Thursday, July 26, 2007

Springfield

si guilly, alter ego ko sa springfield

pag nakakapanood ako ng the simpsons, hindi pwedeng hindi ko maalala 'yung isang byernes na bumaha sa amin nung grade 2 ako. tumirik yung kakaragkarag na kotseng minamaneho ng nanay ko kaya pinasundo niya ako sa pinsan ko. at bilang malilimutin, nasa bahay na kami nung napansin kong naiwan ko pala sa parking lot yung bag ko. kaya bukod sa pag-tow sa kotse, na-hassle din ang mga magulang ko para balikan ang naiwan kong bag sa school. at habang nagaganap ang patung-patong na kamalasan na iyun, prenteng-prente akong nanonood ng mga noo'y isa sa mga unang episode ng the simpsons. lampas 15 taon na palang nung nangyari yun. ngayon ko lang din na-realize na antagal pala bago nagkaroon ng movie version ang paborito kong cartoon--17 years. pero magkagayunman, hindi pa rin tumatanda sina bart at lisa, hindi pa rin nagdidivorce sina marge at homer, at di pa rin nakakapagsalita si maggie ( at may subo pa ring pacifier si maggie. pero antabayanan ang first word niya sa history ng the simpsons).

di naman nasayang ang paglalakad ko sa ulan papunta sa community cinema (hehehe) sa may amin para manood ng the simpsons movie. wala pa ring nagbago, andun pa rin yung biting sarcasm at pagtalakay sa mga nagbabagang isyu sa amerika (nagawa ko pa ngang i-connect sa anti-terror bill ang pakahulugan sa pelikula, hehehe). and i must say, i really love it. at mabuti na nga lang mag-isa lang ako sa row, kasi iyak lang ako nang iyak sa kakatawa at sa nostalgia.

eto, ang isang glowing review ni peter bradshaw ng the guardian. at eto naman ang isa pang blogentry tungkol sa pelikula.

Tuesday, July 24, 2007

manananggal terrorizes manila*

photo courtesy of arkibongbayan.org




di pa nakuntento sa higit na 800 biktima ng extrajudicial killings, mas kahindikhindik pang mga halimaw ang pakakawalan ni gloria. sa isang banda ay kinukundena raw niya diumano ang mga pamamaslang, ngunit susog niya sa kabilang kamay ang hsa, na hindi lamang ang mga militante ang maaaring targetin kundi ang mga simpleng sibilyan. at sabi pa niya, "we do not fight terror with terror," bilang pagtanggi na maaring maghasik ng terorismo ang estado-- na sa katotohanan, ito ang pinakamabangis na porma ng terorismo.

lahat ng ito ayon sa sa kumpas ng pandaigdigang gera ng amerika laban sa terorismo ayon sa kanilang pakahulugan. sa pustura at pananalita pa lamang ni gloria, di maikakaila ang wangis ng pasismo. sa kabila ng mga ibinabandilang kaginhawang hatid ng mga impastratuktura ng super regions ay ang walang kapararaang pandarahas sa mga aktibista at maging sa mga pangkaraniwang mamamayan na sa tingin niya sagabal sa kanyang vision, "anyone [who] gets in the way of the national interest and tries to block the national vision. From where I sit, I can tell you, a President is always as strong as she wants to be." so marcosian. di na katakataka kung isa sa mga pumapalakpak sa session hall ay si imelda marcos.

--

ito na ang ikalawang sona na hindi ako sumama sa rali. magmula noong freshman ako sa diliman, hindi ako nagmimintis sa pagtambay sa harap ng ever gotesco. naisip ko rin namang dumaan kanina sa commonwealth pero di ko nagawa. antagal ko na ring di naaarawan.

---
*pasintabi kay jessica zafra

Saturday, July 14, 2007

Mystery White Boy


My, oh my! Jeff Buckley biopic is in the works. Read article here. And here. And here.

Monday, June 04, 2007

waking life

celine at jesse sa waking life


"I am more afraid of losing consciousness
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness."
-eric gamalinda, subterranean


nung wednesday ko lang na-realize na tapos na pala ang klase namin sa mowel. dahil makulimlim at katatapos lang ng ulan, mabilis akong tinablan ng lungkot. kahit papaano ay naging escape ko ang pagpasok sa klase sa highly-mechanized na routine ng trabaho. marami rin naman akong natutunan at naging kaibigan sa klase at sa production. isa siguro sa mga dahilan ko sa pag-enrol sa workshop ay ang malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin. hindi man ito nasagot sa pagtatapos ng workshop, kahit papaano nababalik na ang passion ko sa ilang mga bagay. nagawa kong bunuin ang mga klase (may isa akong absent) kahit na lagi akong kulang na kulang sa tulog sa loob ng dalawang buwan. ngayon tapos na workshop, humahanap muli kami ni E ng distraction-- para lamang matawid ang mga buwang ilalagi pa namin sa trabaho.

na-realize ko rin na kulang na kulang pa rin ang nalalaman ko sa pagsusulat at sa pagpepelikula. amdami pa akong hindi nababasa, madami pang di napapanood. tila kailan lang (hay lampas kalahating dekada na pala) nang mag-umpisa akong mangolekta ng mga libro at pelikula. kaya nga halos maubos ang sweldo ko nang mamakyaw ko ng dvd sa metrowalk nung thursday. ok lang, for educational purpose naman.

---

pinahiram ng isang kaklase sa workshop ang vcd niya ng waking life sa akin . matagal na rin akong naghahanap ng kopya nito, laluna't nauna na akong binaliw ni richard linklater sa before sunset at sunrise at a scanner darkly. pero siguro tama na ring sa edad na eto ko mapanood ang waking life, sa puntong hindi na ako masyado mangmang sa pilosopiya ng existentialism (hay naku, hindi simpleng being and becoming ang usaping ito kaya hindi madaling mag-claim na ang isang indibidwal na siya'y existential at/o existentialist), mga sulatin ni sartre, santayana at benedict anderson. pero sa totoo lang, maraming bahagi pa rin ng pelikula ang pinaulit-ulit ko para ganap na maintindihan. panahon na siguro talaga para muling magbasa. kahit sa wikipedia na lang muna in between tasks sa opisina. hehehe. kung magkapera ako (operative word: kung), sana makapagsubscribe ako sa mga online library. ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ko napuno ang library card nung nag-aaral pa ako.

---

bukod sa waking life, ito ang ilan sa mga bagay na nakagiliwan ko sa mga nakalipas na linggo:

history boys, maya deren's meshes of the afternoon at slavoj zizek's pervert's guide to cinema

(lahat ito ay courtesy of s' and e's multi-media library. salamat nang marami sa pagpapaambon ng cultural capital)

jeeu, tapos ko na ang heroes, at oo, hindi rin ako satisfied sa season finale.

Thursday, May 10, 2007

kabataan, tayo naman sa kongreso!




KA - Karapatan sa Edukasyon at Empleyo (Right to Education and Employment)
BA - Batayang Serbisyong Panlipunan (Basic Social Services)
TA - Talino at Galing sa Pamamahala (Excellence in Governance)
AN - Anak ng Bayan para sa Maningning na Kinabukasan (Sons and Daughters of the Nation for a Bright Future)

Our future IS our choice.

This coming May 14, vote for honest officials, for principled leadership and for change. Now more than ever is the time for the youth to be involved.

Vote for KABATAAN PARTY-LIST. Tayo naman sa Kongreso!

Tuesday, April 17, 2007

"today i am a small blue thing... i am cool and smooth and curious."

"If I am honest I will admit tha t I have always wanted to avoid love. Yes give me romance, give me sex, give me fights, give me all the parts of love but not the simple single word which is so complex and demands the best of me this hour, this minute, this forever."
- Jeanette Winterson, The Poetics of Sex

tiyempong tinext ang quote sa itaas ng isang kaibigan noong linggong tinatapos kong basahin ang written on the body ni jeanette winterson. may isang punto habang binabasa ko ang nobela ni winterson ay napapaluha na ako. hindi dahil sa na-touch ako o naka-relate sa kuwento kundi dahil sa galing ni winterson magsulat. na may taong tulad niya na magagawang magsulat ng ganoon ka-passionate.

napapaisip tuloy ako, nais kong ipaligid sa akin ang mga bagay na makabubuhay muli sa akin. madalas, pag nararamdmaan ko ang pamamanhid, ang kawalang pandama, naiisip ko kung kelan ba ako naging ganito. kay nga laking pasalamat ko dahil kahit na monotonous at paulit-ulit ang ginagawa ko ngayon ay nakakapagbasa uli ako. kahit sa ganoong paraan man lang muli akong makadama. kahit manghiram muna ako ng damdamin mula sa mga likhang tauhan sa mga binabasa ko ngayon. hanggang sa magawa ko muling ganap na makadama. baka sa ganitong paraan lang ako muling bubukas sa lahat ng posibilidad. at magawa ko ring tumawid sa pedestrian overpass sa Nepa-Q Mart o tumayo sa gilid ng bangin.

---

natapos ko nang basahin ang script ng the hours na pinahiram sa akin ni C. naaalala ko lang ang mahabang panahong binuno ko sa pagbabasa ng nobela. sa isang bahagi ng nobela, nagkaroon ng reyalisasyon si Clarissa Vaughan nang balikan niya ang nakaraan nila ni Richard. Nung mga panahong magkakasama sila, naisip niya na maaring yun ang simula ng panahon ng kaligayahan. matapos ang halos tatlong dekada, saka lamang dumating sa isip niya na iyon na mismo ang kaligayahan.

---

ilang oras palang ang nakakalipas habang sinusulat ko ito, naganap ang pinakamasahol na campus shooting rampage sa kasaysayan ng US. humigit kumulang 30 estudyante ng Virginia Tech ang walang habas na pinagbabaril. parang yung naganap sa Columbine ilang taon pa lamang ang nakararaan. tila minu-minuto mas nagiging delikado ang mundong ito para kaninuman. normal na sigurong maging sinikal laluna sa mga balitang tulad nito.

---

paborito kong kanta ngayong abril:

Small Blue Thing
by Suzanne Vega

Today I am
A small blue thing
Like a marble
Or an eye

With my knees against my mouth
I am perfectly round
I am watching you

I am cold against your skin
You are perfectly reflected
I am lost inside your pocket
I am lost against
Your fingers

I am falling down the stairs
I am skipping on the sidewalk
I am thrown against the sky

I am raining down in pieces
I am scattering like light
Scattering like light
Scattering like light

Today I am
A small blue thing
Made of china
Made of glass

I am cool and smooth and curious
I never blink
I am turning in your hand
Turning in your hand
Small blue thing