ang mayo ay buwan ng mga bulaklak.
hindi ko maikakaila na masyado akong nadala sa the hours nang muli kong panoorin ito sa dvd at buklatin ang libro ni j. kung paano ko niyakap ang pagkabalisa at obsession sa pagkakaroon ng isang intimate party ( less than 10 partygoers). dagdag pa dito ang parati kong panonood ng barefoot contessa, kung saan laging naghahanda si ina garten para sa mga kaibigan with matching flowers, wine and all. parang isang eksena sa orpheus emerged ang isang eksena sa frathaus ( ang phonograph ay si hal, J's mahal at harassed laptop, at ang russian orchestra ay pinalitan ng belle and sebastian, bright eyes, postal service, deathcab etc., kilometric conversations about everything) .
pero sa huli't huli, yun pa rin naman ang gugustuhin natin gawin. nabubugnot tayo pana-panahon. umuuwi pa rin tayo sa lansangan, paminsan-minsan. hindi ko gustong i-justify ang pagiging peti-b, lest i-glorify. minsan masaya lang talaga tayo sa mga bagay na kinasanayan at na-eexcite sa mga magaganap pa lang, sa mga bago at hindi gamay.
Tuesday, May 02, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment