Wednesday, June 29, 2005

antala at kaligta

habang naghahanap ng mga kakailanganin para sa aking mga completions sa limang subject napatid ko ang videoclip ni joma sison habang binabasa ang salin ng kanyang tulang sometimes the heart yearns for mangoes. kung hindi ako nagkakamali salin ito ni gelacio guillermo.

nalungkot ako habang pinapanood ko, kaya, ayun, tinranscribe ko.

sometimes the heart yearns for mangoes

paminsan-minsan sabik ang puso

sa mangga kung nariyan ang mansanas

sa init kung nariyan ang ginaw

sa mabundok na kapuluan

kung nariyan ang kapatagan

kay layo ng kaib’han sa tahanan

at sa daloy ng mga kaibigan at kamag-anakan.

ang mga di kinasanayan at kinasasanayang

bagay at lugar na naghuhudyat

sa hapdi ng mga patid na ugnayan

ang mga kawalang dulot ng antala at kaligta.

direct dialing at fax machine

computer disc at video cassette

mga bisitang lulan ng supersonic jet

ay bigong paglapitin ang agwat

ng mga aral na pagpapamalas

at mga kaalwaan sa tahanan.

may mga kasama at kaibigang

nakakapagpa-ibig sa lupang dinayuhan

subalit sila’y may sariling gawi

may sariling buhay

na di abot ng pang-unawa at pakialam ng dayuhan.

silang ibig ipagkait sa distiyero

ang tahanan, mga kaibigan at kamag-anakan

ang buhay, katawan at kalayaan

ay sila ring pinakamaingay

na siya raw ay nakalutang

sa dagat matapos siyang hugutin

sa lupang pinag-ugatan

ang distiyerong may layunin

ay patuloy na nakikibaka

para sa inang bayan

laban sa nagpalayas sa kanya

ang mga mapagsamantala,

at kahit tiyak na nananahanan

sa kanyang bayan at sandaigdigan.

Friday, June 24, 2005

walang panahon

paumanhin. paminsa-minsan lang naman ito. i-re-relaunch pala siya. hopefully baka next week.

Kung hindi ngayon, kailan?
ni Marijoe Monumento


ANG BAWAT sandali ay panahon ng pagpapasya at “walang panahon para sa pananahimik.”

Hindi kataka-takang mabasa ang pahayag na ito mula sa mga pahina ng Philippine Collegian, ang prestihiyoso-notoryus (?) na opisyal na pahayagan ng mga estudyante sa UP (Unibersidad ng Pilipinas) sa Diliman. Para sa patuloy na sumusubaybay sa buhay-aktibismo sa loob ng nasabing unibersidad, ang pahayag na ito ay mababasa ngayong taon sa antohohiyang 24/7 Walang Panahon, ang literary folio ng Collegian na inilunsad nito lamang nakaraang Mayo 10.

Hindi rin kataka-taka na lumipas ang limang taon bago muling makapaglabas ng antolohiyang pampanitikan ang Collegian. Gayundin ang nangyari noong 1995, nang muling maglathala ng folio, ang F1 (sa pamamatnugot nina Ericson Acosta at Michael Ac-ac), pagkatapos ng walong taon. Ang naging “tradisyon” yata ng ilang patnugot ng Collegian ay pagsasawalambahala sa paglalabas ng literary folio. Napakabilis nga ng panahon, at tila wala namang umalma o nanghinayang para sa publikasyong nagsimula bilang isang “College Folio” noong taong 1910!

Kaya naman siniguro ng patnugutan ng 24/7 sa pangunguna nina Carlos M. Piocos III at Jayson DP. Fajarda na siksik sa nilalaman ang kasalukuyang antolohiya. Naisakatuparan ito gayong ang mga kontribusyon mula sa mga manunulat ay binakuran ng isang tema: ang sinasabing 24/7 - o dalawampu’t apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo na pagkatali ng tao sa panahon at pitik ng relo.

Naglaan ng isang hiwalay na seksiyon ang antolohiya para sa mga litrato, ang Sipat na pamagat ng regular na espasyo ng litrato sa Collegian. (Huling bahagi ng dekada ’80 o maagang dekada ’90, nang ilathala ng Collegian ang Sipat, isang buong libro na koleksiyon ng mga litrato.) Masasabing mahusay na rin ang ganitong pagsisikap, bagamat hindi kasing-sinsin ng mga munting granahe na nagpapaandar sa orasan ang pagtutugma ng bawat akda upang tupdin ang kredo ng antolohiya. Mainam ang kabuuan ng 24/7 para sa pagpapasigla ng paglikha at pagtangkilik sa makabuluhang panitikan.

Sasambulat sa simula ang isang pagtatangka sa ars poetica, ang “Poetry-de-Luxe” ni Mark Angeles: sa poetics, you let your subjects mutate / pormalismong tumutulo sa isang plangganang pormalin… Para sa mga sinikal, maaring isa na naman itong musmos kung hindi man bigong pangangarap upang pantayan o higitan sa isang halaw ang tulang “Sa Poetry” ng pinagpipitaganan (at ngayo’y Pambansang Alagad ng Sining) na si Rolando Tinio. Pero tila walang pakialam roon ang persona ng “de Luxe,” at sa huli ay may babala pa nga sa mga musmos na nagtatangkang maging manunulat, o ‘di kaya’y sa mga nagugurang na sa pagiging sikat: "’Pag political power ay naagaw ng Neps, / sa kangkungan kayo pupulutin./"

Palalawigin ni Edel Garcellano ang ganitong “gerang pang-ideolohiya sa sining at panitikan” sa “Extra Memo,” isang sanaysay na nalathala sa Collegian noon pang taong 2002. Samantala, ang mga sanaysay nina Neferti Xina Tadiar, at E. San Juan ay hamon para sa kilusang pangkultura at feministang pag-aaral sa harap ng “gera laban sa terorismo” ng imperyalismong Estados Unidos. Muling ipinalaganap ang mga papel-talumpati ng dalawang huling awtor na bagama’t napapanahon ay maaring hindi na naipatatampok sa ibang mga dyornal o publikasyon.

Hindi mawawala ang mga “eksenang Peyups (UP)” na inilalarawan sa ilang mga likha, gaya ng paglalango ng tulang “Sarah’s” ni Princess Marasigan, o ang sinubaybayang komik-istrip na “Leni Bedspacer” ni Kenikenken na nalathala sa mga pahina ng Collegian. Nakakikilabot naman ang pamilyaridad sa UP na inilalahad ni U.Z. Eliserio sa kuwentong “Failure to Punctuate.”

Ngunit dahil na rin sa tema ay mas kapansin-pansin ang pangingibabaw ng pagtalakay sa oras batay sa isyu ng paggawa. Matutunghayan ito maging sa komiks na “Ang Makina” ni Ivan Reverente na matatagpuan sa pagitan ng mga kuwento at tula. Mapapansin din na may mga lebel ng pang-unawa at pakikisangkot na sinasalamin ang ilang akda. Nariyan ang walang-humpay at walang-puntirya na paghahambing ng tao sa makina. Nariyan ang paglalarawan sa alyenasyon ng manggagawa o di kaya’y ang paglalantad ng mga makauring kontradiksyon sa isang lipunang “konsumerista.” Ngunit dahil sa mga akdang ito ay mapapansin ang pagsisikap ng ilang awtor na mag-isip, at sa gayon ay magsulat sa isip-manggagawa, o sabihin nang sa proletaryadong pananaw sa daigdig.

Simple ngunit patung-patong ang inilalahad na kontradiksiyon sa dagli na may pamagat na “Mall Tour” ni Katrina G. Valdez. Ang bida, na isang saleslady sa SM, ay nananabik makapanood sa mall tour ng iniidolong si Regine Velasquez. Sa huli, siya’y mapupuno at “sasabog” (…kaninong hiyaw ang lumunod sa mga birit ni Regine…) dahil sa nadaramang alyenasyon sa lugar ng trabaho. Ang dispatsadora na nakakulong sa isang mall na tila kahon ay nakakahon din sa konsumeristang kultura.

Ang opus na “Walang Pahinga” ni Reagan Maiquez, ay tila may intensyon na pumanig sa anakpawis ngunit tila nalilito rin sa sarili at nagtatanong: Sino ang tunay na maylikha?/ Sino ang tunay na makapangyarihan?/ Inihahambing ang tao sa makina at ito ang tumatampok na tunggalian. Ipinapahiwatig na ang bawat sandali ng paggalaw ay rebolusyon o pag-ungos ng pagbabago ngunit gawa ng ano, laban sa ano at para kanino?

Ang ganitong kondisyon sa paggawa ay mas payak at epektibong isinalarawan ni Randy Evangelista sa kanyang tulang “Awtomatik.” Ipinipinta ng tula ang ilang sandali sa isang pangkaraniwang umaga sa buhay ng isang manggagawa. Mahusay ang simpleng paglalahad ng tunggalian na hindi lang patungkol sa mga bagay gaya ng makina o pabrika, kundi mas pumupuntirya sa mga aparatong ginagamit ng taong may-kapangyarihan: Pagbaba ng Trabajo, lalakad ng bahagya / Kakatok sa pinto ng gate ng pabrika / Kaytaas ng gate, hindi makakapasok ang maysamang nasa / Di rin makalabas ang nais kumawala / Ang pabrikang ito’y kulungan yata/ Hindi binibitin ang mambabasa sa pagtatanong, bagkus iginuguhit ng personang manggagawa ang kanyang sariling tadhana: Tatambad sa isip ang kahapon lang ginawa/ Hahawak sa makina / Hahawakan ng makina / Hahawakan ang makina.

Nagtatagumpay din sa pagpipinta ng iba’t ibang imahe ng paggawa at pakikisangkot ang mga tulang “Oda sa Langay-langayan” ni Soliman Agulto Santos at “Pag-uwi sa Madaling Araw” ni Hilda Nartea.

Tila sinadyang ilagay sa dulo ng koleksiyon ang dalawang tulang “Pag-aaral sa Oras” ni Ting Remontado at “Ulat” ni Sonia Gerilya, gaya na lang ng mga anino at yapak ng mga Pulang mandirigma sa mga larawan ni Nino Rojo na nasa dulo ng seksiyong Sipat ng 24/7. Sa tula ni Remontado, ang sinasabing 24/7 ay ang buong panahon o pultaym na pagkilos bilang isang NPA o mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan.

At tila sinasabi nga ng mga nagkalat na armalayt sa disenyo ng aklat: kung hindi ngayon, kailan?

Thursday, June 23, 2005

hard day's night

sabi nga ni hilda rosca nartea: "walang pating."

nang minsang "buntisin" ng malakas na buhos ng ulan ang mataong lupalop ng philcoa, hindi natinag ang mga hardcore. kesehodang lunurin ng baha ang mga paang hinihiludan at gabi-gabing nilo-lotion. hihiyaw at hihiyaw ang henerasyon natin sa sama ng loob dahil sa kawalan ng pagbabago. sabihin na nating si gloria ang ating "narrowest" target, at sa oras na masukol na ang walanghiya, isang dipa rin ang naiusad ng ating puspusang pagsusulong ng higit na makatarungang lipunan.

ang hiyaw hardcore nang dapithapong iyon ay hindi lamang kay gloria nakatuon. sabi nga ni wanda, wala na tayong pakialam sa bagyo dahil matagal na tayong binabagyong ng kasinungalingan at pagtatraydor. hayaan mong magpanting ang mga tainga ng mga bwakanangina.

walang pating pero may taning.

Thursday, June 16, 2005

oust!

papet, pasista, pahirap sa masa! patalsikin si gloria!

Monday, May 30, 2005

summer is giving up her fight

adik na 'ata ako.

habang tinitipa ko ang entry na ito, naka-play sa PC ang vcd ko ng before sunset. gusto ko lang na naririnig ang maikling/habang pag-uusap ni jesse at celine pero nilulunod ang audio ng malakas na bagsak ng ulan sa bubong ng nagungulila kong kwarto. nilulunod din ako ng gunita, pero walang mga mukha. adik na 'ata talaga ako. o baliw. o nababaliw. wala namang umiiyak sa pelikula pero mayroon akong naririnig na humahagulgol. malakas ang anggi ng ulan, pero ayaw kong isara ang bintana.

para sa pagwawakas ng kay haba at nakalalapnos na tag-init:

mystery (indigo gilrs)

Each time you’d pull down the driveway
I wasn’t sure when I would see you again
Yours was a twisted blind sided highway
No matter which road you took then
Oh you set up your place in my thoughts
Moved in and made my thinking crowded
Now we’re out in the back with the barking dogs
My heart the red sun
Your heart the moon clouded
I could go crazy on a night like tonight
When summer’s beginning to give up her fight
And every thought’s a possibility
And the voices are heard but nothing is seen
Why do you spend this time with me
Maybe an equal mystery

So what is love then is it dictated or chosen
(handed down and made by hand)
Does it sing like the hymns of 1000 years
Or is it just pop emotion
(handed down and made by hand)
And if it ever was there and it left
Does it mean it was never true
And to exist it must elude
Is that why I think these things of you
I could go crazy on a night like tonight
When summer’s beginning to give up her fight
And every thought’s a possibility
And the voices are heard but nothing is seen
Why do you spend this time with me
May be an equal mystery

But you like the taste of danger
It shines like sugar on your lips
And you like to stand in the line of fire
Just to show you can shoot straight from you hip
There must be a 1000 things you would die for
I can hardly think of two
But not everything is better spoken aloud
Not when I’m talking to you

Oh the pirate gets the ship and the girl tonight
Breaks a bottle to christen her
Basking in the exploits of her thief
She’s a very good listener
Maybe that’s all that we need
Is to meet in the middle of impossibility
We’re standing at opposite poles
Equal partners in a mystery
(handed down and made by hand)

We’re standing at opposite poles
Equal partners in a mystery

Sunday, May 29, 2005

fragments/figments

i."hindi laging kupas ang kulay ng nakaraan... maraming hindi nasasabi, maraming hindi nasusulat, pero marami rin ang hindi makakalimutan." -castroboy the great (naks, wehehehe)

pinagtatalunan namin ni castro isang gabi matapos mag-mini stop sa katipunan kung ano ang kulay ng nostalgia. kay castro, matitingkad lahat ng kulay sa bawat eksena tuwing sumsumpong ang nostalgia. pero para sa akin, nag-uumapaw ang aking balintataw ng kulay kahel. nakaantok na nakakahilo, pareho ng epekto ng pinahid na vicks sa gilid ng lente ng kamera.

ii."pinakamasakit ang alaala tuwing umuulan" -ricky lee (mula sa kabilang sa mga nawawala)

nung biyernes lang nanghuhulas ang diliman nang bumagsak ang namimigat at namumugtong kalangitan. nagkakape-yosi kami ni wrongbee sa grandstand habang pinagsasaluhan ang sandali. sa mga ganitong pagkakataon, masarap lang magpatianod sa daluyong ng alaala. ang dati palang tagline ng blog na ito ay galing sa maikling kwento ni ricky lee: "pinakamasakit ang alaala tuwing umuulan." pinakamasarap din itong pagsaluhan.

mula sunken kumain na naman kami ng makasaysayang miso sa dampa sa timog (kung saan suki na kami). nagpakaladkad ako kay wrongbee tulad ng dati. despedida ni d. at babalik na siyang utrecht, holland. anim na buwan din si d. sa pilipinas. sa dami ng problema ng bansa, malamang marami siyang karanasang babaunin pabalik at kahit papaano'y maunawaan kung bakit kinakailangang patuloy na bumalikwas. bagamat wala sa europa ang laban, umaalingawngaw ang kalunoslunos na kalagayan ng bansa saanman may pilipinong nakikibaka. hindi man kami lubos na nagkakilala ni d., hindi na rin naman kailangang madrama ang mga pamamaalam.

tinapos namin ang isang magandang gabi sa pakikinig ng bersyon ni eva cassidy ng fields of gold sa my brother's moustache sa scout borromeo.

iii."memory is a wonderful thing if you don't have to deal with the past." - celine/julie delpy (in richard linklater's before sunset)

huling linggo ng mayo, habang ang karamihan ay nasa kani-kanilang lakad, nasa bahay ako, naglulunoy na naman sa pangungulila. katatapos ko lang ayusin ang santambak na basura/alaala na naipon ko sa loob ng isang taon (kasabay ng pagtapon sa mga bagay na napag-isip-isip kong hindi ko na kailangan). pinakalma ko ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng binili kong 3-in-1 na dvd (aviator, before sunset at after the sunset; ang akala ata ng mga pirata sequel ng before sunset ang after the sunset).

ayaw ko nang pag-usapan ang aviator, kahit na maganda naman ang opus na ito ni scorsese at kamanghamangha si cate balnchett bilang katharine hepburn. didiretso na ako sa ikaapat na beses kong panonood sa before sunset.

kinikilabutan pa rin ako sa tuwing inuumpisahan ko ang panonood sa sunset. malaking bahagi ang pelikula kung bakit ko tinawag ko ang blog kong dapithapon. isang mahaba-maikling talakayan ang paghihintay sa dapithapon. sa before sunset, sa loob lamang ng humigi't isang oras na usapan, halos isang dekada ang nilingon ni jesse at celine. kasabay tayo (bilang manonood) nila celine at jesse sa pagpansin kung ano ang nabago sa bawat tauhan. binabsa natin sa pagitan ng kawalang-patlang kung sino nga ba kina celine at jesse ang sinikal ang pagtingin sa mundo (na sa kalaunan ng pelikula ay sa relasyon; ganito naman tayo binuyo ng pelikula, mula sa labas paloob).

si celine ba ang sinikal? isang may pagka-neurotic na environmental activist (sabi nga ni edel garcellano, walang aktibista, kung gayon matinong tao, ang nasa matinong kaisipan). o si jesse? si jesse na naniniwala siyang “the world is getting better” dahil may mga katulad ni celine na gumagaw ng paraan para baguhin ang mundo.

nakakatuwang panoorin si julie delpy habang tinutuya ang pagkabarumbado ng bansa (maging ang kultura ng karahasan na may pagpapatungkol sa pag-aari ng baril sa US) ni ethan hawke bilang mamamayan ng US (“which imperialist country are you referring to?”). gayundin naman ang makailang ulit na pag-aakusa ni jesse sa impluwensiyang komunista sa babaeng pranses.

mula sa pagpoposisyon kay jesse at celine sa pamamagitan ng kanilang pampulitikang paninindigan (naks!), dito rin naman pumapasok ang usapan sa pagbabalik sa nakaraan (at kung gayon, sabay nito ay ang prospect ng dalawa sa hinaharap, o sa mas malapit na hinaharap). produkto ba ng pagtingin sa nakaraan na may panghihinayang ang sinisismo? ng ugnayan/diyalektika ng mga bagay na hindi nagawa at mga bagay na hindi na magagawa?

nagungulila tayo sa pag-alala dahil sa inuulila tayo sa paglikha ng alaala. nilisan tayo sa dapithapon ng ating buhay. araw-araw ang dapithapon. marami man tayong nakikilala at dumarating sa ating buhay, marami rin naman ang umaalis at nagpapaalam. sabi nga ni ana villaverde sa state of war ni ninotchka rosca (dada, pahiram ulit), "what strange paths we've crossed."

kung gaano kaikli ang oras sa madaling araw, ganoon din naman ang kakulangan ng panahon sa maghapon.

Thursday, May 26, 2005

forcible evacuation/enforced disappearance

mukhang magiging mainstay na ang ulan pagkatapos ng mistulang napakatagal (dahil) at napakainit na marsoabrilmayo. katatapos lang ng sampol na hagupit nang kinaladkad ako ni wrong-bee patungong UP. at kahit na nawalan ng opisinamoteltambayan, naroon pa rin ang mga sina kat, floyd, caloy, divine at isa sa bukana ng vinzons. na-miss namin si kayamanan. tulad ng dati, hinila kami ng grabedad ng hill para dun pansamantala tumambay.

pero mas may pang-akit yata ang wednesday percussions sa sunken kaya dun kami nag-chippy afternoon. ganoon pa rin naman, never naging on the side ang cheka. dumating si karl, maya-maya pa, nagkayayaan. at kakaiba.

sa gupitan sa tabi ng kwarto ni kat kami bumagsak. ang original plan kami lang ni karl. but no, pati si caloy, at ang end nga ay si caloy pa ang nagwagi sa make-over. kung sa loob ng isang taon ng paghihintay para sa bagong tambayan ganito ang magiging libangan, bago lahat na ng hairstyle ang magawa sa numinipis kong buhok. ang burgis ng bonding activity. dumiretso kaming led zep, kung saan kami lumafaz ng murang inihaw na manok at tilapia.

parang ganoon pa rin naman. kaya lang, iba na ang uwian.

(sana ito na ang huling bitter post ko tungkol sa kule).

pero eto talaga ang issue of the day.

nagkita kami ni wrong-bee sa qc sports plaza para sa relaunching ng isang broad na movement on civil liberties. akala ko, as usual na TTL ang forum. but no. may mga key figures ng philippine traditional politics. pero siyempre mas nakaka-starstruck ang mga beterano ng martial law. the likes of sister mary john mananzan, bobby tanada, satur ocampo, boni ilagan, behn cervantes, joel lamangan, monico atienza, and mila aguilar (acheche, in fairness in-Uno niya ako sa comm2). tinamaaan na naman ako ng romantisismong malupit. parang feel ko rin ay dinahas ako ni marcos.

pero may punto rin pala ako. tama si sister nang sabihin niyang 30 taon na ang nakakaraan pero tila hindi pa tapos ang martial law. marami pa ring binubusalan. dahil ganoon pa rin ang kondisyon magmula noon.

sumungaw ang isang butil ng tubig asin sa mata ko nang buong giting na ideklara ni behn cervantes na "here we go again."

patuloy pa rin ang laban. saanman. kailanman.

(pasensya na. kakakuha ko lang ng training on CARHRIHL. hehehe. pero seryoso ako. sana kayo rin)