Tuesday, April 18, 2006

moving at the speed of life, we are bound to collide with each other*

(na-inspire ako sa blog ni kat, eto ang bersyon ko ng pangingilin sa katatapos lang na semana santa)

i.

isang eksena mula sa before sunset:


Jesse: You know, everything is irrevocably screwed up, and that things might be getting better in some ways.

Celine:Better? How could you possibly say that?

Jesse: Well, I just mean, you know... I mean, I know it sounds weird, but there are things to be optimistic about.

Celine: Okay... I know the book your is selling, which is great, I'm very happy for you, but... let me break the news for you, ok? The world is a mess right now!

Jesse: I wasn't saying that...

Celine: Ok, we're moving all our industry to developing nations. We can get cheap labor free of any environmental laws. Ok, the weapon industry is booming, Five million people die every year for preventable water disease. So, how is the world getting any better? I'm not getting angry, I'm not getting angry, but... come on, I want to know, I'm interested!

Jesse: Ok, I realize that there are a lot of serious problems in the world.

Celine: Ok, thank you!

Jesse: I mean, I don't even have one publisher in the whole Asian market.

Celine: Ok, all right. Say "stop it"!

Jesse: What, what? "Stop".( Celine flashes the finger in his face). No, look, all I'm saying is that there's more awareness out there, right? People are going to fight back! You know, I mean I think the world might be getting better because people like you are educated into speaking out. Even the very notion of conservation, environmental issues,those weren't even in the vocabulary until fairly recently, and now they're becoming a norm, and eventually might be what's expected all over the world!

Celine: I agree with what you're saying, but at the same time, it's dangerous! An imperialist country can use that kind of thinking to justify the economic greed. You know, human rights...

Jesse: What particular imperialist country you have in mind there, Frenchy?

Celine: No, not really (giggles)

ii.

magmula nang tumigil ako sa pagsisimba, dumaraan na lang na parang mga pangkaraniwang araw ang holy week. nung hayskul ako, ang inaantabayanan ko lang sa holy week ay ang pagpapalabas ng mga pinoy classics na mga pelikula sa channel 2 at sa cinemaone (pinoyblockbuster noon). pero paunti na ng paunti ang mga lumang pelikula nina brocka, bernal at mike de leon na pinapalabas at puro na lang mga star cinema/gma film flicks na lang ang ipinalabas nung huwebes at biyernes santo. napagbalingan ko ng panahon tuloy ang the hours ni jeeu. nanghiram ang tatay ko sa video shop ng walang kamatayang ten commandments, kaya sinabay ko na rin ang paghiram sa mga pelikulang matagal ko nang gustong panoorin gaya ng crash, school of rock, at (sa rekomendasyon ni kat) saved.

una kong pinanood ang crash. dark horse ang crash nung nakaraang oscars at tinalo ang favorite na brokeback mountain. hindi ko pa napapanood ang iba pang nominated na pelikula (sabi ng kenneth maganda raw ang goodnight and good luck ni george clooney) pero sa tingin ko deserving ang crash na manalo. sa totoo lang, wala sa tradisyunal na hulma ng mga pelikulang pang-oscars ang crash. ayaw ko pa noon panoorin ito dahil parang pang-action b-movie ang poster. alam kong tungkol sa racism ang pelikula pero hindi ko in-expect na halos lahat ng commonly “marginalized” na lahi ay pinakita: persians/arabs, blacks, latin-american, at chinese/asians. natuwa at nagalingan ako sa pelikula dahil wala itong pretense ng pagmamalinis. simple lang ang mensahe nito gayung sapin-saping kontradiksyon ang inilatag na mga premise: mito ang melting pot na binanggit sa speech na blonde and blue eyes.

matalas ang mensahe nitong tila kumukutya sa pluralista-demokratikong lipunan, mas malalim pa sa usapin ng ipokrisya. hindi ibig sabihin na conscious/ bahagi ng marginalized na sektor/ mulat/ potically correct ka ay hindi ka na makako-commit ng pagyurak sa karapatan ng iba. more than ever, relevant ang pelikulang ito laluna sinasabing ang hindi na lang kayang itolerate ng existing na lipunan na ito ay extremism, well in fact, kahit mga simpleng bagay ay hindi kayang ma-adapt ng sistema.

kung titingnan, halos lahat ng mga nominado sa best picture sa oscars ngayong taon ay issue-based (mula gender issue hanggang racial discrimination). reflective kaya ito ng pag-unlad ng hollywood o ng ligalig ng mga lipunan sa buong mundo sa panahong ito?

iii.

naistorbo ang panonood ko ng saved nung gabi ng good friday ng mga nagta-“tao po” sa labas ng bahay. ang totoo, mabibilang lang sa isa kong kamay ang mga taong nakapunta na sa bahay kaya nagulat ako nang pagsilip ko ay sina o, j-boy at j-girl ang nasa gate namin. napag-trip-an lang daw nilang magkita at niyaya nila akong lumabas. siyempre sumama ako dahil wala namang nangyayari sa akin sa bahay.

walang mga plano-plano. basta makakain lang at magpalipas oras. nahirapan kaming humanap ng tatambayan kasi una, nagkalat ang mga prusisyon sa paligid namin at sa dami ng tao, nahirapan kaming makatawid at makapunta sa destinasyon namin. at ikalawa, wala kaming mahanap na kakainan/tatambayan kasi sarado ang lahat ng mga kainan dahil nga sa good friday. mabuti na lang at may bukas na karinderiya at dun kami kumain ng pansit. matapos nun ay nagdecide kaming tumambay sa ilog. mas matagal pa yata kaming naglalakad sa kahaban ng riverpark kaysa sa tinagal namin sa damuhan. pero ok lang.

sa totoo lang, ngayon ko lang na-experience ang hometown ko ng ganito. parang hindi ko kasi masyado kilala ang bayan ko kahit na dito na ako lumaki at nagkaisip, habang marami sa mga taga-m--- ay proud na proud sa bayan namin. sayang ngayon ko lang ito na-realize, kasi mabilis nang nagbabago ang suburban m----. meron na ngang mall na walking distance lang mula sa bahay. siguro kelangan ko dalasan ang paglalakad sa labas para matagtag din ako at makapag-isip-isip. natatakot lang ako baka lumundag ako sa ilog at pagpiyestahan ako ng mga janitor fish.

pero siyempre nakakatuwa lang din na may nakakausap lang ako nung good friday. sa bahay kasi computer lang ang kaharap ko parati kaya kahit mga 90’s na laro sa pc ay pinapatulan ko. katulad ngayon. masarap mag-jologs sa mga panahong ito, at mukhang matatagalan bago ako uli maka-experience ng slack time.

kina o, j-boy at j-girl, sa uulitin.

iv.

ang purpose daw ng pagpapako at pagkamatay ni kristo ay para hugasan ang lahat ng ating pagkakasala. pero mas gusto kong maniwala sa katubusan na hatid ni kristo. mula sa uring manggagawa/ karpintero/ artisano daw si kristo (pero sabi ni j-boy hindi siya proletaryo kasi feudal pa noon at hindi pa nag-e-exist ang konsepto ng kapitalismo). naisip ko ang kasaysayan pala sa bibliya ( maging ang kasaysan ng mundo) ay kasaysayan ng katubusan at pagpapalaya. hindi si rizal at bonifacio ang unang nagdebate sa madugong pag-aaklas. ayon sa ilang paragraph ko pa lang na nababasa na essay on violence and church ng isang liberation theologian na pari sa pilipinas, ang kasaysayan naman daw sa lumang tipan ay tigmak ng karahasan at digmaan. hindi naman pala ganun kahirap i-reconcile ang konsepto ng rebolusyon at diyos. charot! sabi nga ng prof ko dati: ang pagrerebolusyon daw ay isang usaping moral.

v.

kuha ni jeeu. ang katubusan ay isang eskinita lamang sa may avenida rizal.

“Dahil minsan, ang umaga ay indigo, at pakiramdam mo, ang pag-ibig at katubusan ay isang sulat na magla-landing sa iyong paanan, pagkabangon mo mula sa iyong panaginip, pagkabukas mo ng pintuan. Pero huwag, huwag palilinlang, dahil ang sobre’y metapora lang.”
-dadadarna, sobresaliente

*tagline ng crash

4 comments:

adarna said...

napanood ko na finally ang before sunset noong holy week. syemps natuwa ako, tulad ng ipinangako mu.

sayang nga at papanoorin ko rin dapat ang crash kaya lang may topak yung dvd na nasa bahay. napanood na nilang lahat, ako na lang ang hinde, pero nung papanoorin ko na e lintik ayaw nang basahin ng player! haay.

ano pa nga ba? miss na kita. manood tayo ng pelikula. isama mu ako minsan sa kape-kapihan. kahit saan, ikaw naman ang mangaladkad. basta may oras ako, i'll sing you a waltz..

mwah!

guillerluna said...

oo. quality time na hindi na natin nagagawa nang matagal. nakakhingal talaga ang panahon. psensya na kung madaals pag kinokontak mo ako ay nasa galaan ako parati. siguro na burn-out lang ako kahit anatagal nang parang nakalutang...

John said...

jayson! send mo naman ang screenplay ng Before Sunset. di ko pala binasa ang (ii) at (iii) kasi baka may spoilers. sana mapanood ko na... naalala ko nung biyernes santo (pagkatapos ng aking mapagpanggap na visita iglesia) ay kumain kami sa jollibee. walang kasisi-sisi akong lumamon ng 2 pc chickenjoy + extra rice. ahehehe

Anonymous said...

bukod sa ilang unsavory characters e matulain naman talaga ang iyong hometown,hehe. in fact, sa ngalan ng pseudo-siyudad ninyo ay mayroon na akong (1) photo eksibit, (2-3) published poems, (2) articles, (1 bundle) personal pics, (countless) memories. charoz!

-anamorayta