
Wednesday, April 18, 2007
Tuesday, April 17, 2007
"today i am a small blue thing... i am cool and smooth and curious."
- Jeanette Winterson, The Poetics of Sex
tiyempong tinext ang quote sa itaas ng isang kaibigan noong linggong tinatapos kong basahin ang written on the body ni jeanette winterson. may isang punto habang binabasa ko ang nobela ni winterson ay napapaluha na ako. hindi dahil sa na-touch ako o naka-relate sa kuwento kundi dahil sa galing ni winterson magsulat. na may taong tulad niya na magagawang magsulat ng ganoon ka-passionate.
napapaisip tuloy ako, nais kong ipaligid sa akin ang mga bagay na makabubuhay muli sa akin. madalas, pag nararamdmaan ko ang pamamanhid, ang kawalang pandama, naiisip ko kung kelan ba ako naging ganito. kay nga laking pasalamat ko dahil kahit na monotonous at paulit-ulit ang ginagawa ko ngayon ay nakakapagbasa uli ako. kahit sa ganoong paraan man lang muli akong makadama. kahit manghiram muna ako ng damdamin mula sa mga likhang tauhan sa mga binabasa ko ngayon. hanggang sa magawa ko muling ganap na makadama. baka sa ganitong paraan lang ako muling bubukas sa lahat ng posibilidad. at magawa ko ring tumawid sa pedestrian overpass sa Nepa-Q Mart o tumayo sa gilid ng bangin.
---
natapos ko nang basahin ang script ng the hours na pinahiram sa akin ni C. naaalala ko lang ang mahabang panahong binuno ko sa pagbabasa ng nobela. sa isang bahagi ng nobela, nagkaroon ng reyalisasyon si Clarissa Vaughan nang balikan niya ang nakaraan nila ni Richard. Nung mga panahong magkakasama sila, naisip niya na maaring yun ang simula ng panahon ng kaligayahan. matapos ang halos tatlong dekada, saka lamang dumating sa isip niya na iyon na mismo ang kaligayahan.
---
ilang oras palang ang nakakalipas habang sinusulat ko ito, naganap ang pinakamasahol na campus shooting rampage sa kasaysayan ng US. humigit kumulang 30 estudyante ng Virginia Tech ang walang habas na pinagbabaril. parang yung naganap sa Columbine ilang taon pa lamang ang nakararaan. tila minu-minuto mas nagiging delikado ang mundong ito para kaninuman. normal na sigurong maging sinikal laluna sa mga balitang tulad nito.
---
paborito kong kanta ngayong abril:
Small Blue Thing
by Suzanne Vega
Today I am
A small blue thing
Like a marble
Or an eye
With my knees against my mouth
I am perfectly round
I am watching you
I am cold against your skin
You are perfectly reflected
I am lost inside your pocket
I am lost against
Your fingers
I am falling down the stairs
I am skipping on the sidewalk
I am thrown against the sky
I am raining down in pieces
I am scattering like light
Scattering like light
Scattering like light
Today I am
A small blue thing
Made of china
Made of glass
I am cool and smooth and curious
I never blink
I am turning in your hand
Turning in your hand
Small blue thing
Saturday, March 31, 2007
sining ng pakikisangkot: baliktanaw sa mga obrang sister stella l. at orapronobis

Maituturing na mahahalagang dokumento ng kasaysayan ng pakikisangkot ng pelikulang Pilipino ang mga obrang Sister Stella L.(1984) ni Mike de Leon at Orapronobis (1989) Lino Brocka. Gayong marami pang pelikula na nagawa noong dekada ‘70 at ‘80 ang naglarawan at tumuligsa sa pamahalaan at, sa pangkalahatan, sa sistemang panlipunan, namumukud-tangi ang Sister Stella L. at Orapronobis na lantarang tumalakay sa aktibismo at sa pakikisangkot bilang paraan ng paglaban sa namamayaning kaayusan. Dahil sa katangiang ito ng dalawang pelikula, naiigpawan ng mga obrang ito ang pagiging reliko na lamang ng nakalipas.
Dalawang dekada na ang nagdaan mula nang isapelikula ang mga ito, masasabi pa ring “napapanahon” ang mga obra sa kasalukuyang konteksto ng maligalig na sitwasyon ng bansa sa kinakaharap nitong krisis pampulitika sa ilalim ng pamahalaang Macapagal-Arroyo. Pagpatay sa mga aktibista at lider unyon, militarisasyon sa kanayunan, pakikisangkot ng mga taong simbahan sa pulitika, kaliwa’t kanang kilos protesta at labis na kahirapan ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay sa mga pelikulang ito na kung tutuusi’y araw-araw na nakikitang mga imahe sa mga peryodiko at telebisyon sa ngayon.
Sa maraming bahagi, malaki ang pagkakatulad ng dalawang pelikula sa isa’t isa bukod sa kapwa isinulat ito ng batikang mamamahayag/manunulat na si Jose F. Lacaba (kasama si Jose Almojuela, Mike De Leon at Ricardo Lee sa Sister Stella L.) kahit na tumatalakay ito sa magkaibang rehimen. Idinirihe ni De
Sangandaan
Sa pagbabalik-tanaw sa dalawang pelikulang ito, hindi nalalayo ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa mga naganap noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos o sa cacique democracy sa ilalim ni Cory Aquino. Ang mga pagkakahawig ng dalawang pelikula ang siya ring mga kantangian na nag-uugnay sa kasalukuyang sitwasyon. Bagamat tumatalakay sa mga unibersal na tema ng kahirapan, karapatang pantao, katarungan at kalayaan, sumesentro ang bawat pelikula sa partikularidad ng kani-kaniyang milieu.
Kahit na ang pinakamatingkad na usapin noong unang bahagi ng dekada ’80 ay ang nagpapatuloy na diktadurang Marcos sa kabila ng pag-alis ng batas militar, piniling talakayin ng Sister Stella L. ang problema sa paggawa at ang tumitinding kahirapan (na mas binigyang mukha sa sumunod na kolaborasyon ni Brocka at Lacaba na Bayan Ko: Kapit sa Patalim), hayagan na itong nagtatanong at nagbibigay ng alternatibong kasagutan. Tila ba nang-uudyok ang matagal nang sigaw at tanong: “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan?” Kung tutuusin, mas mapangahas pa nitong inilalantad ang ugat ng problema, sa pamamagitan ng madreng si Sister Stella Legaspi (na sinasabing hinalaw ang karakter kay Coni Ledesma, dating madre at ngayo’y kasapi, kasama ang asawang si Luis Jalandoni, na dati ring pari, ng National Democratic Front), iminulat ni De Leon maging ang mga manonood sa nakapanlulumong reyalidad ng isang kapitalistang sistema kung saan “ang pang-aapi ang siyang nagpapanatili sa kapangyarihan ng mga nang-aapi,” ayon na rin sa isang tauhan sa pelikula.
Rumurok ang pelikula sa pagdukot, pagtortyur at pagpaslang sa pangulo ng Republic Oil Labor Union na si Ka Dencio (Tony Santos) at sa panawagan para bigyang hustisya ang pagkamatay nito. Hindi na ito bago sa mga makakapanood ngayon ng pelikula. May ilang lider ng mga unyon na rin ang napapaslang sa loob lamang ng limang taong panunungkulan ni Gloria Arroyo. Dalawa sa mga ito ay sina Ding Fortuna, pangulo ng unyon ng mga nagwelgang manggagawa ng Nestle Philippines, at Ric Ramos pangulo ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union sa Hacienda Luisita ng mga Cojuangco.
