- bihira kong basahin ang mga tula ko sa mga poetry reading. hindi ako kumportableng matawag na rayter. takot kasi akong mahusgahan.
- ang gusto ko sa mga kaibigan ko ay marunong silang mag-negate ng sarili.
- lagi akong may baong kwento. bago pa man maglanding sa papel o sa pc, nag-evaporate na ng mga ito.
- minamadali na ang chacha sa kamara. wala ang pinagkaiba ang batasan sa sogo. nag-o-offer na rin sila ng mga quickie.
- balak kong gumawa ng maikling kwento tungkol sa alzheimer's disease at political detainees pero nagawa na raw ito sa the notebook (yung alzheimer's mode).
- paborito ko ngayon ang gary jules version ng mad world dahil sa pelikulang donnie darko.
- interesado ako sa '80s. kakaibang nostalgia.
- natutuwa akong tumambay kasama ang mga paborito kong prof.
- isa akong malaking tengga.
- may nanalo na ng P150M jackpot ng lotto. nag-daydream pa naman ako na kung ako ang manalo nun, kalahati sa magulang/pamilya ko mapupunta. tapos 'yung kalahati paghahatian ko at ng mga "nagkakawang-gawa." pero hindi ko pa nagagawang tumaya sa lotto kahit isang beses.
- tinatamad akong magsulat kaya naka-bullet mode ang entry na ito
- may baby na yumakap sa akin through text. ingat kayo parati.
- hindi lang pala mga buntunghininga ang kayang lumagos sa cellphone.
- adik ako ngayon sa chicken invaders.
- nagasgas yung cd kong ginawa for new year pati 'yung isa pa.
- hindi ko pa naa-update 'yung isa ko pang blog.
- may gusto akong isulat na tula.
- masaya naman ako paminsan dito sa panig ko.
- antagal ko nang hindi bumibisita sa timog/bigote.
- naulanan ako kanina.
Wednesday, January 25, 2006
ilang bala ka lang (o isang pagsasanay sa pag-alala)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

3 comments:
sa unang basa, akala ko ang sinulat mo:
"isa akong malaking TENGA." hahahaha.
interesado rin ako sa 1980s ngayon. magsama tayo sa nostalgia for a decade we barely lived in.
actually malaki kanbg impluwensya sa pagkagusto ko sa '80s, dati itintakwil ko 'to
may baby na yumakap sa iyo sa text? sweet. =)
Post a Comment