kay S. salamat sa pang-unawa at lahatlahat.awit ni canuplin
(anonymous)
sa hirap at sa ginhawa, ako'y iyong kasama
bituing mapagpala ang gagabay sa ating dalawa
at kahit na lumabo pa o maglaho ang sinag
ako'y tapat sa 'yo kaibigan mo't kadaupalad
tayo nang gumaod sa bangka
at damhin ang tubig sa mukha
lasapin ang simoy ng hangin
magpahanaggang libing
ipaghehele tayo ng lagaslas ng mga alon
iduduyan sa himig ng hanging dagat
tatanglawan ng mga bituing mapagpala sa langit
haharapin natin ang mahahabang gabi
haharapin natin ang mahahabang gabi

1 comment:
hehe, ganda naman ni S dito -- shining, shimmering, splendid.
cge, harapin natin talaga ha?
Post a Comment