Tuesday, May 04, 2004

Moving on
ipagpapaliban ko muna ang pet kong entry na xerox republic. gusto ko munang i-allot ang espasyong ito sa mga kaibigan ko.ayoko na nga ng pormal. stream of consciuosness na lang para madali.



We never thought we'll make it this far...

Naalala ko habang binabasa ng blog entry ni Hender ang mga gabing masasaraduhan na kami sa SM. Ako si Jenny, si JP at si Hender. pinapatay lang namin ang mga oras. kebs kung mapagalitan. As usual si JP ang unang nagyayang umuwi. Tapos sabay kaming magbu-bus pa Cubao.

Minsan nami-miss ko ang mga kabaliwan namin, ang pamimintas ni Hender, ang sarcasm ni JP ang kawalan ko ng pakialam sa katawan, ang hagikgik ni Jenny.

Natapos ang mga gabing iyon nang magsimula akong lumubog sa pakikisangkot sa mg isyung panlipunan. lalo pang hindi ako naksama sa kanila dahil may isang taon ko rin g binoykot ang SM para makiisa sa mga manggagawa. At sa mga panahong iyon, maraming kwentuhan ang naipon pero hanggang ngayon ay hindi pa naikukuwento sa isa't isa. Marami na ngan nagbago. Dahil marami nang dapat magbago.

Habang ang ilan ko pang mga kaibigan ay unti-unti na ring narerealize kung saan sila pupunta: si Ria ata mag-ti-teacher, si Jenny kakatok ng pinto, si Bea hanggang second sem pa, si Ablir kina-career ang pagkanta, si fadul at iba pa ay hindi ko na in alam ang plano sa buhay, si Leonard magsisilbi sa Cotabato, ako pinili kong pandayin ang sarili sa larangang alam ko.

Pero alam naman nilang hindi para sa an ito. At maraming salamat sa kanilang naniniwala pa rin. Nag-aalala (o feeling ko nag-aalala) para sa akin. Akong bahala. kakayanin ko 'to. At balang araw, manlilibre rin ako, kapag kaya ko na.

Para sa inyo, sa mga oras na hindi natin kayang pagsaluhan.


No comments: