Sunday, September 17, 2006

antala

Isang linggo na ang nakakraan nang balikan ko ang pagthethesis. Hanggang ngayon kahit nga intro part ng thesis ay hindi ko pa tapos. eto talaga ang ultimate karma, o dharma nga ba? for that, tinulaan ko na lang monitor ng computer, sakaling makipag-cooperate na ako sa kanya...


Oda sa di matapus-tapos na thesis

i.
Patawarin nawa ako kung ihalintulad ko
itong pagka-antala
sa inilulunsad na istratehiya:
pagguhit ng bilog
paglipol sa tiwali
pagpapanibagong hubog
paggapi sa mga kaaway ng gabi

ii.
Ang aksyong ito’y taktika ng dibersiyon.

iii.
Humihikab na ang bentilador
sa mabagal na tikatik ng pihikang titik.
Mas madalas pang nalilimas
ang mga salitang ayaw lumabas.

iv.
Katwiran ko’y kayraming tulad ko sa bayang ito,
samantalang ang mga dekampanilya’y tinutuya.

v.
Iba ang pag-iinat sa pagbabanat.
Ang una’y para magising,
ang isa nama’y para mabuhay.


2:02 am; 17 Setyembre 2006
Kalye Burgos

No comments: