Wednesday, April 26, 2006

static and silence


p gave me a cassette tape of this particular album as a gift when we were in fourth year high school. i just loved the melancholy whenever i played the album.


FOLK SONG

summer sky and a throat bone dry
and the fields are all gold
dusty lane with a song in my brain
and it stoned me to my soul
I climb high move towards the fire
blaze sun
silver trees and whispering breeze
are my sight and my sound
the thought of heaven couldn't drag me from the path
when I'm wandering here alone
I climb higher move towards the fire
so blaze sun
watch until it dies slow falling from the sky
pale fading sun


LEAVE THIS CITY

gone forever
the writing on the wall
they've boarded up the cinema
strawberry dreams and the dust-filled beams
shut down in a modern town
see you walking
see you talking
recollection
on streets you used to know
forgotten pleasure smoulder
images fade but the town won't let them go
sleepwalking
see you talking
feel the city inside you
leave this city behind you
drive wherever
the roads will take you to
down beside a river frozen brown
January days and their scarecrow trees
so cold - feel your ears burn
see you walking
see you talking
feel the city inside you
leave this city behind you
past and present
they converge on every side
the wires all get tangled
when now and then collide
bittersweet taste of a time and another place before
sleep walking
see you talking
feel the city inside you
feel this city define you
leave this city behind you


alone in the dark

"dark. mysterious. and pissed off. i could be very dangerous to you all. i am the enemy!"
-william miller, almost famous

"I feel certain that i'm going mad again... My life has been stolen from me. I'm living in a town I have no wish to live in... I'm living a life I have no wish to live... How did this happen? I would tell you that I wrestle alone in the dark, in the deep dark, and that only I can know. Only I can understand my condition. You live with the threat, you tell me you live with the threat of my extinction. Leonard, I live with it too."
- virginia woolf, the hours

Tuesday, April 18, 2006

moving at the speed of life, we are bound to collide with each other*

(na-inspire ako sa blog ni kat, eto ang bersyon ko ng pangingilin sa katatapos lang na semana santa)

i.

isang eksena mula sa before sunset:


Jesse: You know, everything is irrevocably screwed up, and that things might be getting better in some ways.

Celine:Better? How could you possibly say that?

Jesse: Well, I just mean, you know... I mean, I know it sounds weird, but there are things to be optimistic about.

Celine: Okay... I know the book your is selling, which is great, I'm very happy for you, but... let me break the news for you, ok? The world is a mess right now!

Jesse: I wasn't saying that...

Celine: Ok, we're moving all our industry to developing nations. We can get cheap labor free of any environmental laws. Ok, the weapon industry is booming, Five million people die every year for preventable water disease. So, how is the world getting any better? I'm not getting angry, I'm not getting angry, but... come on, I want to know, I'm interested!

Jesse: Ok, I realize that there are a lot of serious problems in the world.

Celine: Ok, thank you!

Jesse: I mean, I don't even have one publisher in the whole Asian market.

Celine: Ok, all right. Say "stop it"!

Jesse: What, what? "Stop".( Celine flashes the finger in his face). No, look, all I'm saying is that there's more awareness out there, right? People are going to fight back! You know, I mean I think the world might be getting better because people like you are educated into speaking out. Even the very notion of conservation, environmental issues,those weren't even in the vocabulary until fairly recently, and now they're becoming a norm, and eventually might be what's expected all over the world!

Celine: I agree with what you're saying, but at the same time, it's dangerous! An imperialist country can use that kind of thinking to justify the economic greed. You know, human rights...

Jesse: What particular imperialist country you have in mind there, Frenchy?

Celine: No, not really (giggles)

ii.

magmula nang tumigil ako sa pagsisimba, dumaraan na lang na parang mga pangkaraniwang araw ang holy week. nung hayskul ako, ang inaantabayanan ko lang sa holy week ay ang pagpapalabas ng mga pinoy classics na mga pelikula sa channel 2 at sa cinemaone (pinoyblockbuster noon). pero paunti na ng paunti ang mga lumang pelikula nina brocka, bernal at mike de leon na pinapalabas at puro na lang mga star cinema/gma film flicks na lang ang ipinalabas nung huwebes at biyernes santo. napagbalingan ko ng panahon tuloy ang the hours ni jeeu. nanghiram ang tatay ko sa video shop ng walang kamatayang ten commandments, kaya sinabay ko na rin ang paghiram sa mga pelikulang matagal ko nang gustong panoorin gaya ng crash, school of rock, at (sa rekomendasyon ni kat) saved.

una kong pinanood ang crash. dark horse ang crash nung nakaraang oscars at tinalo ang favorite na brokeback mountain. hindi ko pa napapanood ang iba pang nominated na pelikula (sabi ng kenneth maganda raw ang goodnight and good luck ni george clooney) pero sa tingin ko deserving ang crash na manalo. sa totoo lang, wala sa tradisyunal na hulma ng mga pelikulang pang-oscars ang crash. ayaw ko pa noon panoorin ito dahil parang pang-action b-movie ang poster. alam kong tungkol sa racism ang pelikula pero hindi ko in-expect na halos lahat ng commonly “marginalized” na lahi ay pinakita: persians/arabs, blacks, latin-american, at chinese/asians. natuwa at nagalingan ako sa pelikula dahil wala itong pretense ng pagmamalinis. simple lang ang mensahe nito gayung sapin-saping kontradiksyon ang inilatag na mga premise: mito ang melting pot na binanggit sa speech na blonde and blue eyes.

matalas ang mensahe nitong tila kumukutya sa pluralista-demokratikong lipunan, mas malalim pa sa usapin ng ipokrisya. hindi ibig sabihin na conscious/ bahagi ng marginalized na sektor/ mulat/ potically correct ka ay hindi ka na makako-commit ng pagyurak sa karapatan ng iba. more than ever, relevant ang pelikulang ito laluna sinasabing ang hindi na lang kayang itolerate ng existing na lipunan na ito ay extremism, well in fact, kahit mga simpleng bagay ay hindi kayang ma-adapt ng sistema.

kung titingnan, halos lahat ng mga nominado sa best picture sa oscars ngayong taon ay issue-based (mula gender issue hanggang racial discrimination). reflective kaya ito ng pag-unlad ng hollywood o ng ligalig ng mga lipunan sa buong mundo sa panahong ito?

iii.

naistorbo ang panonood ko ng saved nung gabi ng good friday ng mga nagta-“tao po” sa labas ng bahay. ang totoo, mabibilang lang sa isa kong kamay ang mga taong nakapunta na sa bahay kaya nagulat ako nang pagsilip ko ay sina o, j-boy at j-girl ang nasa gate namin. napag-trip-an lang daw nilang magkita at niyaya nila akong lumabas. siyempre sumama ako dahil wala namang nangyayari sa akin sa bahay.

walang mga plano-plano. basta makakain lang at magpalipas oras. nahirapan kaming humanap ng tatambayan kasi una, nagkalat ang mga prusisyon sa paligid namin at sa dami ng tao, nahirapan kaming makatawid at makapunta sa destinasyon namin. at ikalawa, wala kaming mahanap na kakainan/tatambayan kasi sarado ang lahat ng mga kainan dahil nga sa good friday. mabuti na lang at may bukas na karinderiya at dun kami kumain ng pansit. matapos nun ay nagdecide kaming tumambay sa ilog. mas matagal pa yata kaming naglalakad sa kahaban ng riverpark kaysa sa tinagal namin sa damuhan. pero ok lang.

sa totoo lang, ngayon ko lang na-experience ang hometown ko ng ganito. parang hindi ko kasi masyado kilala ang bayan ko kahit na dito na ako lumaki at nagkaisip, habang marami sa mga taga-m--- ay proud na proud sa bayan namin. sayang ngayon ko lang ito na-realize, kasi mabilis nang nagbabago ang suburban m----. meron na ngang mall na walking distance lang mula sa bahay. siguro kelangan ko dalasan ang paglalakad sa labas para matagtag din ako at makapag-isip-isip. natatakot lang ako baka lumundag ako sa ilog at pagpiyestahan ako ng mga janitor fish.

pero siyempre nakakatuwa lang din na may nakakausap lang ako nung good friday. sa bahay kasi computer lang ang kaharap ko parati kaya kahit mga 90’s na laro sa pc ay pinapatulan ko. katulad ngayon. masarap mag-jologs sa mga panahong ito, at mukhang matatagalan bago ako uli maka-experience ng slack time.

kina o, j-boy at j-girl, sa uulitin.

iv.

ang purpose daw ng pagpapako at pagkamatay ni kristo ay para hugasan ang lahat ng ating pagkakasala. pero mas gusto kong maniwala sa katubusan na hatid ni kristo. mula sa uring manggagawa/ karpintero/ artisano daw si kristo (pero sabi ni j-boy hindi siya proletaryo kasi feudal pa noon at hindi pa nag-e-exist ang konsepto ng kapitalismo). naisip ko ang kasaysayan pala sa bibliya ( maging ang kasaysan ng mundo) ay kasaysayan ng katubusan at pagpapalaya. hindi si rizal at bonifacio ang unang nagdebate sa madugong pag-aaklas. ayon sa ilang paragraph ko pa lang na nababasa na essay on violence and church ng isang liberation theologian na pari sa pilipinas, ang kasaysayan naman daw sa lumang tipan ay tigmak ng karahasan at digmaan. hindi naman pala ganun kahirap i-reconcile ang konsepto ng rebolusyon at diyos. charot! sabi nga ng prof ko dati: ang pagrerebolusyon daw ay isang usaping moral.

v.

kuha ni jeeu. ang katubusan ay isang eskinita lamang sa may avenida rizal.

“Dahil minsan, ang umaga ay indigo, at pakiramdam mo, ang pag-ibig at katubusan ay isang sulat na magla-landing sa iyong paanan, pagkabangon mo mula sa iyong panaginip, pagkabukas mo ng pintuan. Pero huwag, huwag palilinlang, dahil ang sobre’y metapora lang.”
-dadadarna, sobresaliente

*tagline ng crash

Thursday, April 06, 2006

paris when it sizzles




long overdue na ang entry na ito. tungkol pa dapat ito sa naganap na french riots ng mga immigrant youth sa outskirts ng paris. pero mukhang maganda ulit itong pagkakataon para muling maisulat. wala pa kasing isang taon ang nagdadaan, milyun-milyong kabataan at manggagawa ang muling nagprotesta sa lansangan ng paris at sa buong france para manawagan sa pagbabasura ng bagong batas sa paggawa. hindi ko tuloy maiwasan maihalintulad ang mga nagaganap na ito noong 1960s sa Paris kung saan sumiklab din ang malawakang rioting sa paris. kakapanood ko pa namn ng the dreamers ni bertolucci nitong nakaraang marso.

a la theo at isabel mula sa the dreamers, pero this time totoo



pero siguro ito na rin naman ang tamang pagkakataon para pag-usapan ito. napakarelevant din kasi ng issue na ito sa atin. panahon na naman kasi ng graduation (at hindi ako kasama sa mga gagaraduate) at malaking bilang na naman ang madadagdag sa statistics ng unemployed ang mga kabataan. mayor kasing usapin sa bagong batas ng france ay ang optional na pagteterminate ng mga kompanya sa mga empleyadong kabataan (26 years old pababa) ng walang sapat na batayan kung lumampas na ito sa takdang dalawang taong pagtatrabaho . ang rationale ng gubyerno ng france, sa pangunguna nina villepin at chirac (afraid parliamentary system sila, baka ganito rin ang mangyari kung maaprubahan ang chacha, or worse) ay matutugunan daw ng batas na ito ang mataas na unemployment rate sa bansa. mas maaccomodate daw ng industriya ang mga kabataan sa ganitong sistema dahil sa mas maikli ang panahon na maari silang magsilbi sa mga kumpanya.

hindi kakaiba ang batas na ito sa mga patakarang ipinapatupad sa bansa natin. katunayan, mas malala ang batas paggawa sa pilipinas o ang tinatawag na herrera law (kakatwa na tinatawag ni boy herrera ang sarili bilang unyonista at para sa mangagawa). sa batas na ito, pinapahintulutan ng pamahaalaan ang kontraktwalisasyon. ang mas karumaldumal pa dito ay anim na buwan lamang ang palugit kung saan may option ang mga employer na i-renew o tanggalin ang isang empleyado. di tulad sa france, walang sinisino ang batas na ito. hindi lamang kabataan ang tatamaan, kahit sinong manggagawa ay saklaw ng mapagsamantalang batas na ito regardless of age, ika nga.

parehong nahaharap ang dalawang bansa sa tumataas na bilang ng mga unemployed taun-taon. at lagi't laging paling ang mga solusyon ang ipinapataw ng mga pamahalaan. sa kaso ng pilipinas, ipinagmamalaki ng administrasyong arroyo na umaabot sa 103, 000 ang nabigyan ng trabaho sa mga nagsulputang call centers sa bansa. malaki daw ang naitutulong nito sa pag-unlad ng ekonomya. pero ang simpleng mag-aaral ng kahit na liberal na economics 101 ay alam na hindi na binibilang sa gross domestic product ang kinikita sa call center, tulad ng mga ofws dahil itinuturing na outsourcing ito ng mga kumpanya ng iba't ibang bansa.

ang kalunos-lunos pa dito, maging ang mga propesyunal ay naitataboy sa pagko-call center (kahit ako ay natetempt na minsan na mag-apply dahil sa kahirapan ng buhay). hindi na nga nakakapag-contribute sa pag-unlad ng bansa, hindi pa lalo sa pagpapaunlad ng mga empleyado. totoong nakakatugon ito sa maraming pangangailangan ng mga empleyadol at ng kanilang pamilya. pero hindi nito naitutulak ang bawat indibidwal na umunlad ayon sa kanilang skills at training na napag-aralan ng matagal na panahon sa paaralan. matagal nang basag ang mito na ang pag-iingles ay sukatan ng pagiging marunong ng isang tao. naaalala ko tuloy ang titser ko sa english nung high school. sabi niya, nakakabobo raw ang pagtatrabaho sa pabrika ng kendi kung saan napaka-mekanikal ng mga gawain. wala namang pinagkaiba ito sa call center kung saan ang pagiging pasensyoso at matiyaga ay bahagi ng isang mekanikal na proseso ng pagsagot sa telepono o paghanap ng mga posibleng kustomer sa amerika. isang kaibigan ko nga ang nagsabing naging masungit at maiinitina ng ulo niya magmula nang nagcall center siya. pero hindi naman niya maikakaila na kumikita siya mula rito. pero alam naman nating hindi ito sasapat para tugunan ang laganap na kahirapan sa bansa.

nakagalit pa ang sinabi ni trade secretary favila na kaya marami raw ang walang trabaho ay dahil sa mapili raw ang mga pinoy. parang gusto niyang sabihin na kunin na lang kung anong meron at ipiangkakaloob ng pagkakataon. mahirap tayo kaya wala tayong choice. kaputahan!

sa france kung saan nakaamba na ang pagbabago batas paggawa kaugnay ng mga batang empleyado, nag-aapoy na ang galit nila. patunay ang milyun-milyong nagprotesta. mangilan-ngilan pa nga ang naging bayolente at gumagamit ng molotov para ipadama nila ang silakbo ng kanilang galit sa isang pamahalaang nagtatangkang supilin ang kanilang demokratikong karapatan para magtrabaho. habang sa bansa natin, mas malala na ang usapin kung saan sagad-sgarang tinatalikuran na ng gubyerno ang tungkulin nito sa mamamayan sa pamamagitan ng nakaambang ChaCha, patuloy pa nitong sinusupil ang karapatan ng mamamayang lumalaban sa pamamagitan ng mga pagpaslang sa mga aktibista at sa pagpasa ng anti-terrorism bill sa kongreso.

sa mga susunod na araw, ako mismo ay nangangailangan nang sumabak sa paghahanap/pagtatrabaho. ilang linggo na lang ay mayo uno na naman. sana matularan natin ang nag-aalab na pagtutol ng mga pranses sa anumang pagtatangkang sikilin ang ating karapatan hindi lamang sa paggawa kundi para mabuhay nang marangal.

hanggang sa maunawaan ng mga taong nakapaligid sa atin na wasto ang pakikipaglaban. na higit sa lahat, wasto ang pakikibaka para sa isang mas maaliwalas, makatarungan at mas malayang bukas(pero pwedeng i-delete ang "mas" kasi hindi naman talaga maaliwalas, makatarungan at malaya ang kasalukuyang lipunan). gaano man ka-ideyalista/romantiko ang ating pananaw. hanggang sa hindi na lamang sinematiko ang pakikipagtunggali kundi isang katotohanang dapat na isabuhay. at ang isang hakbang nito ay ang pagpapatalsik kay arroyo na numero unong sagka sa pag-unlad hindi lamang ng bansa kundi ng bawat indibidwal. (charot! ahahahaha. para maka move on na di ba?)

(ang mga litrato ay nagmula sa website ng bbc)


Tuesday, April 04, 2006

still against the grain


kuha ni castro (peb 14 '06 sa soccer field)

andito pa naman ako... in the fringes... on the edge... and off the avenue

left of center
(suzanne vega)

If you want me
You can find me
Left of center
Off of the strip

In the outskirts
In the fringes
In the corner
Out of the grip

When they ask me
"What are you looking at?"
I always answer
"Nothing much" (not much)
I think they know that
I'm looking at them
I think they think
I must be out of touch

But I'm only
In the outskirts
And in the fringes
On the edge
And off the avenue
And if you want me
You can find me
Left of center
Wondering about you

I think that somehow
Somewhere inside of us
We must be similar
If not the same
So I continue
To be wanting you
Left of center
Against the grain

If you want me
You can find me
Left of center
Off of the strip
In the outskirts
In the fringes
In the corner
Out of the grip

When they ask me
"What are you looking at?"
I always answer
"Nothing much" (not much)
I think they know that
I'm looking at them
I think they think
I must be out of touch

But I'm only
In the outskirts
And in the fringes
On the edge
And off the avenue
And if you want me
You can find me
Left of center
Wondering about you
Wondering about you