Wala Nang Tao sa Santa Filomena
Maihahalintulad naman sa panawagan ni Ginang Arroyo para sa all-out war laban sa mga komunista ang pagtugis ng grupo/kulto ng mga vigilanteng Orapronobis sa mga pinaghihinalaang rebelde sa pelikulang Orapronobis. Nanatiling limitado ang mga nakapanood ng pelikulang ito ni Brocka nang patawan ng X-rating ng MTRCB noong rehimeng Aquino. Tanging mga nasa akademya lamang ang nabibigyang pagkakataon na mapanood ito maliban na lamang sa mga patagong pagpapalabas ng pelikulang ito sa mga komunidad. Patunay ito na magpasahanggang ngayon, itinuturing pa rin ng pamahalaan at ng estado ang pagiging delikado ng pelikulang ito. Ngunit, kung tutuusin, wala na rin namang itatago ang pamhalaan mula sa mga nailantad sa pelikulang ito. Maliwanag ang mensahe ng pelikula: ang estado ang rekruter ng mga rebelde.
Kamakailan lamang nang mapabalita na naubusan na ng cedula ang mga barangay sa San Jose sa Nueva Ecija matapos ipag-utos ni Major General Jovito Palparan na ang bawat mamamayan na magdala ng cedula bilang pagkakakilanlan.
Humigit 700 na ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa magmula nang iluklok sa EDSA 2 si Arroyo. Kalakhan ng bilang na ito ay sa mga rehiyon kung saan nakatalaga si Palparan. Taong 2002 nang magsilikas ang daan-daang Mangyan at mamamayan mula sa
Tumabo na sa 50,000 kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang naitatala sa limang taong panunungkulan ni Arroyo. Hinihigitan na nito ang tinatayang 30,000 kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa halos dalawang dekada ng rehimeng Marcos at 20,000 kaso sa rehimeng Aquino. At tumataas pa ang kaso ng mga hamletting, extrajudicial killings, enforced disappearances at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa bawat araw ng pananatili ni Arroyo sa puwesto laluna nang ideklara niya ang all-out war laban sa CPP-NPA. Nagpahayag na ang iba’t ibang grupo ng mga human rights advocates, maging sa international community, ng pagkundena sa pamahalaang Arroyo sa di masawatang pagdami ng mga kaso ng pagpaslang sa mga aktibista at kasapi ng media. Maliban sa isyung ito, laganap na rin ang pagkadiskuntento ng mamamayan sa pamahalaang Arroyo bunsod ng mga akusasyon ng pandaraya sa eleksyon, katiwalian at ang di maampat na krisis pang-ekonomya ng bansa.
Kung hindi tayo, sino?
Bukod sa political opposition, ang simbahan ang isa sa mga binabantayang sektor sa kanilang tindig sa kasalukuyang krisis. Inaantabayanan ang bawat pahayag o pastoral letter na inilalabas ng CBCP kaugnay ng krisis pampulitika. Patunay lamang nito na lumalawak ang pagkadiskontento sa pamahalaan at ang pagkahiwalay ng rehimeng Arroyo mula sa mamamayan. Bagay namang pinatunayan na sa kasaysayan na masisipat sa mga pelikulang Orapronobis at Sister Stella L. Kapwa alagad ng simbahan ang mga pangunahing tauhan sa dalawang pelikula—si Sister Stella Legaspi (Vilma Santos) na naghahanap ganap na pakikisangkot para sa pagbabagong hubog ng lipunan at si Jimmy Cordero, dating pari at napalayang detenidong pulitikal matapos ang pagbagsak ng rehimeng Marcos. Pagsanib ng simbahan sa taumbayan nang mag-aklas ang mga ito sa EDSA 1 at 2 ang isa sa mga salik sa pagtatagumpay ng mga ito.
Magmula sa usaping pulitikal, ang saklaw ng mga pagkakasala ni Arroyo at ng mga rehimeng bago ito ay nagiging usaping moral bagay na hindi mapapalagpas ng simbahan. O sa ibang pagtingin, sa paglala ng krisis, hindi maiiwasan ang pagiging pulitikal ng iba’t ibang sektor na dati’y nyutral
Kung kaya hindi kataka-taka sa panahon ng panunupil umuusbong ang mas mapapangahas pang akdang sining. Makikita sa Sister Stella L. at Orapronobis na itinutulak ang mga alagad ng sining na pumanig at makisangkot. Malinaw kung anong posisyon ang pinili nina Brocka at De
Kilala si Brocka sa pagiging aktibistang alagad ng sining. Siya ang nagtatag ng Concerned Artists of the
Di tulad ni Brocka, hindi nakikita si De Leon sa lansangan at nakikibaka, ngunit hindi maitatanggi ang tapang at talas ng pelikulang Sister Stella L. kung ikukumpara sa iba pa niyang pelikulang may pahaging na komentaryo sa diktadura (maging si Mother Lily Monteverde ng Regal ay napabulalas ng: “komunista na yata ako,” sa isang manunulat matapos mapanood ang prinodyus na pelikula. Binawi niya rin ito at sinabing tama na muna sa paggawa ng mga socially relevant na pelikula matapos langawin sa takilya ang Sister Stella L. Sa kaso naman ni De Leon, kakatwa naman ang pagkuha niya sa proyektong ito na tumatalakay sa labor unrest gayong ganitong uri ng problema ang kinaharap ng kanyang pamilya kung kaya’t nagsara ang pag-aari nilang LVN Pictures ). Sinasabing hubad sa “tatak Mike De Leon” ang Sister Stella L. dahil nakupot ito sa pagiging agit-prop, pero ito rin mismo ang kapangyarihang taglay ng pelikula bilang de-kalibreng obra ng panahon nito, at ito rin ang lakas ni De Leon bilang filmmaker. Waring nangungusap ang pelikula direkta sa manonood: “kung hindi tayo, sino?”
Kung hindi ngayon. kailan?
Sa kabila ng hindi magandang takbo ng industriya ng pelikulang Pilipino, masigla at puno ng optimismo ang independent cinema kung saan sumibol ang mga tulad nila Brocka at De
Isa muling hamon ang gamitin ang kapangyarihan ng sining ng awdyo-biswal bilang matalas na sandata ngayong nahaharap ang bansa sa matinding panunupil ng batayang karapatan. Hakbang tungo sa “demokratisasyon” sa access sa sining nga awdyo-biswal ang pag-unlad ng teknolohiya ng digital video. Sa kasalukuyan, naging mabisa ang paggamit ng midyum na pelikulang dokyumentaryo sa pagsisiwalat ng katotohanan sa panahong sinisikil ang paglabas nito. Patunay ang masigasig na paglabas ng iba’t ibang dokyu mula sa mga grupong Kodao, Sine Patriyotiko, Tudla at Southern Tagalog Exposure. Nagagamit ang teknolohiya ng LCD projectors para maibahagi sa mga komunidad ang mga pelikula at ang mga isyu. Magkagayunman, nagagamit din ang teknolohiyang ito para sikilin ang mismong karapatan sa pamamahyag sa pamamagitan ng paglabas ng propagandang dokyu ng gubyernong Paglaban sa Kataksilan 1017. Ginagamit naman ang powerpoint presentation na Know the Enemy sa mga komunidad at kanayunan para takutin ang mga mamamayan at tugisin ang mga lehitimong nagpapahayag ng pagkadismaya sa pamahalaan.
Tulad noon, hindi rin ligtas ang mismong mga filmmakers sa panunupil. Ilang kasapi ng mga audio-visual groups ang nakulong, inaresto, sinaktan, pinagbantaan at inakusahang terorista habang gumagawa ng pelikula at/o habang pinalalaganap ang kanilang sining sa mga komunidad. Patunay na delikado pa rin ang sining ‘pag isinangkot sa pulitika.
Tuesday, March 20, 2007
"things i have loved i am allowed to keep"
pagsibol sa guho. --
hindi ko maiwasang maisip ang sariling mortalidad at ang konsepto ng eternal nang magpaalam kami ng aking mga hayskul friends kay ate pia, kapatid ng aking matalik na kaibigan si bea. naging inspirasyon ng kanilang pamilya ang matapang na pagharap ni ate pia sa kanyang karamdaman. at inspirasyon din siya para sa aming laging dinadalaw ng panglaw para magpatuloy sa kabila ng mga pana-panahong yugto ng kalungkutan-- para paminsan-minsan ay makita ang kulay ng buhay sa kabila nang pagiging masalimuot nito. hindi ka namin malilimot, ate pia.
--
kahit na mas mahirap makahanap ng tiyempo, nagawa pa rin naming magkakaibigan nung hayskul na maglaan ng oras para magkita. pinagbubuklod kami ng ganitong pagkakataon para suportahan ang isa't isa.
naging instrumental din ang aking kaarawan noong nakaraang linggo para muling makapag-reconnect sa mga kaibigan matagal nang hindi nakikita tulad nin a bj at jenny. over cups of coffee, nagawa namin ipagkasya sa kakarampot na oras ang mga pangyayaring naganap sa buhay namin sa nagdaang 3 taon.
Thursday, March 08, 2007
"women hold up half the sky*"
sa lahat ng kababaihan, nais kong magbigay pugay sa inyo na araw-araw na nakikibaka sa lipunang tigmak sa patriyarka at karahasan.
(armida sings babae)
BABAE
(inang laya)
Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
Kayo ba ang mga Cinderella, na lalaki ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?
Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Paano nahubog, inyong isipan at tanggaping tayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela,mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka at ngayo’y marami nang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya.
---
incidentally, congrats kay S. sa wakas, graduate na siya MA niya sa women's studies. o ayan, timing pa sa celebration ng international women's day.
-----------
*sipi mula kay mao
Monday, February 26, 2007
solitude standing
You are The Hermit
Prudence, Caution, Deliberation.
The Hermit points to all things hidden, such as knowledge and inspiration,hidden enemies. The illumination is from within, and retirement from participation in current events.
The Hermit is a card of introspection, analysis and, well, virginity. You do not desire to socialize; the card indicates, instead, a desire for peace and solitude. You prefer to take the time to think, organize, ruminate, take stock. There may be feelings of frustration and discontent but these feelings eventually lead to enlightenment, illumination, clarity.
The Hermit represents a wise, inspirational person, friend, teacher, therapist. This a person who can shine a light on things that were previously mysterious and confusing.
What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.
Friday, February 23, 2007
inosente lang ang nagtataka*

nang minsang nagbayad ako ng bayarin sa tubig, nakakita ako ng dvd ng pan's labyrinth. pamilyar ang titulo dahil na rin sa ilang nominasyon nito sa paparating na oscars. duda ako nung una kung magugustuhan ko ito dahil sa hindi naman ako naging fan ng mga fantasy at adventure films. ayon sa ilang nabasa ko sa internet, ang pan's labyrinth ang kauna-unahang pelikulang na fantasy na na-nominate bilang best foreign language film sa oscars. kaya kahit na nauna ko nang nabili ang dvd ng science of sleep at the queen, nakumbinsi na rin akong kunin ang pan's labyrinth.
ipinakita ni guillermo del toro kung paano nabasag ang pagkainosente ng isang bata sa panahon ng pasismo at karahasan sa panahon ng diktadurang franco sa espanya. ginamit ni del toro ang mga malalagim na imahen sa mga kwentong pambata (fairy tales) para ipakita ang mas karumaldumal na katotohanan ng reyalidad.
hindi ko maiwasang makita sa katauhan ng malupit na kapitan at sugo ni franco na si vidal, amain ng bidang babae sa pelikula, si jovito palparan, punong berdugo ng rehimeng arroyo. inilarawan sa pan's labyrinth ang karahasang inihahasik ng sandatahang lakas sa ngalan ng pagsupil sa lehitimong pag-aaklas ng mamamayan. brutal at malupit na tinugis ni vidal ang mga rebeldeng komunista sa kanayunan ng espanya bilang bahagi ng pagsusulong ng adhikain ni franco sa espanya. karaniwang tinutukoy ang pandarahas na ito ng estado bilang pasismo.
kaya pagdating ko sa opisina, agad akong nag-research tungkol sa pasismo. maliban sa pagtukoy sa pandarahas ng estado, hindi malinaw sa akin ang pakahulugan ng konsepto ng pasismo. karaniwang ikinakabit sa konsepto ng pasismo ang totalitarianism. bukod dito, mahalagang salik ng pasismo ang naysunalismo, kolektibismo at bulag na pagsunod sa polisiya ng estado. madalas na ginagamit ang karahasan upang mapuwersa ang mga indibidwal at subject sa mapasailalim sa layon ng estado. isinusulong ng pasismo ang katatagan ng estado sa pamamagitan ng pagkakaisa. malinaw na nakikita ito sa mga ibinandilang islogan ng mga rehimeng marcos at arroyo: bagong lipunan at matatag na republika. hindi na kakatwa na sa dalawang rehimeng ito naganap ang pinakamalalang mga paglabag sa karapatang pantao sa pagsupil.
si palparan ay si kapitan vidal sa totoong buhay. ayon sa duktor ng asawa ni vidal na sumusuporta sa mga rebelde, ang pagsunod sa awtoridad nang di man lang kumukuwistiyon sa motibo at rationale ng mga utos ay ginagawa lamang ng mga tulad ni vidal. at ni palparan. di minsang pinapurihan ni arroyo si palparan sa pagsusulong nito ng kontra-insurhensyang programa ng pamahalaang arroyo. hindi ko malilimutan ang mga brutal at karumaldumal na mga larawan ng mga pisalang na aktibista sa mindoro na paulit-ulit kong napanood noong ginagawa ko ang hindi ko natapos na thesis. kamakailan lamang, mismong si philip alston, espesyal na rapporteur ng UNHR hinggil sa mga extrajudicial na pamamaslang, ang nagbigay ng pahayag na nagdidiin sa rehimeng arroyo sa pagkunsinti nito sa pamamaslang sa mga aktibista at mamahayag. tinukoy mismo ni alston ang accountability ng afp at ng rehimeng arroyo. gayunpaman makikita na hindi lamang kinukunsinti ni arroyo ang mga pamamaslang kundi inuudyukan pa nito sa pamamagitan ng paglulunsad pa ng mas mababangis pang kontra-insurhensiyang programa at mapanupil na batas gaya ng ant-terrorism bill.
isang mahalagang elemento ng pan's labyrinth ay ang konsepto ng panahon at memorya. malilmit na pinakikita na minamasdan ni vidal ang kanyang orasan. nabanggit sa pelikulang na nang mamatay ang amang sundalo ni vidal sa isang digmaan sa aprika, sinira nito ang sariling orasan para mapahinto ito. ginawa ito ng nakatatandang vidal para sa imortalisasyon ng kanyang kagitingan na ipinamana sa anak. ang pang-alala ay sandata. ngunit mapaniil ang kolektibong gunita kung kinapon mula sa konteksto ng kasaysayan at interes ng nakakaraming pinagsasamantalahan. ginamit din ng mga diktador na sina hitler at marcos upang pagbuklurin ang lipunan tungo sa abstraktong konsepto ng nasyunalismo.
hindi ko inaasaahan na ganitong mga konsepto ang makukuha ko mula sa isang fantasy film. mayroon pa rin namang mga butas/flwas ang pan's labyrinth, pero hindi maikakaila na hindi lamang hungkag na pagka-aliw ang makukuha sa pelikula.
* pasintabi sa the wuds at kay ana morayta


