Monday, December 25, 2006

The Ultimate Survivor

Una ko siyang nakilala isang Sabado ng hapon noong Setyembre 2002. Kagagaling lang namin sa isang piket sa Camp Aguinaldo para gunitain ang ika-30 taong anibersayo ng deklarasyon ng Batas Militar. Inanyayahan siya ng organisasyon ko noon para sa isang hapon ng kape at kuwentuhan sa taluktok ng Vinzons Hall. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa payong, bukod kasi sa makulimlim, nagsisilbing tungkod na rin niya ang payong sa pagpanik sa ika-apat na palapag ng Vinzons.

May tatlumpu siguro kaming taimtim na nakikinig sa mga kuwento niya. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang mga pangyayari noon. Binuod niya sa amin ang mapait niyang karanasan sa isang tula na siya mismo ang sumulat. Parang nararamdaman pa rin niya ang mga tadyak at kulata sa kaniyang tagiliran sa pagsambit niya ng bawat kataga. Sabik na sabik akong itanong sa kanya kung kilala ba niya ang mga tauhang dati-rati’y nababasa ko lang sa mga libro. Nabanggit ko ang pangalan ni Lorena. “Si Lorie,” wika niya at biglang naglumiwanag ang mga mata niya. Naalala niya ang mga dating kasama at kaibigang dumating at lumisan ngunit nag-iwan ng pitak sa kanyang puso at tatak sa mahabang tradisyon ng pakikisangkot at pakikibaka.

Hindi lang ito ang naging laman ng huntahan noon. Sa kanya ko natutunan ang hindi paglalagay ng asukal at cream sa brewed coffee. Iginugupo na rin kasi siya ng panahon at ng kanyang katawan. Hindi na naghilom ang mga sugat niya sa binti na kanyang natamo nang ma-ambush siya noong dekada ’80. Ang kwento pa nga, mayroon pang shrapnel na naiwan sa kanyang ulo. Magkagayunman, nagpapatuloy pa rin siya.

Hinikayat niya rin kaming maging vegetarian at huwag tangkilikin ang mga dairy products dahil sa masamang epekto hindi lamang sa tao kung di maging sa mga hayop na inaabuso sa ngalan ng mass production. Ganun na lamang ang pangangalaga niya sa kanyang katawan kaya’t katakatakang madali na siyang iginugupo ng mga sakit na kumakapit sa kanya. Hidni man niya ako nakumbinseng maging vegetarian, maraming bagay na rin ang natutunan ko mula sa hapong iyon.

Muli ko lamang siyang nakasalamuha nang mag-prerog ako sa klase niya sa PI noong 2004. Siguro hindi na niya ako natatandaan dahil sa madalas akong late o di kaya absent dahil alas-7 ang klase ko sa kanya. Laking gulat ko na lamang nang tawagin niya ako sa klase para i-congratulate nang mapili ako para pamatnugutan ang dyaryo. Kilala pala niya ako. Kilala pala niya ang bawat isa samin. Matalas pa rin ang memorya niya. Bukod sa gagap niya ang leksyon sa bawat session, kayrami niyang kuwentong ibinabahagi. Pinagsisihan kong madalas akong late at hindi naririnig ang bawat kuwento niya. Pakiramdam ko noon, kayraming bagay ang nais niyang ibahagi sa amin, higit kay Rizal, higit sa mababasa namain sa libro at readings.

Hindi na ako nakabawi sa kanya. Nang sunod na kunin ko bilang elective ang isang kursong itinuturo niya, lalong dumalas ang pag-aabsent ko. Ang laki ng tampo niya sa amin ng ilan kong kaklase dahil madalas na nga kaming wala, bihira pa kaming magsalita sa klase. Iyon pa naman daw ang pinakamabisang propaganda. Isa pang kasalanan ko sa kanya ay ang pagbinbin ko ng mga requirements sa subject na iyon. Kaya ganun na lamang ang panlalamig niya sa akin nang magpasa ako sa kanya ng completion form. Doon ko lang napansin ang pamamalat ng kanyang boses. Nagiging madalas na ang pagkawala ng boses niya at nagiging bagahe na sa kanya ang pagsasalita. Pero dahil sa dedikasyon niya, patuloy pa rin siyang nagtuturo sa kabila nang paghihirap niya sa pagsasalita.

Naging magaan na lang uli ang pakitungo niya sa akin nang iabot ko sa kanya ang isang poetry zine na gawa ng mga kaibigan bilang pagtugon noon sa deklarasyon ng state of emergency. Parang na-reassure ko siya kahit papaano na may pag-asa pa. Na kahit madalas ay binibigo namin siya, ay nagagawa pa rin naming ipakita na mahal din namin ang bayang ito katulad ng ipinamalas niyang pagmamahal dito. Hindi man namin mahigitan, magawa man lang naming bantayan ang kalayaang ipinaglaban niya nang maraming taon. Iyon ang inaasahan niya sa amin at sa mga susunod pa.

Kanina, muli ko siyang nakita ilang oras bago mag-Pasko. Bagamat tinutulungan ng aparato, lumalaban pa rin siya para magpatuloy. Wala man ang pamilya niya rito, matiyaga siyang binabantayan ng mga dating estudyante, kasama at kaibigan sa unibersidad at paaralan ng lansangan. Mga taong minsan niyang nakahuntahan, nasermunan at nabigyan ng aral. Sir Nic, hindi kayo nag-iisa, kasama niyo pa rin kami sa laban niyong ito. Hihintayin po namin ang inyong paggaling. Mahal namin kayo.

Thursday, November 16, 2006

Kaligta


I.
Itong paglingon
ay hindi simpleng pagbabaliktanaw,
hindi paghinto sa paglalakad dahil inabutan na ng hingal
hindi ganap na pagtalikod sa mga bagay na ‘di magawang harapin.

Itinakdang maging haliging asin sa Sodom
ang sinumang ipipihit ang leeg
para masdan ang pagkaagnas ng lungsod,
ng panahon at pagkakataon.
Ngunit isinumpa naman ng mga matatanda
na walang patutunguhan
ang mga di alintana ang pinanggalingan
ang mga di nagawang mamaalam.

Ang muni ng sandali
ay hindi kontra sa agos ng pag-unlad.
Hindi ako inaantala ng saglit.
Binabalisa ako ng pagkainip.

Ang paglingon kong ito
ay hakbang palabas sa kandili ng pananatili
pagbalikat sa bigat ng pag-alala
pagbalikwas sa halos natural nang proseso ng pagkaligta.


II.

(Nag-iiwan ng mga patlang at puwang
ang pagsapit ng gunita sa kalagitnaan
ng mga pangungusap at parirala.
Lihim na nililimot ng dila
kung paano bigkasin ang iyong pangalan.)

III.

Napagdesisyunan ko nang samsamin ang lahat ng mga gamit sa ibabaw ng kama. Hindi ko na magawang piliin kung alin ang dapat maiwan: huling nobela ni G na isinantabi at itinupi ang pahina ng Kabanata XV, kalawanging makinilyang natanggalan ng letrang A, salamin sa matang bali ang kaliwang tangkay, pinagbalatan ng mga regalo ng mga nagdaang pasko, anino ng kung sino na maingat na tinupi, dangkal-dangkal na polyetong di naipamudmod sa huling rali, talinghagang hiniram nang walang paalam, at buntonghiningang itinago sa kahon ng sapatos. Inempake ko nang lahat sa maleta bago mahigpit na ikinando.

Pumara ako ng taksi. Isinakay ko ang maleta sa likod nito. (Talaga nga palang kaybigat ng mga katawang nilagutan na ng hininga.)

“Nagtahan po.” Kumaripas ang taksi. Pumaspas ang metro. Naiwan akong nakatulala sa bintana.

Pumara ako pagdating sa eksaktong kalagitnaan ng tulay. “Bawal po.” Iniabot ko ang lamukos na pera. Nagkamot ng ulo ang drayber. Ibinaba ko ang dalang bagahe.

Hindi ko na kailangang ihagis. Sapat na ang bilis na itinakda ng pwersa ng grabedad. Sumisid muna ang maleta ng dalawang talampakan bago lumutang at mabagal na nagpatianod sa daloy ng maputik na ilog. (Ano nga ba ang tinig ng nalulunod? Magawa pa kayang tumakas ng mga salitang hindi nabigkas?)

Sinundan ko ng tingin ang maleta hanggang sa matawid na nito ang kabilang panig ng tulay. Madaling araw na nang maabot ng maleta ang dulo ng aking tanaw. Napagpasiyahan ko nang pumara ng dyip.

Pagdating ko sa bahay, dinatnan ko ang sariling sa sala pa rin nahihimbing.

__________________________
ang larawan ay mula sa cover ng "the ballad of sexual dependency," koleksyon ng photographer na si nan goldin

Sunday, September 17, 2006

antala

Isang linggo na ang nakakraan nang balikan ko ang pagthethesis. Hanggang ngayon kahit nga intro part ng thesis ay hindi ko pa tapos. eto talaga ang ultimate karma, o dharma nga ba? for that, tinulaan ko na lang monitor ng computer, sakaling makipag-cooperate na ako sa kanya...


Oda sa di matapus-tapos na thesis

i.
Patawarin nawa ako kung ihalintulad ko
itong pagka-antala
sa inilulunsad na istratehiya:
pagguhit ng bilog
paglipol sa tiwali
pagpapanibagong hubog
paggapi sa mga kaaway ng gabi

ii.
Ang aksyong ito’y taktika ng dibersiyon.

iii.
Humihikab na ang bentilador
sa mabagal na tikatik ng pihikang titik.
Mas madalas pang nalilimas
ang mga salitang ayaw lumabas.

iv.
Katwiran ko’y kayraming tulad ko sa bayang ito,
samantalang ang mga dekampanilya’y tinutuya.

v.
Iba ang pag-iinat sa pagbabanat.
Ang una’y para magising,
ang isa nama’y para mabuhay.


2:02 am; 17 Setyembre 2006
Kalye Burgos

Tuesday, September 05, 2006

"i don't want to perish like a fading voice"

birthday ng lola ko ngayon, at ililibing siya mamayang tanghali. ngayon ko lang uli nakita yung ibang pinsan ko, hindi ko na nga makilala yung iba. ngayon lang din ako nakapag-reconnect sa kanila kasi hindi naman ako sumasama sa mga reunion, o pag sumasama ay hindi naman ako nakikipag-socialize sa kanila, for the longest time. anyway, napaisip tuloy ako ng repertoire kapag nam,atay ako na patutugtugin sa funeral service ko. hehehe. eto lang ang naisip ko sa ngayon:

1. fast car- tracy chapman (hahaha)
2. imagine- eva cassidy cover ng beatles
3. fragile- sting
4. fields of gold- eva cassidy cover ng orig ni sting
5. going for gold- bright eyes
6. landslide- smashing pumpkins cover ng fleetwood orig
7. the scientist- coldplay
8. satisfied mind- jeff buckley
9. opened once- jeff buckley
10. woodstock- joni mitchell
11. till tomorrow- don mclean
12. awit ni canuplin
13. here's where the story ends- the sundays
14. forever young- youth group
15. mad world- gary jules cover ng tears for fears orig

---

forever young
(youth group)

let's dance in style
let's dance for a while
heaven can wait we're only watching the sky
hoping for the best but expecting the worst
are you gonna drop the bomb or not
let us die young or let us live forever
dont have the power but we never say never
sitting in the sandpit
life is a short trip
music's for the sad man
can you imagine when this race is run
turn our golden faces into the sun
praisin our leaders, getting in tune
the music's played by the mad men
forever young, i want to be forever young
do you really want to live forever,
forever, forever
forever young, i want to be forever young
do you really want to live forever,
forever, forever
some like water and some are like the heat,
some are melodies, some are the beat,
sooner or later they'll all be gone,
why don't they stay out
it's hard to get on without a cause,
i don't want to perish like a fading voice,
youth is like diamonds in the sun,
diamonds are forever
so many adventures couldn't happen today
so many songs we forgot to play
so many dreams swinging out of the blue
left to come true
forever young, i want to be forever young,
do you really want to live forever
forever, forever
forever young, i want to be forever young
do you really want to live forever
forever, forever
forever young, i want to be forever young
do you really want to live forever,
forever, forever
forever young, i want to be forever young
do you really want to live forever,
forever, forever...

Monday, September 04, 2006

sentro de grabedad, hebigat!

Seven things I want to do before I die:
1. a road trip with me and myself. my version of che' la poderosa
2. make a film, not necessarily an influential film pero yung masasatisfy ko yung sarili ko at yung mga pinaninindigan ko
3. release a book, mix genre, ala borderlands ni anzaldua
4.magkaroon ng sariling coffee shop, art space/gallery na banned ang mga poseur na wala naamn talagang alam sa art, parang yung dating odd manila/ crowded house, pero hindi malulugi
5. speak french, portuguese and spanish fluently, mag-aral sa france at italy
6. tour of south america
7. magkaroon ng sariling pad, kahit studio type lang at magpa-bohemian party gabi-gabi, pero ala barefoot contessa,. how contradicting!

Seven things I cannot do:

1. touch type
2. commit with something for more than a year
3. morning exercise/jogging
4. diet/magpapayat
5. kumanta at tumapos ng kanta na hindi na-a-out of tune o na-o-off key
6. read minds
7. fall in love (wahahahaha)

Seven things that attract me to both a boy and a girl:
1. Matalino/may cultural capital (true)
2. masarap kausap sa madaling araw, o kayang i-tolerate ang mood swings ko
3. depressive
4. hindi bigot
5. ka-wavelength
6. may dvd at book collection
7. may art sa katawan, yung tama lang, ayaw ko yung pa-french hindi naman bagay sa klima ng bansa

Seven things that I say most often:
1. ... (fragments)
2. ambalaj
3. fatale/wafaz-in
4. chuva
5. charot!
6. keri
7. duraan ko siya e.

Seven books I love to read:
1. salinger
2. literary folios
3. neruda
4. gamalinda
5. rilke
6. garcellano
7. michael cunningham


Seven movies I could watch over and over again:
1. almost famous (20x and still counting)
2. before sunset/sunrise
3. chungking express
4. amores perros
5. kung mangarap ka't magising
6. puso ng pasko (hehehe)
7. pleasantville/ joy luck club

Seven people I'm tagging to do this survey:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Friday, August 25, 2006

"All the lonely people, Where do they all belong?"


"...[l]onely people [are] people merely stuck in a rut, and they know they're stuck but they don't have the motivation to break out of it. They yearn for change, but they don't have the energy for it; or they don't have the inspiration or drive to do it.
Loneliness is when you are incapable of change, and the amalgam of ennui, boredom, general dissatisfaction cements into a shell that protects you not only from being hurt, disillusioned or disappointed; but also from discovering and experiencing new things."
-Ina Silverio on Coupland's Eleanor Rigby
(apologies kung hindi ako nagpaalam sa pagku-quote at paglilink)

Sapul! Ouch! Hehehe!

Nabasa ko yan sa blog ni Ina at tinamaan ako talaga bigla. Kelangan ko tuloy mabasa ang libro. Paging J---! Peram na rin ng Hey! Nostradamus at All Families are Psychotic... Incidentally, paborito ko pala yang kantang yan ng Beatles precisely dahil sa tungkol siya sa mga lonely people, along with Norwegian Wood at Fool on the Hill. Fool on the Hill na lang ang hindi ginagawang nobela dito ah!

Thursday, August 24, 2006

solitude standing*


"In my solitude you haunt me
With reveries of days gone by
In my solitude you taunt me
With memories that never die

I sit in my chair
Filled with despair
Nobody could be so sad."
- Nina Simone, Solitude



Tatlong tula para ma-unclog ang sistema ko mula sa di pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. (Kailangan ko nang simulan ang thesis ko, -ber month na next week, last chance ko na ito para sa magkaroon ng degree.) Ang unang tula ay rebisyon nang nagawa kong tula nung namahinga ako matapos ang stint ko sa dyaryo. 'Yung dalawa ay salin ng mga tula ni Rainier Maria Rilke mula sa koleksyon niya na ipinadala sa akin ni C bilang kontra-kalawang sa utak. Way ko rin ito para makapagpaworkshop gayung hindi ako lumalabas ng bahay, kaya bukas na bukas ang post na ito para sa komento.

--

Natuklap ang dingding ng aking kwarto nung isang gabi


Natuklap ang dingding ng aking kwarto
nung isang gabi.

Kasabay niya akong nahubdan:

Ikinatok ko sa kanyang dibdib
ang pagtibok ng aking puso.
(Isinumbong niya sa akin
na wala ang tao sa kabilang kwarto.)

Sa dilim, ipininta ko, gamit ang daliri at pawis,
sa lawak ng kanyang saklaw
ang mga panaginip ko gabi-gabi—
inihuhulog niya ang bituin mula sa pagkakadikit sa kisame,
iniluluha niya ang nababakbak niyang pintura.

Ibinulong ko sa ikinutkot kong butas sa dingding
ang mga sugat kong nagnaknak.
Pinatatahan ako ng tahimik niyang pakikinig.

