
...eto siguro ang bersyon ng mga kritiko ng fast food industry ng slogan na “there’s blood in your coffee.”
Bukod sa literal na pakahulugan ng “shit,” higit na nakaririmarim ang ibang napalalaman sa mga sandwich bukod sa hamburger patties. Illegal migrants, unfair labor practices, sexual harassment, corporate accountability, improper nutrition at iba pa ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay ng pelikulang Fast Food Nation ni Richard Linklater. Naging katuwang ni Linklater sa proyektong ito si Eric Schlosser, ang sumulat ng librong Fast Food Nation: The Dark Side of the All-American Meal.
Maraming nag-aakusa na dahil fictionalized ang pelikula, nalalabusaw daw ang talim at talas nang libro ni Schlosser. Pero hindi naman naging ganito ang tingin ko. Sa tingin ko, nabigyan ng pelikula (oopppsss, wala palang point of comparison kasi di ko pa nababasa ang libro) ng human (at animal) face ang mga isyung inilantad ni Schlosser sa libro.
Naging malinaw sa akin kung bakit big deal ang usapin ng fast food industry hindi lang sa
Isa pang bagay na na nagustuhan ko sa pelikula ay ang recurring theme ni Linklater na suburban life. Tampok sa pelikula niyang subUrbia ang pagusbong ng komersyo sa suburban communities sa porma ng mga mall (parang
Ngayon lang din ako nakapanood ng isang mainstream na pelikula na may call to action. Pinakita rin nito ang tila defeatism sa disorganisadong mga aksyon sa pagsusulong ng adbokasya. Bahagya ring pinahagingan ng pagkutya ng pelikula ang Patriot Act bilang represibo at di makatuwirang batas.
Isa rin sa kinatuwa ko sa pelikula ay ang pagtatahi ng isyu ng human rights at animal rights. Madalas kasing pagbanggain ang mga isyung ito. Pero ang malinaw ay sa age ng late capitalism, dispensable ang rights ninuman, hayop man o tao, para sa ganansya at tubo.
Tama nga ang catchphrase ng pelikula, “the truth is hard to swallow.”

No comments:
Post a Comment