Tulang isinulat sa tabi ng puntod ng kasamang magsasaka sa unang anibersaryo ng kanyang pagkamatay
Dinalhan ka ngayon ng mga bata ng bulaklak
di nila alintana ang marahas na ulang
humahagupit sa kanilang likuran
ang kanilang panlulumo at pangako
ng paghihiganti’y di na tanda ng kawalang-muwang
Naaalala mo ba? Umulan rin
noon sa inyong nayon
apat na tag-ulan at tag-init na ang nakararaan
Nang dumating sila mula sa lungsod
mga bubot pang kabataan
tangan-tangan ang kanilang mapupurol na sandata
ang kanilang mithiin sa bayan
at ganap na katatagan
ang nagbibigay ilaw
sa mga siglo ng kamangmangan –
di hamak na malayo kung ikukumpara
sa mga asenderong nangamkam ng iyong lupa
mga bandidong nandambong sa inyong mga tahanan
mga pulis na gumahasa sa mga kababaihan
at pumaslang sa mga lalaki ng angkan…
Kung kaya’t ika’y nakinig
at nagtanong
at naunawaan
at namulat
ay nag-aklas din
laban sa kagutuman
sa pagkagahaman
sa pangangayupapa
sa pusali…
Sa gayon, hindi na mahirap nang
dumating ang pagkakataong
upang hamunin ang kaaway
sa huling pagtutuos
Upang pumili
sa sarili at sa sariling kamatayan
sa panlilinlang at sa karangalan
ngayon o magpakailanman
Kasama! Ang araw kung kailan mapalilibutan natin
ang kampo ng kaaway ay matagal pa.
sa ngayon, dapat nating pagkaabalahan
ang pagmumulat at ang agraryong rebolusyon
at pagtugis sa mga ICHDF hanggang sa kanilang libingan
nanatili tayong matatag.
Dinalhan ka ngayon ng mga bata ng bulaklak
habang inaawit ang mga himig ng digma
sa mapulang dapithapon.
di sila nakalilimot.
---
Poem Written Beside a Peasant Comrade's Grave on the First Anniversary of His Death
Servando Magbanua ( 22 Marso 1979)
Today the children brought you flowers
unmindful of the violent rain
beating upon their backs
their lamentations and vows
of revenge no longer a sign of innocence.
Remember? It also rained
in your village that day
eight seasons ago when
they came from the cities
raw youths
with their crude inferior weapons
their social message
and sterling courage
bringing light
to centuries of ignorance –
a sharp contrast indeed
to the hacienderos who grabbed your lands
the bandits who plundered your homes
the constables who raped your sisters
and murdered your brothers. . .
So you listened
and wondered
and understood
and thus enlightened
also rose up in revolt
against the hunger
the wickedness
the genuflection
the filth. . . .
It was not hard then when
the moment came
to engage the enemy
in mortal combat
to choose
between self and self's death
between betrayal and honor
between that moment and forever.
Kasama! The day when we encircle
the enemy camp is still far off.
Today we are still concerned
with enlightenment and land reform
and hounding the ICHDFs to their graves.
We remain undaunted.
Today the children brought you flowers
singing hymns of battle
in the bloodred sunset.
They have not forgotten.
No comments:
Post a Comment