Monday, February 20, 2006

days of being wild*

mid-quarter assessment:

mahirap talagang magbago. ito ang matagal ko nang natutunan. tulad ng dati, wala pa ring natatapos, o kahit man lang nasisimulan. at lalo pang na-aggravate ito ng dysfunctional kong pag-iisip ngayong unang kwarto ng taon.

paborito ko ngang reaksyon ngayong simula ng taon, ayon nga sa awitin ni joni mitchell na blue, sigh--buntunghininga.

-0o0-

meron akong gustong gayahin mula sa blog ni kayamanan. parang masayang gumawa ng listahan (tinatawag itong stoke factor, kay jeeu niyo na lang ityanong kung bakit, ang hirap mag-explain eh) ng mga bagay na nagustuhan sa mga nakalipas na araw bilang pagtatanda ng mga naganap at hindi naganap.

musika: sinalubong ko ang bagong taon sa saliw ng blue at woodstock ni joni mitchell. nanumbalik ang paghanaga ko kay aimee mann sa kanyang bersyon ng the other end na orihinal na inawit (?) ni elvis costello. naglunoy ako sa lungkot na dulot ng mga awit ng death cab for cutie at ni bright eyes na ipinakilala sa akin ni kayamanan (mas apt yatang tawaging library ng musika at libro ang bahay niya). at dahil may hang-over pa ako ng donnie darko, ibabahagi ko itong theme song ng mga nagdaang kaganapan:

mad world (gary jules, tears for fears orig.)

All around me are familiar faces
Worn out places, worn out faces
Bright and early for their daily races
Going nowhere, going nowhere
And their tears are filling up their glasses
No expression, no expression
Hide my head I want to drown my sorrow
No tomorrow, no tomorrow
And I find it kind of funny
I find it kind of sad
The dreams in which I'm dying
Are the best I've ever had
I find it hard to tell you
'Cos I find it hard to take
When people run in circles
It's a very, very
Mad World
Children waiting for the day they feel good
Happy Birthday, Happy Birthday
Made to feel the way that every child should
Sit and listen, sit and listen
Went to school and I was very nervous
No one knew me, no one knew me
Hello teacher tell me what's my lesson
Look right through me, look right through me


-0o0-

back to stoke factor:

struggle (naks, may ganitong kategorya): neither here nor there.

pelikula: siyemps, brokeback mountain. napanood ko rin ofr the nth time ang before sunset. nahindik ako sa forgotten soldier. mystic river. walk the line. hindi ko na malala 'yung iba pa.

nagkaroon na ng unang prod mit ang dalaw ang unang short film ng crossing-ilalim. ilang revision din ang pinagdaanan ng script at keri na ang daloy ng istorya. sana magawa talaga ito.

libro: natapos ko ang home at the end of the world. hindi ko matapos-tapos ang the hours, nakabinbin din ang ficciones ni borges.

mga aktibidad: oz afternoons at tengga sa mga bahay ng kaibigan, saglit na pagdaan sa up fair, etc. uneventful pero ok lang. nasa mode talaga ako ngayon ng pa-beat generation kahit na at this day and age ay lipas na ang ganitong lifestyle.

-0o0-
kasisimula pa lamang ng taon pero parang kayrami na ng mga kaganapang nakapagpayanig sa world view ko (maliban na lamang sa status quo, hanggang ngayon ay prenteng-prente pa rin ang hinayupak na pangulo sa malakanyang). kaya nga days of being wild ang moda ko ngayon. sa baba 'yung cafeteria mode na poster ng pelikulang simula ng bitter trilogy ni wong kar wai. mga frends, pili na lang kayo kung sinu-sino tayo diyan sa mga karakter na iyan.



*pasintabi kay wong kar wai

Wednesday, January 25, 2006

ilang bala ka lang (o isang pagsasanay sa pag-alala)

  • bihira kong basahin ang mga tula ko sa mga poetry reading. hindi ako kumportableng matawag na rayter. takot kasi akong mahusgahan.
  • ang gusto ko sa mga kaibigan ko ay marunong silang mag-negate ng sarili.
  • lagi akong may baong kwento. bago pa man maglanding sa papel o sa pc, nag-evaporate na ng mga ito.
  • minamadali na ang chacha sa kamara. wala ang pinagkaiba ang batasan sa sogo. nag-o-offer na rin sila ng mga quickie.
  • balak kong gumawa ng maikling kwento tungkol sa alzheimer's disease at political detainees pero nagawa na raw ito sa the notebook (yung alzheimer's mode).
  • paborito ko ngayon ang gary jules version ng mad world dahil sa pelikulang donnie darko.
  • interesado ako sa '80s. kakaibang nostalgia.
  • natutuwa akong tumambay kasama ang mga paborito kong prof.
  • isa akong malaking tengga.
  • may nanalo na ng P150M jackpot ng lotto. nag-daydream pa naman ako na kung ako ang manalo nun, kalahati sa magulang/pamilya ko mapupunta. tapos 'yung kalahati paghahatian ko at ng mga "nagkakawang-gawa." pero hindi ko pa nagagawang tumaya sa lotto kahit isang beses.
  • tinatamad akong magsulat kaya naka-bullet mode ang entry na ito
  • may baby na yumakap sa akin through text. ingat kayo parati.
  • hindi lang pala mga buntunghininga ang kayang lumagos sa cellphone.
  • adik ako ngayon sa chicken invaders.
  • nagasgas yung cd kong ginawa for new year pati 'yung isa pa.
  • hindi ko pa naa-update 'yung isa ko pang blog.
  • may gusto akong isulat na tula.
  • masaya naman ako paminsan dito sa panig ko.
  • antagal ko nang hindi bumibisita sa timog/bigote.
  • naulanan ako kanina.

Saturday, January 14, 2006

"love is impossible in these perilous times"


excerpts from Silences, in Edel Garcellano’s Quadratic Silences


III.

But love is impossible in these perilous times—
& even if I madly whisper your name like a prayer
murder rivals with my eyetooth glare
or, true to fawning, float Kabbala’s letter
that would open the cellar of all love’s crimes
the war—on all fronts—is never won.

The trench is heart-deep, smelling of gunpowder/blood
& your bodyguards, driven from suburban turf,
flank your body like anointed beasts come
to destroy the key I hold up your face.
Surely, the wisdom of my fathers runs deep:
Do not trespass your limits, we are bound
like hawks to our breed of passion/grief. Time
simply rewinds plots of love’s class/flowers/whips.

While native armies clash in the countryside
& cities shake under warlords/transnational goons
While presidents lie through their theological teeth
& ministers lipsynch the Pope’s eternal verities
While good men rot at Harvard & soirees
& chauffeured criminals stalk virgins/activists
While pretty boys reek of cologne and Switzerland
& nymphets, white as bones, bare their buttons on the ramp
While peons disperse like ants all over the planet
& the poor/young/trapped sell their minds/bodies
While the promise of revolution gains ground
& fattened traitors push their casino luck

Love exfoliates in your icy smile—
I perish like a cockroach in these perilous times.

Sunday, January 08, 2006

"times they are changing" - bob dylan

there's no better way to cap the first week of the new year other than starting a project and planning a course of action for the first quarter. i’ve been bedridden since thursday because of flu, asthma, whooping cough and fever. bored to oblivion, while i’m recovering, i’ve turned on the limewire to download mp3s. my player needs a new repertoire. i was inspired by kat who burned a cd for our professor, and by bobby in michael cunningham’s a home at the end of the world. so here’s my folk-y new year cd collection (oo, alam kong out of place ’yung iba, at hindi folk/folk rock at/o wala sa tema, at ‘yung ilan ay recycled). our ladies joni and tracy may have dominated the collection, that’s because they deserve that much disk space in my mickey mouse cd-r.

  1. woodstock- joni mitchell
  2. scarborough fair- simon and garfunkle
  3. blue- joni mitchell
  4. falling is like this- ani difranco
  5. fever- eva cassidy
  6. the circle game- joni mitchell
  7. hallelujah- jeff buckley
  8. give me one more reason- tracy chapman
  9. chelsea morning- joni mitchell
  10. here’s where the story ends- the sundays
  11. the promise- tracy chapman
  12. california- joni mitchell
  13. landslide- fleetwood mac
  14. both sides now-joni mitchell
  15. redemption song- indigo girls
  16. imagine- eva cassidy
  17. across the lines- tracy chapman
  18. blowin’ in the wind- joan baez
  19. something in the air- thunderclap newman
  20. talkin’ ‘bout a revolution- tracy chapman

my favorite is joni’s blue. a tear and a sigh. “there is your song from me.”

i’m also in the process of downloading bob dylan’s times they are changing—this may be an apt theme song for my course of action.

---

everything that has to be done must be done by the first quarter. i do not have any new year resolutions, though my present condition compels me to lessen smoking. and besides, i can’t afford to be lax --the course of action entails me to be 100% efficient.

---

i do believe the band thunderclap newman when they said that the “revolution is here/ and you know that is right.” we do have to change things.

Saturday, December 31, 2005

Baguntao(n)

Bagong Taon
(salin mula sa isang awit ng mga gerilyang tsino)

Ninghua, Chingliu, Kueihua—
Anong kitid ng landas, sukal ng kagubatan at dulas ng lumot!
Saan ang tungo natin ngayon?
Doon sa paanan ng Bundok Wuyi.
Sa kabundukan, sa paanan ng bundok,
Kumakampay ang mga pulang watawat sa hangin sa alab ng tagumpay.

New Year's day

--to the tune of Ju Meng Ling

January 1930

Ninghua, Chingliu, Kueihua--
What narrow paths, deep woods and slippery moss!
Whither are we bound today?
Straight to the foot of Wuyi Mountain.
To the mountain, the foot of the mountain,
Red flags stream in the wind in a blaze of glory

---
wala akong new year's resolution. hiling ko lang ay magawa natin ang hindi natin natapos nung 2005. sana mapatalsik na natin si gloria. walang panahon!

Monday, December 26, 2005

6am, day after christmas

Tulang isinulat sa tabi ng puntod ng kasamang magsasaka sa unang anibersaryo ng kanyang pagkamatay

Dinalhan ka ngayon ng mga bata ng bulaklak
di nila alintana ang marahas na ulang
humahagupit sa kanilang likuran
ang kanilang panlulumo at pangako
ng paghihiganti’y di na tanda ng kawalang-muwang
Naaalala mo ba? Umulan rin
noon sa inyong nayon
apat na tag-ulan at tag-init na ang nakararaan
Nang dumating sila mula sa lungsod
mga bubot pang kabataan
tangan-tangan ang kanilang mapupurol na sandata
ang kanilang mithiin sa bayan
at ganap na katatagan
ang nagbibigay ilaw
sa mga siglo ng kamangmangan –
di hamak na malayo kung ikukumpara
sa mga asenderong nangamkam ng iyong lupa
mga bandidong nandambong sa inyong mga tahanan
mga pulis na gumahasa sa mga kababaihan
at pumaslang sa mga lalaki ng angkan…
Kung kaya’t ika’y nakinig
at nagtanong
at naunawaan
at namulat
ay nag-aklas din
laban sa kagutuman
sa pagkagahaman
sa pangangayupapa
sa pusali…
Sa gayon, hindi na mahirap nang
dumating ang pagkakataong
upang hamunin ang kaaway
sa huling pagtutuos
Upang pumili
sa sarili at sa sariling kamatayan
sa panlilinlang at sa karangalan

ngayon o magpakailanman
Kasama! Ang araw kung kailan mapalilibutan natin
ang kampo ng kaaway ay matagal pa.
sa ngayon, dapat nating pagkaabalahan
ang pagmumulat at ang agraryong rebolusyon
at pagtugis sa mga ICHDF hanggang sa kanilang libingan
nanatili tayong matatag.
Dinalhan ka ngayon ng mga bata ng bulaklak
habang inaawit ang mga himig ng digma
sa mapulang dapithapon.
di sila nakalilimot.

---

Poem Written Beside a Peasant Comrade's Grave on the First Anniversary of His Death
Servando Magbanua ( 22 Marso 1979)

Today the children brought you flowers
unmindful of the violent rain
beating upon their backs
their lamentations and vows
of revenge no longer a sign of innocence.
Remember? It also rained
in your village that day
eight seasons ago when
they came from the cities
raw youths
with their crude inferior weapons
their social message
and sterling courage
bringing light
to centuries of ignorance –
a sharp contrast indeed
to the hacienderos who grabbed your lands
the bandits who plundered your homes
the constables who raped your sisters
and murdered your brothers. . .
So you listened
and wondered
and understood
and thus enlightened
also rose up in revolt
against the hunger
the wickedness
the genuflection
the filth. . . .
It was not hard then when
the moment came
to engage the enemy
in mortal combat
to choose
between self and self's death
between betrayal and honor
between that moment and forever.
Kasama! The day when we encircle
the enemy camp is still far off.
Today we are still concerned
with enlightenment and land reform
and hounding the ICHDFs to their graves.
We remain undaunted.
Today the children brought you flowers
singing hymns of battle
in the bloodred sunset.
They have not forgotten.

Friday, December 23, 2005

una furtiva lagrima- edel garcellano


i.
"Hindi gawang biro o kasiyahan ang magpinta ng iba't-ibang mukha ng kalungkutan. Anong salita kaya ang magsasaad ng lahatlahat?"

-Edel Garcellano

ii.
sa write-up ni jewel tungkol kay joni mitchell sa immortals edition ng rolling stone, pinahiwatig niya na ang dahilan ng pagiging magaling na manunulat/kompositor ni joni mitchell ay dahil sa isa rin siyang pintor.

iii.
sabi ng karakter ni emma thompson kay alan rickman sa love actually, "joni mitchell taught your cold wife how to feel."

iv.
"
Oh I am a lonely painter
I live in a box of paints
I’m frightened by the devil
And I’m drawn to those ones that ain’t afraid"
-joni mitchell, a case of you

v.
takipsilim iv
ni edel garcellano

Sa katagalan ng panahon, nawalan na rin siya ng dahilan
upang itanong sa sarili kung bakit lagi siyang sapupo ng kalungkutan.

vi.
"It’s coming on christmas
They’re cutting down trees
They’re putting up reindeer
And singing songs of joy and peace
I wish I had a river
I could skate away on"

-joni mitchell, river