Tuesday, October 11, 2005

"times are shitty, but I'm pretty sure they can't get worse*..."



"I could seat guests as they come
/Chatting not about Heidegger, but wine! / ...Let's open up a restaurant in Santa Fe/ Our labors would reap financial gains /We'll open up a restaurant in Santa Fe / And save from devastation our brains.../ We'll pack up all our junk and fly so far away / Devote ourselves to projects that sell/ We'll open up a restaurant in Santa Fe / Forget this cold Bohemian hell*..."


Isa na namang text mula kina A, B at F, mga matapat na kaibigan mula pa noong simula. nagyaya sila na mag-lunch date kami sa darating na huwebes.
naisip ko bago pa man ako magkamal ng cultural capital sa ivory tower, sila ang mga nauana kong nakausap sa iba't ibang hilig: indigo girls, joni mitchell, rent, almost famous, cynthia alexander at marami pang iba. ilang beses na rin pala kaming nagtangkang magplano para sa isang night out, pero lagi't laging may aberya.

third year kami nang magsimulang magkawatak-watak ang aming landas. dumalang ang pagkikita namin. at pagdating ng fourth year, sa panahong nagiging malinaw na sa iba ang mga bagay na gusto naming gawin, lalong bihira na kaming nakakapagsama-sama. at lalo na nang grumadweyt na sila.
parang 5 minutes lang ang isang marathon na kuwentuhan na umaabot na ng madaling araw. tuluyan nang nagsanga-sanga ang iba't ibang landas namin.

masaya ako para kay F dahil kahit papaano ay ginagawa niya ang bagay ng gusto niyang gawin. pinaka-determinado naman si A para tuparin naman ang pangarap niyang maging pinoy pop superstar (chos!), kaya't kahit maliit ang kita sa paminsan-minsang gig, pinapatos niya. at siyempre sobrang tuwa ko nang sa hindi inaasahang desisyon nag-NGO si B (kahit na iba ang paniniwala ko sa NGOismo).
masaya akong lalo, na bagama't iba-iba kami ng paniniwala, na tanggap nila ang piniling kong buhay. paminsan-minsan mang nagkakadiskusyon e madalas namang iniintindi na nila ako, kahit ba itong niyakap kong paninindigan ang dahilan kung bakit ako ang pinakamadalas na absent sa mga paglabas.

pero kahit na alam at iniintindi nila ang landas na tinahak ko, hindi pa kailanman ko pinakilala sa kanila ang mundo ko: ang vinzons hill, ang mendiola, ang espanya at welcome rotonda, ang bigote, at iba't iba pang lugar kung saan madalas ako nangangarap at binubuo ang mga pangarap na iyon.

minsan, naisip ko ang isang eksena: imbes na si vilma santos, silang tatlo ang kikitain ko sa isang liblib na restaurant
sa chinatown at ako ang namamagang version ni piolo, at melodramatic kong i-re-reassure sila na mabuti ang kalagayan ko at masaya ako sa ginagawa ko.

sila ang pinaka-nakakaintindi sa akin tuwing ginagawa kong pelikula ang bagay-bagay. sa kanila rin pinakamabenta ang malalaswa kong hirit. at bakit ko nga ba ngayon ginagawa ito? korni na kung korni pero paraan ko ito para sabihing pasensya na sa lahat ng kakulangan (etching) at salamat sa lahat. to quote B's favorite line from a chick flick: "TEAR."

p.s. isa lang ang inseguridad ko sa kanila. ang kanilang wakanangshet na boses, habang ako ay tone deaf. bwiset! hmp!
_______________________
*from the song Sta. Fe, Rent (shemps, the situation can get worse, and i'm pretty sure about that!)

5 comments:

guillerluna said...

TEAR. ehehehe.

mykel andrada said...

Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.

Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng tula sa kampanyang Oust Gloria!).

Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer's profile at kontak na mga numero sa mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya'y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.

Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.

Anonymous said...

ngayon ko lang nabasa tong entry na to.

wala akong masabi.

John said...

Ngayon ko lang rin nabasa itong post na ito... at heto ako sa kwarto namin sa MSI at pinipigil ang luha. Gago ka.

Dalhin mo kami sa Bigote, hindi pa huli ang lahat.



F

Anonymous said...

Tsong, nananadya ka naman magpaiyak e. Ahehe. Touched ang lola. At oo, naiintindihan ko (kahit papaano) ang kawalan ng panahon.

- B