---
sabi nga sa kabilang sa nawawala ni ricky lee, "pinakamasakit daw ang alaala kapag umuulan," na para bang parte ng katawan na dinadapuan ng athritis 'pag malamig--alak-alakan, bukung-bukong, kasu-kasuan, ala-ala.
---
saranggola sa ulan, kanta ni gary granada:
"sa piling mo, tatlong bagay ang aking natutunan: ang pag-asa'y walang hanggan, ang pag-ibig ay walang hadlang, at ang saranggola ay lumilipad sa ulan."
"sa piling mo, tatlong bagay ang aking natutunan: ang pag-asa'y walang hanggan, ang pag-ibig ay walang hadlang, at ang saranggola ay lumilipad sa ulan."
---
hikbi. buntung-hininga. hikab.
---
Ina
ni Lorena Barros
Ano ang isang ina?
Mayamang hapag ng
Gutom na sanggol
Kumot sa gabing maginaw
Matamis na uyayi
Tubig
Sa naghahapding sugat.
Ngunit ano ang isang
Rebolusyonaryong ina?
Maapoy na tanglaw
Tungo sa liwayway
Sandigang bato
Lupang bukal ng lakas
Sa digma.
Katabi sa labana't
Alalay sa tagumpay
Ang ina ko.
Ina
ni Lorena Barros
Ano ang isang ina?
Mayamang hapag ng
Gutom na sanggol
Kumot sa gabing maginaw
Matamis na uyayi
Tubig
Sa naghahapding sugat.
Ngunit ano ang isang
Rebolusyonaryong ina?
Maapoy na tanglaw
Tungo sa liwayway
Sandigang bato
Lupang bukal ng lakas
Sa digma.
Katabi sa labana't
Alalay sa tagumpay
Ang ina ko.

1 comment:
Faji, miss na kita.
alam mo ba, naglalakad ako papuntang trabaho nung lunes, tapos ang nabungaran kong headline sa inquirer:
"Caloy leaves a trail of destruction"
BWAHAHAHA!
amisshu!
Post a Comment