Paminsan-minsan,
sa mga gabing hindi ako pinatutulog ng alinsangan,
hahawiin ko ang agiw na bumabalabal sa kanya.
Sabay kaming napapanatag sa pagdalaw ng tag-ulan.

Natikman na niya ang pait ng aking kamao.
Madalas niyang patuyuin ang maalat kong luha.

Sa tuwinang nangungulila,
nilalapat ko ang aking pisngi
sa hapo at manhid niyang balikat.

Ngayong gabi, malamig ang pader.

---

Labis akong nag-iisa sa panig na ito ng daigdig, pero di makapag-isa
salin ng I am Much Too Alone in This World, Yet Not Alone ni Rainier Maria Rilke


Labis akong nag-iisa sa panig na ito ng daigdig,
pero di makapag-isang sapat para ganap na paglaanan ang oras.
Labis akong nanliliit sa mundong ito, pero di sing-liit
para ituring mo na lamang na mumunting bagay,
madilim at listo.
Ibig ko ang kalayaan ng aking kalooban,
kaakibat ang kalayaan para maipahayag ito;
sa panahong naghihintay ng mga kasagutan,
sa tuwing may pagdududa,
ibig kong ako’y isa sa mga kasagutan,
kung hindi ako’y lubayan.

Ibig kong isalamin ang iyong ganap na imahen,
na kailanma’y di mabulag o tumanda
para tumbasan ang iyong kariktan.
Ibig kong bumukas.
Kailanma’y di ko ninais na maging baluktot, buktot
dahil kung gayo’y ako sa iyo’y di tapat, di sapat.
Ibig kong maging malinis ang aking budhi
para sa iyo;
at ibig kong magawa kong ilarawan ang sarili
tulad ng litratong kaytagal kong pinagmasdan nang malapitan,
tulad ng bagong salita na aking natutunan at niyakap,
tulad ng tapayan na lagi nang nagagamit,
tulad ng mukha ng aking ina,
tulad ng barkong nagtawid sa akin
sa hagupit ng pinakamalupit na bagyo.

---

Pagtangis
salin ng Lament ni Rainier Maria Rilke

Kaylayo at kaytagal
nang naglaho ng lahat.
Sa pakiwari ko,
milyong taon nang patay
ang bituing kumikindat sa akin.
Mayroon yatang umiiyak
sa kotseng narinig kong kumaripas
at may mga masasakit na nasabi.
Tumigil na ang orasan
sa katapat na bahay...
Kailan ito nagsimula?
Ibig kong lisanin ang aking puso
at maglakad sa ilalim ng lawak ng kalangitan.
Ibig kong manalangin.
At nasisigurado ko, sa mga bituing
matagal nang pumanaw,
mayroon pang nabubuhay.
Sa pakiwari ko, alam ko
kung alin ito—
walang iba, sa dulo ng kinang nito sa kalangitan,
kundi ang namumukud-tanging tulad ng puting lungsod.

---
At para tapusin ang thematic na ito ng "solitude," isang awit mula kay Suzanne Vega kung saan hango ang titulo ng post na ito.

Solitude Standing
by Suzanne Vega

Solitude stands by the window
She turns her head as I walk in the room
I can see by her eyes she's been waiting
Standing in the slant of the late afternoon

And she turns to me with her hand extended
Her palm is split with a flower with a flame

Solitude stands in the doorway
And I'm struck once again by her black silhouette
By her long cool stare and her silence
I suddenly remember each time we've met

And she turns to me with her hand extended
Her palm is split with a flower with a flame

And she says "I've come to set a twisted thing straight"
And she says "I've come to lighten this dark heart"
And she takes my wrist, I feel her imprint of fear
And I say "I've never thought of finding you here"

I turn to the crowd as they're watching
They're sitting all together in the dark in the warm
I wanted to be in there among them
I see how their eyes are gathered into one

And then she turns to me with her hand extended
Her palm is split with a flower with a flame

And she says "I've come to set a twisted thing straight"
And she says"l've come to lighten this dark heart"
And she takes my wrist, I feel her imprint of fear
And I say "I've never thought of finding you here"

Solitude stands in the doorway
And I'm struck once again by her black silhouette
By her long cool stare and her silence
I suddenly remember each time we've met

And she turns to me with her hand extended
Her palm is split with a flower with a flame