-recall ang mga pangyayari o bagay na recently ay kinaaliwan ko.

---

kahit papaano, naging maayos ang pagbubukas ng taon ko, maayos ang aking enero kahit na kalakhan ng panahon ko ay kinakain ng trabaho (hay, kalahati ng buwan ay nasa graveyard shift ako). nakailang pelikula rin ang napanood ko sa dvd: babel, the departed, loving annabelle, bayaning 3rd world, high art, kissing jessica stein, st. elmo's fire at imagine me and you (hehehe, bilangin ang L films dito). napanood ko rin ang ZZZ sa CCP with my hayskul friends. niregaluhan ako ni F ng concert dvds ni joni mitchell, ng simon & garfunkel at the who at ni G ng tootsie roll lip balm at sangkatutak na chocolates kontra depression(salamat, sobrang nagustuhan ko silang lahat) . natapos ko na rin sa wakas ang the hours ( jeeu, pasensya na, gutay-gutay na yung kopya mo).

---

dahil sa hindi pa naayos ang body clock ko magmula ng mag-graveyard shift ako 2 weeks ago, madalas nagigisng ako ng alas-7 kahit pa madaling araw na ako natulog. at dahil katatapos ko lang mabasa ang the hours, na-enjoy ko ang mga umagang umag tulad nang isang umagang napagpasyahan ni clarissa dalloway na siya na mismo ang bibili ng mga bulaklak para sa iho-host niyang party para sa isang kaibigan. at ako, inaako ko na ang pagbili ng pandesal sa panaderya sa may palengke (wahahahaha, para na akong baliw). kahit na pupungas-pungas ako pagdating ko sa trabaho, na-enjoy ko ang paggising sa umaga para lamang bumili ng pandesal at mag-agahan. parang buhay na buhay ako sa umaga, maraming naiisip pero parang walang pangamba.

---

bago ako nagkasakit, sinarado ko ang aking enero with a perfect night cap: isang one for my baby and one more for the road experience. umatak ako sa 70s bistro mag-isa (paumanhin kay W, punuan ang bigote with matching rannie raymundo pa kaya agad akong tumalilis). ito ang una kong bistro experience na may gig na nagaganap (hapon nun nung unang beses ako nakapasok ng bistro). kakaunti lang ang tao pero napagdesisyunan kong maupo sa bar to make it more perfect. tumutugtog sina johnoy and kakoy (na kalakhan ay cover songs mula sa dave matthews). at nalasing ako sa 2 sanmig light kaya umorder ako ng kape para mabalik sa huwisyo at matiwasay na makauwi ng bahay.

---

nung gabing iyon ko lang naramdaman ang isang uri ng kaligayahan. walang pangamba, walang regrets. sa unang pagkakaton naramdaman ko ang contentment. kahit na hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko, dumating mga pinakaasam-asam, maibalik ang mga nawala, kaya ko rin palang maging maligaya. corny ito, marahil pag binasa ko uli ang entry na ito ay mapapangiwi ako sa mga pinagsasabi ko. pero kung darating muli ang mga lonely nights and sad days, masasabi ko sa sarili ko na nagawa kong maging maligaya kahit paminsan-minsan lang. (iba ang epekto sa akin ni v, imbes malungkot ako ay naappreciate ko ang buhay:"fresh as if issued to children on a beach" 'life, london this moment of june," eheheh)

3 comments:

adarna said...

maligaya rin akong nakaranas ka ng isang uri ng kaligayahan...kahit na inindyan mu ako! hmp.

yakap kita. :-)

anamorayta said...

gandang umaga fuj. :) naamoy ko ang mga pandesal mo at ang sarap sa balat ng kakaibang (/abnormal/global warming effect) klima sa mga umaga nowadays.

Kangel said...

kamusta naman? nakabasa din ako ng mga blog entries mo. hehe. mabuti naman ok ka na. nakakaloka talaga ang GY. pero kahit papaano saya ko kasi marami ka pa lang kakaibang mga karanasan dahil sa GY na itech. haha! mapapadalas ang dalaw ko sa blog mo. haha!