Friday, June 30, 2006

palayain si karen empeno!



nung mga nakaraang linggo, napansin kong nagbukas ng kanyang friendster account ang isang kaibigan. mahigit isang taon na kaming hindi nagkikita o nagkakausap man lang kaya naisip kong magpadala ng personal na mensahe sa kanya, pero nakalimutan ko na ang rason kung bakit hindi ko ito nagawa. ang hindi ko alam, sa friendster ko rin mababalitaan na marahas siyang dinukot ng mga militar sa isang dampa sa bulacan. magpasahanggang ngayon ay hindi pa siya inililitaw ng mga dumukot sa kanya. hugas kamay din ang batalyong naka-assign sa lugar na iyon. pero hindi kaila sa marami ang paghahasik ng lagim ni gen. palparan, ang punong berdugo ng rehimeng arroyo.

gumapang sa buong katawan ko ang isang matinding bagabag at pangamba. si karen, ang masayahing si karen. magaling umawit si karen, magaling maggitara, madaling patawanin, masipag at mahilig magwalis, maasahan at masarap kakuwentuhan. siya ang nagdala sa akin sa kakaibang bersyon ng "summer of our discontent," ipinakilala niya ako sa isang nagdarahop subalit nagsusumikap upang makaahon sa kahirapan na komunidad, sa mga matitiyagang mangingisdang pumapalot sa madaling araw, sa katotohanang gaano man kasimple ang pamumuhay ay tigib pa rin ito ng opresyon.

sa ngayon, wala akong alam na iba pang paraan para makatulong para mahanap si karen at kanyang mga kasamahan. ang alam ko lang, hindi makatarungan sa kahit saang lipunan ang dukutin ng wlang laban at ikulong sa kung saang lupalop ng walang due process.

Pakawalan si Karen Empeno at ang mga kasamahan niyang dinukot!


---

Dapithapon sa Binuangan

hahagkan ng araw
ang dulo ng tanaw
dito niya sisimulan ang pagkulay
sa tubig ng kulay pula
hanggang sa maging kupas na kahel
ang nakalatag na katawan ng dagat

humihikab ang mga alon
sa tulad nitong dapithapon
pahihintuin ang langay-langayan
sa pagdagit ng bangus, tilapia
o kung anupamang laman-tiyan,
upang tirhan ang mangingisdang
sa madaling-araw pa makakapalaot
upang may pasobrang maihahain
sa hapag-kainan ng mag-anak
na masaya na sa isang maghapong bentahan sa bayan

o ng mga dayong namumualan
sa pagmamahal ng nagdarahop na komunidad
tiwalang pinagbubuklod sila ng iisang adhikaing
iahon ang nayong nasanay na sa pagtaas at paghupa ng tubig-alat

darating ang panahong
hindi na lamang sa madaling araw
papalaot ang mga mangingisda
o maging ang mga dayong walang alam sa pamamalakaya
ngunit masigasig umunawa sa mga alituntunin ng pangingisda

hindi na hihikab ang dagat sa pagkainip

12:04 AM; 18 Abril 2005
Kalye Burgos, Sto Nino

Thursday, June 29, 2006

Insomanyak

"I am more afraid of losing consciousness
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness"

-Eric Gamalinda, Subterranean


unang binuksan
ang kanyang dibdib,
saka winakwak
ang tiyan.
nang di nila mabuo
ang palaisipan,
biniyak nila
ang bao
ng kanyang ulo.

sa labis na pagdurugo
ng kanyang utak,
kanilang napatanto
na sumasambulat
sa pagtulog
ang di maipahiwatig
ng dilat
at
mulat:

walang nangangarap
na di nagigising,
walang nagigising
na binabangungot.

now playing: digital karma

eto na ang proyekto ko to keep me sane habang kinakain ako ngayon ng lumbay. simple lamang ang siste, kukunan using digital camera ang isang eksena. at salamat sa adobe photoshop, simple nang gumawa ng mala-comic book feel na eksena. pero siyempre etong dalawang frame na ito ay prototype pa lang ng balak ko. katunayan wala pa nga akong stroyline at istorya, pero siyempre may naisip na akong title: digital karma. natawa kasi ako sa joke ni keempee de leon sa bahay mo ba 'to. sabi niya, kaya daw mabilis ang karma dahil digital na raw 'to ngayon. ayus. magandang title ng isang comic blog. saka na ako gagawa ng blog url para rito pag naayos ko na ang konsepto. siyempre hindi orig 'tong konseptong ito, napanood na ito sa waking life ni richard linklater.


ngitian portion lang 'to wala pa kasi akong maisip na dialogue para sa dalawang tauhang ito. hehehe. actually kuha 'to ni b. nung alumni homecoming nung isang taon.



at para dito naman:
"pag tumalikod ka na, lilingon ka pa ba? iniisip mo siguro kung may babalikan ka pa?"

yak, wala akong maisip na linya. ahahahaha. yuck!


mayroon pa pala isang problema, wala akong digital camera. lintik!

Wednesday, June 28, 2006

"everybody's saying that hell is the hippest way to go, well i don't think so"


"Hindi gawang biro o kasiyahan ang magpinta ng iba't-ibang mukha ng kalungkutan. Anong salita kaya ang magsasaad ng lahatlahat?"

-Edel Garcellano


galing akong panglao, bohol nung weekend. at pagbalik sa m--- naghihintay ang mga desisyon at problema. isa sanang magandang paraan para makapagrelax ang paglayo sa m--- pero naknamputsa, kinapitan ako ng lungkot. sa kamamalas-malsan, imbes na mag-enjoy ay nagpapatahan ako ng sarili, hindi ko alam kung bakit, o kung saan nanggagaling. pero nung ikatlong araw na at pabalik na kami sa m---, tsaka naman ako naging ok. natatakot tuloy ako baka clinical na itong pagkabalisa't kalungkutan. isang malalim na buntunghininga. ito muna, baon na kanta mula sa panglao:

blue
joni mitchell


Blue, songs are like tattoos
You know I've been to sea before
Crown and anchor me
Or let me sail away
Hey Blue, THERE is a song for you
Ink on a pin
Underneath the skin
An empty space to fill in
Well there're so many sinking now
You've got to keep thinking
You can make it thru these waves
Acid, booze, and ass
Needles, guns, and grass
Lots of laughs, lots of laughs
Everybody's saying that hell's the hippest way to go
Well I don't think so
But I'm gonna take a look around it though
Blue, I love you

Blue, here is a shell for you
Inside you'll hear a sigh
A foggy lullaby
There is your song from me

Sunday, June 18, 2006

525,600 x 10


Seasons of Love
(from rent the musical, jonathan larson)

525,600 minutes, 525,000 moments so dear.
525,600 minutes - how do you measure, measure a year?
In daylights, in sunsets, in midnights, in cups of coffee.
In inches, in miles, in laughter, in strife.
In 525,600 minutes - how do you measure a year in the life?
How about love? How about love? How about love? Measure in love.
Seasons of love.


525,600 minutes! 525,000 journeys to plan.
525,600 minutes - how can you measure the life of a woman or man?

In truths that she learned, or in times that he cried.
In bridges he burned, or the way that she died.

It's time now to sing out,
tho the story never ends let's celebrate remember a year in the life of friends.
Remember the love!
Remember the love! Remember the love!
Measure in love.
Seasons of love! Seasons of love.



---



sampung taon na tayong magkakakilala!

Medida

Para kina A, B, G at F, mga tapat na kaibigan, sa sampung taon ng kwentuhang marathon

“How do you measure a year?”
-Jonathan Larson, Rent


ang totoo, mga kaibigan ko,
ang mga pangarap nati’y di hinuhuling parang tutubi
hindi ito dadapo sa mga ligaw na damo
hindi ito mahahabol ng maliliksing daliri.

batid natin ito.

ngayon pa lamang, dapat matutunan na natin ito:
ang kasaysayan natin ay hindi bubuin ng mga araw at kaganapan
hindi tayo ipagpapatayo ng mga rebulto’t monumento,
wala tayong hinihintay na manunubos, di tulad sa mga nanampalataya,
na darating na parang magnanakaw sa gabi.

ang totoo, ang eksaktong lugar/panahon na kaya nating lingunin,
ang panandang-bato kung saan natin, mula rito, susukatin ang ating narating,
ang siya ring eksaktong puntong nagbubuklod sa atin.

ang totoo, mga kaibigan ko,
sa pagitan ng mga huntahan at kwentuhan natin ay mga buntung-hininga—
na bagamat walang titik ay may di nasusukat na pantig na tigib ng kahulugan.

Thursday, June 15, 2006

"I wanted to... feel something constant under my feet"

mayroon akong bagong project. dahil sa kakabasa ko lang ng american splendor, nainspire akong gumawa ng comic strips. mayroon na akong konsepto, pero hindi pa buo. at dahil di naman ako magaling magdrawing, kukukuha na lang ako ng mga images tapos imamanipulate ko na lang sila ayon sa pangangailangan ng frame. for that, pinagpraktisan ko ang isang ito:




---

We Will Become Silhouettes
(postal service)

I've got a cupboard with cans of food, filtered water,
And pictures of you and i'm not coming out
Until this is all over
And i'm looking through the glass where the light bends
At the cracks
And i'm screaming at the top of my lungs pretending
The echoes belong to someone
Someone i used to know

And we become silhouettes when our bodies finally go
Ba ba ba...

I wanted to walk through the empty streets
And feel something constant under my feet,
But all the news reports recommended that
I stay indoors
Because the air outside will make our cells
Divide at an alarming rate until our shells
Simply cannot hold all our insides in,
And that's when we'll explode
(and it won't be a pretty sight)

And we'll become silhouettes when our bodies finally go
Ba ba ba...
And we'll become silhouettes when our bodies finally go
Ba ba ba...
And we'll become silhouettes when our bodies finally go
Ba ba ba...
And we'll become silhouettes when our bodies finally go
Ba ba ba...

And we'll become
And we'll become