Tuesday, February 17, 2009

the weight of history

Natisod ko kanina sa Film Blog ng The Guardian ang kwento tungkol sa paggawad ng Honorary Oscar kay Elia Kazan, direktor ng mga pelikulang A Streetcar Named Desire, On the Waterfront at East of Eden. Naging kontrobersyal ang parangal kay Kazan dahil sa protesta ng ilang scriptwriters na na-blacklist nuong McCarthy era. Nagbigay ng testimonya at mga pangalan ng ilang kaibigan si Kazan sa hearing ng House Committee on Un-American Activities na tumugis sa mga hinihinalang miyembro at taga-suporta ng Communist Party. Dahil sa blacklist, maraming mga scriptwriter, aktor at manggagawang sa pelikula at entablado ang nawalan ng trabaho.

Bilang protesta at di pagsang-ayon sa parangal, hindi nag-standing ovation o pumalakpak man lang sina Ed Harris, Nick Nolte at Holly Hunter. Kakatwang isa sa tumayo at masigabong pumalakpak si Warren Beatty na direktor ng pelikulang Reds. Hanggang sa kamatayan niya noong 2003, hindi kailanman nanghingi ng paumanhin si Kazan sa ginawa niya na nagresulta sa pagkakatanggal sa trabaho ng ilang film at stage workers.

--

Sa isa sa mga huling eksena sa The Reader, tinanong ni Michael (Ralph Fiennes) si Hannah (Kate Winslet) kung nagsisi ba ito sa nangyari. “It doesn't matter what I think. It doesn't matter what I feel. The dead are still dead,” sagot ni Hannah.

Para kay Ilana Mather (Lena Olin), wala siya sa posisyon para ibigay ang kapatawarn kay Hannah sa pagtanggap sa iniwang yaman ng huli.

1 comment:

kenneth guda said...

sorry ngayon lang nakapagkomento. napanood ko yung paggawad ng oscar kay kazan dati pa. habang tumayo at nagpapalakpakan yung iba, may mga artistang nakaupo at itinabi ang kamay, hindi pumapalakpak. naalala kong ganito si ed harris.

nagandahan ako sa the reader. di hamak na dapat itong gawaran kaysa slumdog millionaire.

ngapala, oi palitan mo na link sa blog ko. bago na blog ko, as in last year pa. hehe