Hindi ko inaasahan na may babasa at papatol dito.
I think hindi Masscom ang college ni pat(wow, first name basis), speech com siya.
And I really think she deserves to win, no question about that, CONSIDERING kung sinong mga BANSA ang nagsponsor at anong mga institusyon ang nag-judge sa kanya. Spontaneous na lang ito, at hindi ako kasing articulate niya (well aminado akong di ako fluent sa english).
ngunit (may malaking ngunit), may maraming tanong ang pinost ng kanyang speech, yung validity ng mga arguments niya at 'yung truth na kailangang i-interrogate. unang punto, borderless na nga ba ang mundong ito? are we benefiting from this borderless (o illusion kung may presumption nga siyang illusion lang) world? ibig sabihin ba ng borderless ay territorial lang o pati na rin ang class?
maaring totoong borderless na ang mundong ito sa sinomang access ng teknolohiya para sabi nga ni ms. evengelista ay makapunta sa kabilang panig ng mundo sa loob lamang 12 oras. kaya mo nang i-text ang ama mong nagkandarakuba sa saudi dahil "democratize" na ang information through sms (thanks but no thanks kay john o). pero, homogenizing ang experience na ito considering bulk pa rin naman ng mga pilipino ay nasa periphery, at nagsasaka. there are about 20 milion subscribers of both smart and globe at may 60 million pang hindi kinakalyo ang kamay sa pagtetext.
pinasisinungalingan din nito na ang katotohanan na lumalaki pa ang agwat ng mga uri sa lipunan. paano mo masasabing may borderless ang isang mundong may problema pa rin sa agrarian reform sa kanayunanat demolition sa urban setting? Borderless nga bang maituring ang isang mundong naghahasik pa rin ng digmaan sa iba't ibang bansa in the name of the so called war against terrorism? hindi ba't border na maituturing ang paglelabel ng kung sinong terorista at kung sinong hindi. Culturally, borderless rin bang maitutring kung ang isang pilipina ay naabuso sa hongkong bilang isang domestic helper? kung sa sarili naman nating bansa pa lang, discriminated na ang mga indigeneous people na ginugulangan sa bawat pakikipag-ugnayan nila sa mga taong "sibilisado." Nitong eleksyon nga lang ay ikinulong ang mga itong parang mga hayop.
Malinaw pa sa guhit ng mga papel ang nagtatakda ng mga kalalagyan ng mga tao kahit dito pa lang sa pilipinas. the fact na ang ruling elite pa rin ang naghahari sa panahon ng election (predominantly although may sites of struggle pa rin katulad ng paty-list system at ang pagkapanalo ni grace padaca ng isabela over the tyranny of the dys) ay nagtatatwang mayroon ngang homogeneity ng mga tao politically and economically speaking.
hindi ako against sa mga taong nagtratrabaho sa ibang bansa. ang katotohanang ang bansang ito ang nagtutulak sa kanila para magtrabaho sa labas dahil wala itong ma-i-provide na trabah sa kanyang mga propesyonal o kahit na mga manggagawa mismo. na ang kahirapan pa rin naman ang numero unong rason kung bakit sila nasa ibang bansa. ipokrito ang gobyerno sa paghirang nito sa mga ofws bilang bagong bayani kung sa kabilang banda ay ipinuputa nito ang kanyang mga mamamayan sa foreign corporations o individuals.
unconciously, walang alam ang mga tao , kahit ako hindi magmamalinis na hindi aalis sa bansang ito, na ipinuputa nga tayo ng estado dahil legitimizing nga naman ang pang-aalok ng masaganang buhay, na parang daily occurence na lang ang pag-alis ng mga nanay ng mga bata sa pilipinas para manghimod ng dayuhang kuyukot, kasing normal na rin na pag-uwi ng bangkay ng isang napatay na pinoy dahil sa pang-aabuso o di naman kaya sa hazard ng pagtatrabaho nila sa ibang bansa tulad ng madamay sa digmaan sa ibang bansa. ang totoo, maging ang ate at nanay ko ay nagbabantang tumanggap ng trabahong caregiver sa ibang bansa, na kung tutuusin ay beneficial sa akin, at hindi ko na kailanagng magmadaling grumaduate at makakuha ng trabaho para may ipangtustos sa pamilya.
at bakit nga naman hindi matutuwa ang mga bansang tumanggap din ng mga pinoy na naglilimos ng trabaho. ang 50,000 kada buwan ay tiyak na papatusin ng isang pinoy (o mismong ako) na lubos na mas mababa kung ikukumpara sa pasahod ng mga locals (ng mga bansang nag-e-empleyo). Ang sagot naman ng pamahalaan ay creation ng mga jobs tulad ng paborito nating trabaho kung kaya kaya nating makipagpitpitan ng eyebags: ang call center. siguro alam naman natin ang dahilan ng outsourcing ng industriyang ito, na pinapatos natin dahil relatibong mataas na ang pasahod nito kahit hindi commensurate sa ginugol nating panahon at pag-aaral sa loob ng paaralan.
paano nga naman kasing hindi uunlad ang pilipinas para masuportahan nito ang kanyang mga graduates kung naka-depend ito sa investors na ang pang-alok din lang naman ay cheap labor. hindi oriented sa national industrialization maging ang ating edukasyon na nakatuon na lang sa specialization na nagreresulta ng pagiging semi-skilled natin. na naturalize na sa atin na ang orientation ng ating pag-aaral ay para kumita, na materially objective namang pagtingin, ngunit labas pa ito sa holistic development. legitimization ng mga occurences ang sandata nila para ma normalize ang mga ganitong practice para sa gayon ay magconform tayo.
sa ganitong konteksto ko isasaad ko ang aking pananaw patungkol punto ng kanyang speech na nationalism sa panahong isang borderless world. una, legitimized ang cause ng nationalism while serving foreign institutions dahil sa ganitong paraan nakakapagpadala ka ng remittances (hindi ba't mas malakli ang ganansya ng estado kung hindi lang remittances ang tinatanggap niya sa atin?).
at ang ilusyon ng isang borderless world, sa pagsasanatural nito ng penomenon ng globalization (inevitable daw ayon sa lahat ng presidentiables nitong nakaraang eleksyon), may blurring ng territories (thus wala ng tax sa bawat pagpasok ng import) pero may mga policies pa ring sumasagka para mutual ang relasyon sa panahon ng globalization (na malabong mangyari dahil ang nagse-set ng policy ay ang mas dominant, thus another example ng power relations). may illusion din na may dispersal ng resistance among industrializing countries (third world) dahil walang iisang mukha ang oppressor. dahil dito, totoong hindi na lang isang sweeping na white christmas ang pangarap natin (ang totoo ang ibang mga tao sa kanayunan kahit apple ay hindi pa nila na-se-sense kundi sa mga blackboard na mayroong nakalagay na a-for-apple).
sa panahon ng globalization, sa isang borderless world, at dispersal of resistance, pwede tayong maging agent ng social change nang hindi nagiging kaaway ng estado. wala na ring banta sa mga buhay ng mga progresibo sa tuwing sila'y nag-iispi. ngunit hindi it ang realidad ng ating henerasyon. hindi totoong lipas na ang binabandilang ideyolohiya ng nakaraan. prevailing pa rin naman anmg mga kundisyon sa lipunan ngunit sa ibang porma nga lang na may ilusyong ang mga bagay ay sites of struggle, without the guilt ika nga.
to actually acknowledge this borderless world is to justify if not legitimize the fact that we want to experience this borderless world without being labelled as reactionaries. hindi ko kine-claim na mulat ako or something. ang gusto ko lang i-point out na hindi lang ito ang katotohanan sa isang mundong tigmak ng kontradiksyon. hindi kasi ma-si-simplify ang nationalism sa pagbabalik lang ng kung anong pataba ang ibinigay ng bayang ito sa atin, kundi pa ano natin hinhawan ang landas nito para hindi na nito kailangan pang umasa sa mga investors o kung may bibili ba sa mga raw materials nito o tatanggap ba sa mga nawalan ng trabaho. Hindi rin ako nagmamalinis na hindi ako minsang nangarap ng isang malamig na taglagas sa bangketa ng new york. pero ito ang katotohanan.
Hindi ko masisi si Patricia Evangelista. Kahit ako, kung kaya kong makipagtagisan ng dila sa mga dayuhan at gusto kong manalo, sasabihin ko rin ang nasabi niya. Pero kung ang totoo ang sasabihin ko, malayo sa panalo ang masasabi ko (i-exclude na natin ang aesthetics kung paano ko siya i-verbalize).
just thinking aloud.
pasensya na sa mahaba-habang litanya. minsan lang ito. sulitin ko na.
Thursday, May 27, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment