Thursday, May 18, 2006

the revolution eats its own

ito ang paulit-ulit na nais na ipapaniwala ng mga nagsasabing walang ibang alternatibo kundi ang kasalukuyang kaayusan sa kanilang sarili at sa lahat. muli nating nama(ma)las ito ngayong inaakusahan ni arroyo sa pamamagitan ng mga galamay niyang mga gonzales/z. ibinabalik nila sa gunita ng mamamayan ang purgings, para ipaalala na may kapasidad ang kilusan/kaliwang paslangin ang sarili nitong kasapian para sa ganansya ng rebolusyon.

sinumang bihasa o nagsasabing alam ang kasaysayan ng rebelyon/rebolusyon sa pilipinas ay may katiting na alam sa naganap na split sa kilusan noong dekada '80 hanggang bungad ng dekada '90. mas mahalaga sa mismong split ay ang malawakang panawagan para sa isang rectification movement. ang isang rectification movement ay una, pag-aamin na may naganap na paglihis, at ikalawa, na may pangangailangang ituwid ang pagkakamali. isa sa mga itinuturing na pinakamasahol na kamalian ay ang purgings sa pamamagitan ng oplan olympia, kadena de amor, missing link at kampanyang ahos. inako ng partido komunista ang pagkakasala at ipinagbabayad ang mga responsable rito (at kalakhan sa mga ito ay tumiwalag sa kilusan at ngayo'y kasama na ng estado na paulit-ulit na nagpapaalala sa multo ng purgings). ginagamit ng isang general cabuay ang mga naganap na purgings upang sagutin ang hindi maitanggi-tangging bintang na ang militar ang may kagagawan ng mahabang serye ng pagpaslang sa mga ligal na lider aktibista. isang malaking kahalangalan. una, kalakhan ng mga naging biktima ng purgings ay kasapi mismo ng npa. pangalawa, ang naganap na purgings ay dulot ng paranoia sa deep penetration agent nang malakihang nalalagasan ang mga hukbo. pangatlo, malaki na ang naging ganasya ng rebolusyonaryong kilusan matapos ang kilusang pagwawasto. ano ngayo't binubuhay ang multo ng purgings upang ibunton ang hindi maikailang katotohanan?

convenient kasi itong excuse. at ito ay taktikang "two birds in one stone" ika nga. hugas kamay na, karagdagang asunto pa sa batasan 6 bilang bahagi ng pagiging kasapi diumano ng partido komunista, kaya sa kanila ipinasasagot ang lahat ng hindi maipanalo sa mga pagtutunggali ng hukbo ng estado sa mga larangan sa kanayunan. desperasyon ito ng administrasyong arroyo sa pagkukumahog nitong maglinis ng bakuran pagkatapos ma-elect ang bansa sa UNHR.

namumualan na kasi ang pamahaalan sa dami ng mga hindi matunaw-tunaw na salitang kinakain nito kaya pilit isinusubo ang mga sinuka nito sa iba.

nakakalungkot din naman sa isang banda, kasi ginagamit din ito ng mga nagpapanggap na progresibong grupo at indibidwal tulad ng akbayan, amnesty international at ni conrado de quiros (sa kanyang artikulong 'kataksilan'). sa isang bahagi ay hinohold accountable nila ang gubyerno pero in the same breath ay ine-echo ang retorika at diskurso ng estado tungkol sa purgings at serye ng political killings. palibhasa, iilan lang sa kanila ang binibira ng pamahalaan, senyales na kaya silang i-tolerate ng estado, patunay na hindi sila kailanman "delikado." ikinukulumpon kasi ng mga ito sa iisang bungkos ang karahasan, maging ito ay nagsisilbi sa mamamayan o ginagamit ng estado sa panunupil.

No comments: