pag nakakapanood ako ng the simpsons, hindi pwedeng hindi ko maalala 'yung isang byernes na bumaha sa amin nung grade 2 ako. tumirik yung kakaragkarag na kotseng minamaneho ng nanay ko kaya pinasundo niya ako sa pinsan ko. at bilang malilimutin, nasa bahay na kami nung napansin kong naiwan ko pala sa parking lot yung bag ko. kaya bukod sa pag-tow sa kotse, na-hassle din ang mga magulang ko para balikan ang naiwan kong bag sa school. at habang nagaganap ang patung-patong na kamalasan na iyun, prenteng-prente akong nanonood ng mga noo'y isa sa mga unang episode ng the simpsons. lampas 15 taon na palang nung nangyari yun. ngayon ko lang din na-realize na antagal pala bago nagkaroon ng movie version ang paborito kong cartoon--17 years. pero magkagayunman, hindi pa rin tumatanda sina bart at lisa, hindi pa rin nagdidivorce sina marge at homer, at di pa rin nakakapagsalita si maggie ( at may subo pa ring pacifier si maggie. pero antabayanan ang first word niya sa history ng the simpsons).
di naman nasayang ang paglalakad ko sa ulan papunta sa community cinema (hehehe) sa may amin para manood ng the simpsons movie. wala pa ring nagbago, andun pa rin yung biting sarcasm at pagtalakay sa mga nagbabagang isyu sa amerika (nagawa ko pa ngang i-connect sa anti-terror bill ang pakahulugan sa pelikula, hehehe). and i must say, i really love it. at mabuti na nga lang mag-isa lang ako sa row, kasi iyak lang ako nang iyak sa kakatawa at sa nostalgia.
eto, ang isang glowing review ni peter bradshaw ng the guardian. at eto naman ang isa pang blogentry tungkol sa pelikula.
2 comments:
Mabuti pa ang Simpsons cute sa screen samantalang si Hello Kitty parang pusang bloated. Wehehehehe.
SPIDERPIG! haha
Post a Comment