eto na ang proyekto ko to keep me sane habang kinakain ako ngayon ng lumbay. simple lamang ang siste, kukunan using digital camera ang isang eksena. at salamat sa adobe photoshop, simple nang gumawa ng mala-comic book feel na eksena. pero siyempre etong dalawang frame na ito ay prototype pa lang ng balak ko. katunayan wala pa nga akong stroyline at istorya, pero siyempre may naisip na akong title: digital karma. natawa kasi ako sa joke ni keempee de leon sa
bahay mo ba 'to. sabi niya, kaya daw mabilis ang karma dahil digital na raw 'to ngayon. ayus. magandang title ng isang comic blog. saka na ako gagawa ng blog url para rito pag naayos ko na ang konsepto. siyempre hindi orig 'tong konseptong ito, napanood na ito sa waking life ni richard linklater.

ngitian portion lang 'to wala pa kasi akong maisip na dialogue para sa dalawang tauhang ito. hehehe. actually kuha 'to ni b. nung alumni homecoming nung isang taon.

at para dito naman:
"pag tumalikod ka na, lilingon ka pa ba? iniisip mo siguro kung may babalikan ka pa?"
yak, wala akong maisip na linya. ahahahaha. yuck!
mayroon pa pala isang problema, wala akong digital camera. lintik!
4 comments:
waah, inunahan mo na ko sa comics project ko. sabagay ilang buwan nang nakatunganga yung folder na yun sa desktop ko.
mas babaan mo pa pala yung treshold ng colored layer para mas pronounced yung woodcut. nagmumukha kasing flat. :)
hi fuj, ganda ng kulay ng pagkaphotoshop mo a :) lab, karl.
Ngayon ko lang nakita tong entry na to! Ganda. And thanks for the credit don sa first pic. Gusto ko matutunan gawin yung effect na yan! Collaborate tayo sometime...may digicam naman ako at medyo lang naman mahilig mag-schmicture. Hehe.:)
- Bea.
hi fuj, again, nakarelate na naman ako sa last pic/comics chuchubel mo :) kung anuman ang gusto mong sabihin
Post a Comment