i.
Maingat niyang inilapat ang pinto sa paglabas niya ng bahay. Ang tanging ingay na kaniyang iniwan ay ang marahang pitik ng seradura. Ayaw na sana niyang gambalain pa ang dinalaw na kaibigan sa pagkakahimbing. Ilang hakbang pa mula sa pinto, saka lamang niya nagawang pakawalan ang isang buntunghiningang tila kaylalim ng pinaghugutan.
ii.
Padabog na ibinagsak ng nagdaang bugso ng hangin ang naiwang pintong nakabukas. Sa gulat niya, nabitiwan niya ang isang baso ng malamig na malamig na tubig. Naramdaman na lamang niyang binalot ng ginaw ang mga hubad niyang binti. Kaniya munang minasdan ang nagkandapira-pirasong kristal sa kaniyang paanan bago hinakbangan at saka kumuha ng walis at daspan.
Monday, December 01, 2008
Tuesday, November 18, 2008
jose gonzalez on morning becomes eclectic
huli para sa araw na ito.
pasensya na, masyado lang akong naaliw sa baul ng yaman ng morning becomes eclectic.
pasensya na, masyado lang akong naaliw sa baul ng yaman ng morning becomes eclectic.
Sunday, November 16, 2008
things that can't be shared
"Maybe she was just tired of dead ends, phone calls that were never returned, promises that were never kept, tripping over the same stone... These are the things that can't be shared."-Things You Can Tell Just by Looking at Her (2000)
lubhang napakahirap humanap ng tiyempo para muling makapagsulat. bukod sa walang panahong magsulat, ay wala rin namang nagaganap na maaaring isulat (maliban sa serye ng mga pangyayaring pinagkakaabalahan na balak ko gawan ng isang blog entry sa huling buwan ng taon). hinayaan kong ang mga larawang ipinost ko sa multiply ang magkwento sa mga naganap nitong mga huling buwan.
kahit ang pagbabasa at panonood ng pelikula ay kelangan ng effort para sa akin ngayon. lagi kong nahuhuli ang sariling nakatunganga at low-batt. pero gayunpaman, may ilang bagay pa rin namang nakakapagpabuhay sa aking dugo sa mga nakalipas, tulad na lang ng mga ito:
the children of men ni pd james

borderlands/ la frontera ni gloria anzaldua

salvador ni joan didion

maliban sa salvador, hindi ko pa tapos basahin ang children of men at borderlands. sinwerte ako last week nang maispatan ko ang bordelrands sa booksale sa megamall. swerte ring maituturing nang mabili ko ang salvador sa halagang P40 sa booksale farmer's. sa mga susunod na entry ko na lang siguro ibabahagi ang aking rebyu-rebyuhan sa salvador (in time for human rights day sa disyembre) at sa children of men at borderlands, kung susuwertehing (o mas apt, sisipagin) matatapos ko silang basahin.
short cuts ni robert altman

things you can tell just by looking at her ni rodrigo garcia

magkasunod na linggo ko pinanood ang short cuts at things you can tell. parehong gumagamit ng multiple character at storyline and dalawang pelikula. nahihilig ata ako ngayon sa mga sala-salabid na kuwento. una na akong na-amaze sa amores perros nina inarritu at arriaga, pero bago pa man pala ito, nauna na si altman sa ganitong estilo ng pagsasalaysay ng kwento. malaki ang pagkakahawig ng short cuts sa magnolia ni paul thomas anderson (di ko nagustuhan ang magnolia dahil lahit na anglungkot ng pelikula, di ko ito nararamdaman).
tulad ng magnolia at short cuts, tragic ang mga kwento ng limang babae sa istorya. sa huling bahagi ng pelikula dineliver ni cameron diaz ang linyang sinipi sa itaas. bakit kaya lagi't laging may kakambal na lungkot ang mga babae? parang yung nabasa kong linya mula sa autobiography ni liv ullmann (sinong may kopya? pahiram!): "i want to write about being a human being. i want to write about loneliness. i want write about being a woman."
naaalala ko ang isang sipi mula sa paborito kong short story ni genoveva matute na kuwento ni mabuti: "tanging ang nakararanas ng lihim na kalungkutan, ang siyang nakakararanas ng lihim na kaligayahan." sa tuwing nakahahanap ako ng mga libro at pelikulang tulad ng mga nahanap ko nitong mga huling buwan, kahit papaano, kahit pansmaantala, kahit artipisyal, naiibsan ang mga pana-panahong yugto ng lumbay.
Sunday, August 31, 2008
Dekada 90: Eraserheads

Para sa isang henerasyon na di ko na naabutan, marami sa mga bagay na di nila akalain magagawa nila ay naituro sa kanila ng mga awit ng Eraserheads. Matapos ang bagong kalayaan at pag-asang hatid ng dekada 80, muling naghanap ang kabataan ng kanilang espasyo at lugar sa mga sulok na kanilang ginagalawan. Sa Eraserheads silang natutong magmura at ilabas ang kanilang angas sa lipunang nagtatakda ng kanilang lugar at espasyo.
Kaya nga sigurong marapat lang na pambungad ng Eheads sa kanilang reunion concert ang kantang “Alapaap.” Tila isa itong parangal sa henerasyong tumangkilik sa kanilang musika. Minsan nang naging kontrobersyal ang Alapaap, nang tinangkang ipa-ban ito ni Tito Sotto dahil inuudyakan daw nito ang mga kabataan na gumamit ng droga. Pero malinaw ang mensahe ng kanta: “Ang daming bawal sa mundo/ Sinasakal nila tayo/ Buksan ang puso at isipan/ Paliparin ang kamalayan.” At sumunod na nga ang iba pang mga banda at kanta na may hawig ding tema: “Kung gusto niyo kaming sigawan/ Bakit hindi niyo subukan/ Lalo lamang kayong hindi maiintindihan. (Awit ng Kabataan, Rivermaya)”
Tulad ko, ni isa sa mga miyembro ng Eheads ay di pa grumadweyt sa unibersidad (naks! Kamusta naman ang pagjajustify sa di paggradweyt). Pero ang henerasyong binigyan nila ng boses at lakas ng loob na sumuway ay matagal nang lumabas sa mga unibersidad. Ang marami siguro’y nakakapagtrabaho na sa mga matatayog na gusali ng komersyo, ang iba’y nangibang bayan. Ang sigurado lang ay nakahanap na ang marami ng kani-kanilang lupalop, sulok o lugar sa lipunan.
Magkagayunman, patuloy ang pagdagsa ng bagong henerasyon ng kabataan, sa loob at labas ng unibersidad, na magtatangka pa ring sumuway at hanapin ang sariling lugar sa lipunan. Ang ilan nama’y mas mapangahas na sa halip na hanapin ang sariling lugar sa lipunan ay tatangkaing baguhin ito.
---
Dekada 90: Eraserheads*
by Kerima Lorena Tariman
Sa dyip, walkman, dorm. Kung bakit bumenta ang Chuck Taylors noong 1994. Kaya maraming nakyuryus sa salitang "alternatibo," sa LA 105.9, at sa Club Dredd. Kaya nasundan ng marami pang konsyerto ang "Bistro sa Amoranto." Sa clubs, telebisyon, malls. Kung bakit maraming recording companies ang naglakas-loob na mangontrata ng mga bagong banda. Kaya umalma ang senado sa mga "alternatibong kanta." Kaya taun-taon kang nanonood ng Elvis at UP Fair.
Sa klasrum.
Kaya pinag-aaralan sa Humanidades ang liriks ng "Ang Huling El Bimbo." Kung bakit pinaka-mainam na halimbawa ang studio work ng Eraserheads sa art studies subject mo sa ilalim ng prodyuser nilang tinatawag mong Sir Robin Rivera.
Mula Pop U!…
Sa 87 nagsisimula ang student number ni Ely Buendia, bokalista, at gitarista ng Eraserheads. Pumasok siyang Film major sa Masscomm isang taon bago mapadpad si Raymund Marasigan (drums) sa parehong kolehiyo; si Marcus Adoro (gitara) sa CSSP; at si Buddy Zabala (bass) sa Eng'g. Napunta na si Buddy sa LibSci. Naka-sampung taon na ang STFAP. Nakita na natin sila sa magasin, etiketa, sine, internet, dyaryo, paskil, songhits, at libro. Marami nang estudyante ang gumawa ng thesis tungkol sa kanila pero hindi pa rin guma-gradweyt ang Eraserheads.
"Actually, nag-enrol kami sa UP para magbanda talaga, e, " sabi ni Ely. Sunday School ang pangalan ng nauna niyang grupo. Sina Marcus, Buddy at Raymund nama'y nasa bandang The Curfew, at minsan ding naging mga miyembro ng KontraGapi. Nabuo ang Eraserheads sa jamming sa dorm, nang iwanan sila ng mga kabanda. Lumanding sila sa mga pa-konsert sa loob ng UP. Ilang taon silang naging regular sa Club Dredd na nasa Timog pa noon. Nang ilabas nila ang demo tape na Pop U!, paborable ang naging rebyu ni Bomen Guillermo sa Philippine Collegian.
Banda raw ang dahilan kung bakit sila pumasok sa UP, "kaso," wika ni Raymund, "hindi kami tinanggap sa (College of ) Music kasi hindi kami marunong mag-sight read (ng nota)."
"Pero marunong kaming mag-read ng sights," dagdag ni Ely. Kahit sa simula'y hindi ganoon kagaling sa paghawak ng mga instrumento, ang pagiging sensitibo sa "pop music hooks" at "90s Pinoy pop culture" ang pinanghawakan ng grupo. Popular at "pang-masa" ang bansag sa kanilang musika. Gayunpaman, may pakiwaring esklusibo sa UP, halimbawa, ang isaw, tansan, at thesis sa "Ligaya," ang karakter ni "Shirley" na "naka-dress sa skwela…papunta sa CASAA," at ang pagmumukmok ng nagmumurang persona sa "Pare Ko." Bagamat pop, may hibo ng punk ang aktitud na ipinakita nila sa madla.
Nang tanggapin ng maraming tagapakinig ang ultraelectromagneticpop! na inilabas ng BMG Records noong 1993, kasabay nito'y sumabog ang isang "alternatibong" eksena na nagbigay-daan sa iba pang bandang kasama nila sa andergrawnd - Color It Red, Alamid, The Youth, at Yano, na banda rin mula sa UP.
…Hanggang Natin99
Pitong taon at pitong album. Nalibot na nila ang Pilipinas. Wala nang Club Dredd kahit sa EDSA. Nakapag-endorso na sila ng serbesa't tsitsirya. Binansagan na silang bastos, baduy, at pa-Beatles. Mas uso na ulit ang basketbol kaysa sa gitara. At dahil nakita na natin ang Eraserheads sa magasin, etiketa, sine, internet, dyaryo, paskil, songhits, at libro - kakatwang minsa'y nakakalimutan ng ilan na meron nga pala silang musika.
Milya na ang layo ng ultraelectronmagneticpop! sa pinakahuling album na Natin99 - mula sa porma, eksperimentasyon sa tunog at instrumento, hanggang sa nilalaman at tema. Habang napaka-kongretong karanasang kalye ang ibinabahagi ng "Ligaya" o "Magasin" (Circus, 1994), abstrakto at 'matayog' na ang "Kaliwete" (stickerhappy, 1997) at ang "Maselang Bahaghari" (Natin99).
Kung paanong umukit ng pangalan ang Eraserheads sa eksenang kasama nilang nilikha sa gitna ng Dekada '90, ay dala syempre ng komersyal na tagumpay ng mga trabaho nila sa loob ng studio. Pero kasama ng multiplatinum ng Circus, matatagpuan ang komentaryo sa eksena at industriya ng musika sa seryeng-filler na "Punk Zappa." Maging ang mga bagong abstrakto't di-maintindihang kanta ng E'heads ay maaari pa ring tingnan bilang pagbasag sa nakasanayan nating mga titik at tugtog sa radyo - sa diwa ng "non-conformity" na aktitud na nila mula't sapul nang sumambulat ang banda.
"Apolitical kami," anila. Pag-aabolish sa ROTC ang tanging "mariing paninindigan" na nabanggit nila sa maigsi naming kwentuhan. Pero sa katunayan, sa pitong mahahabang taon na nagdaan - sa "Punk Zappa," sa tema ng di mabilang na kanta, at maging sa kanilang aktitud sa harap ng midya - nakagawa ang Eraserheads ng napakaraming political statements kahit hindi nila namamalayan. Ngayon, nakakalulang isipin ang mga mensaheng pwede pa nilang iparating - lalo na kapag nagkaroon sila ng sensitibidad at sensibilidad sa pang-unawa sa mas malawak na tungkulin ng isang popular na musikero.
Kung bakit sa buong Dekada '90, kwentong kalye ng apat na drop-out mula sa Diliman ang nagsumuot hanggang sa loob ng mga silid-aralan. Mas marami na silang nalaman sa labas ng UP, at mas marami pang gustong makita sa labas ng bansa. May balak pa ba silang bumalik sa skwela?
"Siguro," sabi ni Buddy. "Kung wala nang classcards."
"Kung di na uso ang pera…" tapos ni Marcus.
*mula sa ispesyal na isyu ng Kule na Dekada 90
Monday, August 11, 2008
muni sa pagtanda
inisip ko noong bata pa ako na kahit papano naman siguro'y may isang milyong piso ang halaga ng lahat ng pag-aari ng pamilya namin. kahit na hindi sa amin ang bahay na tinitirhan namin, naisip kong mas nakaalwan pa rin kami kung ikukumpara sa ibang mga kalaro at pinsan ko. linggo-linggo kaming nakakapag-mall (bago pa lang noong galleria, sta lucia at megamall). naka-enrol kaming magkakapatid sa mga pribadong paaralan at hatid-sundo ng school service. nakabili ng second-hand na kotse ang tatay ko na ginagamit niya sa pagpasok sa opisina sa may ortigas.
kung ikukumpara ko ang pamumuhay namin noong mas bata pa kami sa ngayon, tiyak na mas ok kami noon. hayskul ako nang magsimulang bumababa nang husto ang pang-ekonomyang katayuan namin. nang tumigil ako sa pag-aaral, nagresign ang daddy ko sa pinagtatrabahuhan niya.
lalo pang humirap ang buhay namin sa ngayon. kinalkula ko ang pinagsamang buwanang sahod namin ng mommy ko at ikinumpara sa estadistika ng poverty threshold na pinag-aaralan ko sa opisina. konti na lang ay mapapabilang na kami sa 70 porsyento ng mga pilipinong naghihirap. kung tutuusin, liberal pa nga ang ginamit na pamantayan ng gobyerno. maaari ngang isa na kami sa lumalawak na bilang ng mga mahihirap sa bansa.
at ramdam na ramdam ko ito. higit sa kalahati ng sweldo ko ay napupunta sa mga bayarin sa bahay: kuryente, telepono, LPG at bahagi ng pamalengke. sagot ng tatay ko yung bill sa tubig mula sa dilihensya niya sa pagtitinda ng yelo. di ko na idedetalye ang kumplikadong dahilan ng di namin pagbabayad ng renta sa bahay. binali na ng mommy ko ang panuntunan niya sa buhay tungkol sa di pangungutang. nauubos ang sahod niya sa pagbabayad ng amortization ng mga loan sa gsis, sss at pag-ibig.
sinara na ng mommy at daddy ko ang kani-kaniyang account sa bangko. di ko na magawa pang magbukas ng sariling account sa bangko para sa kung anumang natitira sa sahod ko buwan-buwan dahil nagagalaw at nagagalaw pa rin naman ito sa mga pangangailangan sa bahay. kung kailan pa tumaas ang presyo ng mga bilihin at ng pamsahe, kailan pa ako nawalan ng raket.
hindi man ako maluho, hindi rin naman ako nakakapag-ipon. di nga ako bumibili ng damit. puro hand me down ng mga kamag-anak na singlaki ko ang mga isinusuot ko. ang tanging bisyo ko lang ay pagbili ng mga libro at dvd (na naiipon lang na hindi ko nababasa at napapanood).
ilan sa mga kaibigan ko ang naniniwala sa simpleng pamumuhay. wala akong choice kundi mamuhay ng simple. (pero maaari din naman tingnan na pinili kong magtrabaho sa isang NGO at hindi sa isang malaking kumpanya.) iniisip ko pa rin hanggang ngayon na tapusin ang thesis ko para makagradweyt na. bukod sa tinik ito sa lalamunan, maaaring maraming oportunidad ang magbukas kung mayroon na akong degree. maaari na akong mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa. maaari na ring magbago ang takbo ng pamumuhay ng pamilya namin.
ito nga ba ang gusto ko? sa tingin ko, kung yun at yun lang ang dahilan, matagal ko na sanang tinapos ang thesis at tineyk-advantage ko na ang lahat ng magagandang oportunidad. alam kong hindi lang iyon ang gusto ko.
ang hirap hanapin ang gusto kong gawin at mangyari sa gitna ng krisis na nararanasan ng bansa at, sa kongkreto, ng pamilya ko. simple lang naman ang gusto kong mangyari. sabi ko nga sa isang kaibigan sa isang makabagdamdaming tagpo, tatlong bagay lang ang gusto kong gawin: tulungan ang mga magulang ko, gawin ang mga bagay na ikasasaya ko at gumampan ng tungkulin para sa isang adhikaing higit sa aking sarili. pero di rin pala sila simple dahil higit na mahirap na tuparin ang mga ito. nang sabay-sabay. lagi't laging may isinasaalang-alang at kinukunsidera, tinitimbang at pinagdedesisyunan.
iniisip kong hindi makatarungan para sa mga magulang ko na kung kailan sila tumatanda, kailan pa lalong humirap ang buhay nila. limang taon na lang, magreretiro na ang mommy ko pero wala pa rin siyang naipupundar para sa sarili. malupit ang ganitong sistemang hindi magagawang kumalinga ng mga matatandang walang ginawa sa buhay nila kundi magtrabaho at lumikha ng yamang pinakikinabangan ng iilan. hindi kaugaliang pyudal ang nagtutulak sa akin para tumulong sa mga magulang ko sa kanilang pagtanda. hindi rin pagbabayad utang.
paano nga ba pagsabayin ang tungkulin sa bahay at lipunan, at magkapanahon pa para sa sarili? iniisip kong, kailangan ko lalong magpursige dahil hindi na lang sarili ko ang kailangan kong isipin. dito pa lang, punung-puno na ang listahan ng mga gagawin ko sa araw-araw.

Monday, August 04, 2008
"The stones say little of these former lives, just that they once were valiantly loved*"
When the Heart Flies from Its Place
The names are the first to go,
then the dates of births and deaths.
It's as if everything moves on another,
esoteric level, here among the gravestones
where the elements collude so we don't realize
how we succumb to forgetting. The milkweed unfolds
its damascened leaves and monarch caterpillars
devour them scrupulously, and out of this simple act
something marvelous is already happening,
the promise of a massive and silent migration.
Order is natural progression: a century from now
the sugar maples planted by the pioneers
will still be growing, too ancient to remember
everyone who's seen them here. This once
was a church, where now two benches meet
in mute conviviality, and this a pound for stray sheep;
one village will be mowed over by another,
one more road will cut through the forest here.
A tractor roars to say the conquest is complete:
we tame the land until it accepts
our habits, our fear of need. When I hear these sounds,
says Stansik, age five, my heart flies from its place.
Just eight months in the country, he is learning
the landscape of language where there is no
fixed geography, and everything
still evokes another memory: cowdung is
smell of village, a pond is primal, rippling
with translucent newts. The stones
say little of these former lives, just that
they once were valiantly loved;
you can almost hear them calling the roll:
Thompson, Merritt, Thayer, each a perfect
solitude, a stilled comet. Stansik again:
Why are there no blacks in Massachusetts?
And: You are not black but gray. Pretty soon he'll forget
his Russian, the language he is slowly
inventing, the man from whom his mother
had to run away. I wonder if he will remember
this summer, and how the heart feels
when it flies for no reason other than
—what was it? I didn't know, I had never learned
the word for it, and to this day I walk
the unspeakable territories.
*pasintabi kay gamalinda sa panghihiram ko sa kanyang tula pamalit sa mga salitang di ko magawang isulat sa espasyong ito. kasabay ng edad, tinatakasan na rin kasi ako ng abilidad na magpaliwanag, sapulin ang mga punto at bigyang dahilan ang bugso ng emosyon. salamat kay K para sa pagpapabasa sa tulang ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)