Tuesday, July 24, 2007

manananggal terrorizes manila*

photo courtesy of arkibongbayan.org




di pa nakuntento sa higit na 800 biktima ng extrajudicial killings, mas kahindikhindik pang mga halimaw ang pakakawalan ni gloria. sa isang banda ay kinukundena raw niya diumano ang mga pamamaslang, ngunit susog niya sa kabilang kamay ang hsa, na hindi lamang ang mga militante ang maaaring targetin kundi ang mga simpleng sibilyan. at sabi pa niya, "we do not fight terror with terror," bilang pagtanggi na maaring maghasik ng terorismo ang estado-- na sa katotohanan, ito ang pinakamabangis na porma ng terorismo.

lahat ng ito ayon sa sa kumpas ng pandaigdigang gera ng amerika laban sa terorismo ayon sa kanilang pakahulugan. sa pustura at pananalita pa lamang ni gloria, di maikakaila ang wangis ng pasismo. sa kabila ng mga ibinabandilang kaginhawang hatid ng mga impastratuktura ng super regions ay ang walang kapararaang pandarahas sa mga aktibista at maging sa mga pangkaraniwang mamamayan na sa tingin niya sagabal sa kanyang vision, "anyone [who] gets in the way of the national interest and tries to block the national vision. From where I sit, I can tell you, a President is always as strong as she wants to be." so marcosian. di na katakataka kung isa sa mga pumapalakpak sa session hall ay si imelda marcos.

--

ito na ang ikalawang sona na hindi ako sumama sa rali. magmula noong freshman ako sa diliman, hindi ako nagmimintis sa pagtambay sa harap ng ever gotesco. naisip ko rin namang dumaan kanina sa commonwealth pero di ko nagawa. antagal ko na ring di naaarawan.

---
*pasintabi kay jessica zafra

1 comment:

Anonymous said...

Tama ka don 'tol. bakit kasi ala pang 'tumanggal' dyan e... Sana may gumawa na nang 'sibat na gawa sa pilak' para sa mananaggal!

para sa masa