sa isang dakong hindi ko pa nalalakbay
ni ee cummings (salin ni jose lacaba)
sa isang dakong hindi ko pa nalalakbay, lampas pa
sa anumang karanasan, mga mata mo'y may angking katahimikan:
sa bawat kilos mong mayumi, may bagay na bumabalot sa akin,
o bagay na hindi ko maapuhap pagkat lubhang malapit.
pinakamunting sulyap mo'y dagling nagpapabukas sa akin
bagamat kinuyom ko ang sarili na tulad ng kamao,
mga talulot ko ko'y isa-isa mong ibinuka, parang tagsibol
na nagbubukas (bihasa,mahiwaga) sa kanyang unang rosas.
kung ako'y ibig mo namang sarhan, ako at
ang buhay ko'y titiklop na ubod ng ganda, bigla,
tulad ng puso nitong bulaklak na nangangagimbang
dahan-dahang lumalapag ang niyebe sa lahat ng dako;
sa daigdig ay walang anumang matatagpuang katumbas
ng lakas ng iyong masidhing kapinuhan: na kung dadamhin
ay magpapagunita sa kulay ng mga bayan, magdudulot
ng kamatayan at kawalang-hanggan sa bawat hininga.
(hindi ko alam kung ano sa iyo ang sumasara
at bumubukas; ngunit sa akin ay may nakauunawang
ang tinig ng mga mata mo'y malalim pa sa lahat ng rosas)
walang sinuman, maging ulan, ang may kamay na kay liliit
...
somewhere i have never traveled
somewhere i have never travelled, gladly beyond
any experience,your eyes have their silence:
in your most frail gesture are things which enclose me,
or which i cannot touch because they are too near
your slightest look easily will unclose me
though i have closed myself as fingers,
you open always petal by petal myself as Spring opens
(touching skilfully,mysteriously) her first rose
or if your wish be to close me,i and
my life will shut very beautifully, suddenly,
as when the heart of this flower imagines
the snow carefully everywhere descending;
nothing which we are to perceive in this world equals
the power of your intense fragility: whose texture
compels me with the color of its countries,
rendering death and forever with each breathing
(i do not know what it is about you that closes
and opens; only something in me understands
the voice of your eyes is deeper than all roses)
nobody,not even the rain, has such small hands
---
kinopya ko mula sa blog ni omer

No comments:
Post a Comment