kay Lukas Lazaro
natuklap ang dingding ng aking kuwarto
nung isang taon
kasabay niya akong nahubdan
iginuhit ko sa kaniyang dibdib
ang pagtibok ng aking puso
isinulat ng aking mga daliri
sa lawak ng kanyang saklaw
ang aking mga panaginip gabi-gabi
ibinulong ko sa kinutkot kong butas
ang mga sugat kong nagnaknak
madalas niyang patuyuin ang maalat kong luha
natikman na niya ang pait ng aking kamao
sa tuwinang nangungulila
nilalapat ko ang aking pisngi
sa manhid niyang balikat
ngayong gabi, malamig ang pader
Kalye Burgos, Sto Nino
1 comment:
Ang ganda ng tula mo. Naalala ko nung nag-aaral pa 'ko sa UPLB.
Post a Comment