Monday, March 03, 2008

jerrie at airah sa UPD Student Council


One Tough Editor
Running the Philippine Collegian is one thankless job. Aside from the nerve-wracking, pressure-packed pressworks that writers and artists deal with on a weekly basis, its editors are burdened with almost impossible, inhuman expectations. The least that they have to be worried about are the rules of grammar (in both languages), which they are assumed to have firm grasp of. They are required by the job to have extraordinary acuity and keenness in analyzing social, political and cultural events. Equally as important, of course, editors have to have a fully developed creative imagination, not to mention, impeccable taste.
It is undeniably one of the most demanding jobs on campus, where mere mortals fear to tread.
It does not surprise us, therefore, that one of Collegian’s editors – current editor-in-chief, no less – has decided to tread the path of campus politics. He is on familiar ground, for sure. He is vying for one job where his wit and intelligence, superior leadership skills, creative imagination and, well, impeccable taste, can be put to best use.
We are talking, of course, about Jerrie Abella.
As an astute observer of campus politics for many years, Jerrie has acquired an encyclopedic knowledge of its ins and outs. Trained as a news reporter, he has interviewed and conversed with university administrators and professors, instructors and employees, residents and students – stakeholders all in the business of running a student council.
Anyone familiar with how a usual Collegian presswork grinds out knows how tough one must be to be able to go through the entire process with his or her sanity intact. From planning the issue to going through the rigorous editing to the painstaking laying out of the pages, Jerrie has successfully led one of the best Collegian pool of editors, writers and artists in years. This feat is due in no small measure to Jerrie’s leadership.
Make no mistake, too: Jerrie is also an impassioned activist. His heart has always been in the right place – the Collegian’s advocacies are testament to that. During the last school year, Jerrie was among the editors who assiduously fought administration intervention in the paper’s fiscal affairs while coming up with creative ways to deliver the news to the students. The Collegian’s past term and the current one were also most valiant in exposing and criticizing the utter underhandedless with which the UP administration passed the tuition hike. Jerrie’s term has also kept vigil of updates on the whereabouts of missing UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño, as well as other disappeared victims of state fascism.
It goes without saying, too, that the Collegian under his term has been most passionate in bringing to the student fore national issues, from demolition of urban poor communities to the national movement to oust the sitting President.
Jerrie has also been actively involved with the College Editors Guild of the Philippines and Solidaridad, the UP System-wide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations – of which he is the Secretary General – organizing national conventions and meetings for skills training, building and sustaining networks for the promotion of campus press freedom and advocacy journalism.
We have to admit, though: Jerrie is biased. But only because he favors seeing social problems from the point-of-view of the majority of poor and dispossessed Filipinos. He is biased for the students, and makes sure that every ink that he pens will reflect its objective interests and aspirations. He is biased for what is true. Yes, as a journalist, he is obliged to be objective and fair, and the pages of the Collegian in many ways reflect that. But more than being an observer, Jerrie is an activist and a student leader. More than being a mere chronicler of events, he is completely engaged in the conflict of our times.
Fortunately for us, he is on our side.


Tuesday, February 19, 2008

FIDEL!

galing kay eleyn ang post sa ibaba, rebyu ng dokyumentaryong Fidel! (brightightsfilm.com)

kay tagal na hinintay ng US ang pagkakataong ito. ilang beses na ring pinagtangkaan ng US/CIA ang buhay ni castro. sa kanyang pagreretiro, hindi raw siya namamaalam at manaatiling mabangis na kritiko ng imperyalismong US.


papa fidel


Estela Bravo's documentary offers an affectionate,
in-depth portrait of the enduring world leader
who stood up to the U.S.

Over the course of the last 40 years, the CIA has tried to murder Fidel Castro with such frat boy antics as exploding cigars, poison pens, and arsenic-laced milkshakes.

Jesse Helms, North Carolina's controversial, right-wing senator and co-sponsor of the Helms-Burton law that codified the U.S. embargo against Cuba, told Congress he didn't care whether Fidel Castro left Cuba vertically or horizontally. "Let me be clear," he shouted, "he will leave."

With Helms retiring early in 2003 and Castro still unvanquished, it seems Jesse spoke prematurely. But what is this psychotic obsession the United States has with Fidel Castro? And why do we insist on demonizing the man hailed elsewhere as hero?


Addressing the United Nations

Estela Bravo's new film puts it all in perspective. Born in New York nearly 70 years ago and resident of Cuba since 1963, Bravo is a self-taught director of 30 documentary films, many about Cuba. Her latest film, Fidel, was commissioned by Channel 4 in Britain, won the Distinguished Achievement for Excellence in Documentary Filmmaking from the Urbanworld Film Festival in New York, and played the Toronto International Film Festival to sold-out crowds despite the fact that it opened three days after the September 11 attack on New York and Washington. It has played in arthouses and repertory cinemas throughout the U.S.

After previewing the film, I have only one piece of advice: see it. Really. It makes no difference whether you're for or against Castro, Estela Bravo presents us with a piece of history that we owe it to ourselves to see. Fidel is the definitive word to date on Castro.

"I would call this the untold story," Bravo said in a recent telephone interview from New York. "As a close observer of the revolution and the man, I knew it was necessary to tell the story, especially given what's being said in the United States."

Fidel covers 40 years of the Cuban revolution and is unprecedented in providing its viewers with an understanding of Cuba and its leader. Ms. Bravo uses exclusive archival footage and a remarkable mix of interviews with Fidel. She includes such luminaries as Harry Belafonte, Aleida Guevera (Che's daughter), Alice Walker, Ramsey Clark, Sydney Pollack, Angela Davis and longtime friend of Castro, Nobel Prize-winning writer Gabriel Garcia Marquez. We hear from journalists, both in Miami and Cuba, guerrillas who fought in the revolution, politicians, writers, musicians, scientists, old teachers, family and friends. There are priceless and touching exchanges between Nelson Mandela and Fidel Castro. Alice Walker, as only Alice Walker can, talks about her great admiration for the man then breaks off, puzzling over the fact that she's heard he can't dance.


With friend Gabriel Garcia Marquez

Philip Agee, former CIA agent, lends credence to the often summarily dismissed assassination stories. They began, according to Agee, with the most renowned of those attempts, the 1961 Bay of Pigs invasion in which President John F. Kennedy sent 1,400 Cuban expatriates onto Cuba's shores. When Castro squelched the attack within 72 hours, what had been an overt war against the country became a covert war against Fidel.

basahin ang buong artikulo...




Thursday, February 14, 2008

iniibig kita at iba pang kabalintunaan*

Iniibig kita at iba pang kabalintunaan*
ni Karina Pomaneg

*pasintabi kay ana morayta


Paumanhin kung hindi ako nagpula noong Valentine’s Day.

Itim na itim kong kinundena ang budget cut ng UP dahil higit kong ipinoprotesta ang araw na iyon. Hindi lang naman kasi edukasyon ang commercialized kundi pati okasyon. Trivial, pero wala akong paki.

kuha ni rouelle umali

Parusa nga yata sa pagka-burgis ko ang matinding sikat ng araw sa suot kong itim. Kung hindi lang ako pinahawak ng plakard ng isang kaibigan, pinagkamalan na siguro akong nakikipaglibing. Kunsabagay , marami namang numero ang dapat ipagluksa sa araw na iyon: ang P355.6M budget cut sa UP, ang 2% na dagdag VAT, 7 kataong patay sa pambobomba sa 3 lungsod, humigit 70 patay sa bakbakan sa pagitan ng MNLF at AFP...

... at zero missed call at/o text message mula kay Him.

Hindi ko naman hinihinging batiin niya akong Happy Valentine’s Day, ipamumukha niya lang sa akin na wala akong ka-date sa birthday ko at sa araw na dapat may ka-date ako.

Alas tres ng hapon sa may Mendiola, hingal na hingal akong tumakbo mula Morayta hanggang Recto. Hinihintay kong magtext pa rin siya. Pero walang naganap. Wala naman siyang dahilan para hindi magtext sa akin. Ilang buwan na rin naman silang wala ni Yassy. Matagal na rin pala nang huli kaming nagkita.

Maya-maya pa, hindi ko na rin kinaya ang init. Niyaya ko na ang editor kong umuwi. Sa LRT-2 na lang kami sumakay. Dinalaw na naman ako ng nostalgia habang nakatayo sa siksikang tren.

Napanood ko sa DVD noong isang linggo ang 2046 ni Wong Kar Wai. Ang LRT-2 ang treng papunta sa 2046 para maisalba ang mga sawing pag-ibig at mga lumipas na alaala. Pero nang dumungaw ako sa bintanang plexiglass ng tren, hindi gawa-gawang mundo ni Mr. Chow ang nakita ko. Mabilis na hinahagip ng aking paningin ang waring interregnum ng Kamaynilaan—ang salit-salit na nagtatayugang bahay at yerong bubong ng mga barung-barong.

Paano kaya kung naghihintay si Him sa susunod na istasyon? O kung bumaba na lang kaya ako doon? Bumungad ang asul na signage ng Betty Go-Belmonte station sa paghati ng mekanikal na pinto. Tuluyan na akong nilamon ng lungkot. Hindi ko na napigilan ang aking kamay , kusa na nitong hinugot ang 5110 ko.

“im at beti go lrt. came frm mendio rali. san k ngyon? paalis n ang tren. rply asap.”

Apat na oras ng patlang.


(unang nilathala noong 18 Pebrero 2005 sa kolum na Cigarette Intellectuals ng Philippine Collegian)

---


kuha yan ni raffy lerma noong 26 nov 2002, ang una kong red shirt day (tingnan mo nga naman, sa dagat ng pula ako ay naka-boring gray) at unang tungtong ko rin ng mendiola. yan din ang unang bese na nagpahaba ako ng buhok. natagpuan ko yang picture sa kahon ng mga hindi nagamit na picture sa darkroom ng kule noong naging kule na ako.

suot ko pa diyan ang unang rubber shoes na binili ko sa pera ko (isang linggo bago mag-edsa dos at nabinyagan nung martsa mula up hanggang edsa shrine). nung isang linggo lang napagdesisyunan ko nang i-retire ang rubber shoes na 'yun matapos muntik nang lumabas ang paa ko sa pudpod na swelas.

inatake lang ako ngayon ng pangungulila sa mga dating kasa-ksama sa mga habulan at hagaran.

Saturday, February 09, 2008

pag-ibig, masdan mo ang ginawa mo

* halaw sa Love in the Time of Depression ni VJ Rubio
(sampung pelikula ng pag-ibig at pagpapakasakit sa linggo ng mga puso)


Pagbilang mo ng sampu, hubad na ang mga hanger sa nakabukas na cabinet. Nauna nang kumaripas ang anino palabas ng ibinagsak na pinto. At ang langitngit ng kalawanging gate ang tumapos sa usapan. At ikaw? Iniwan kang nagmumukmok ng kasawian sa iyong kwarto. “Not again,” sambit mo sa sarili. Sinu ba kasing nagsabi na ang pag-ibig na wagas ay katubusan sa mga nanampalataya dito? Pag-ibig ang marahang dampi ng balahibo sa pisngi. Ngunit pag-ibig din ang labahang susugat sa iyong leeg.

At bilang pakonsolasyon, nagluto ka ng paborito mong pasta. Nilabas mo ang pinakamahal na alak mula sa pantry. Sumalampak ka sa sopa. Inabot ang remote. Humarap sa telebisyon, at humanap ng karamay at kasalo sa pighati at kasawian sa mga tauhan ng masikip, mumunti at kwadrado mong mundo.

---
  1. Separada (Chito Roño)


“I don’t need a parasite!” pagtatakwil ni Maricel kay Edu. Hindi nga ba’t pag-ibig ang parasitikong nabubuhay lamang sa dugo ng kanyang biktima? Sooner or later, ikaw ay masasaid, matutuyo, at wala nang maibibigay. At matatauhan.

  1. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (Aureus Solito)
“Balikan ang tamis at pait ng unang pag-ibig.” Growing pains. Hindi dysmenorrhea o tuli ang unang magpapasakit sa iyong puso(n), kundi ang unang pag-ibig na imposible’t di makakamit. Pag-ibig ang unang bahid sa inosente at dalisay mong puso.

  1. Lost in Translation (Sofia Coppola)
Unibersal daw ang pag-ibig. Walang lenggwaheng katulad ng pag-ibig ang higit na nauunawaan ng bawat lahi sa mundo. Ngunit, sa tuwina, dayuhan ka pa ring sumusuong sa tuwing sinasambit mo ang mga mailap na katagang “minamahal kita.” O magawa nga bang pakawalan ito ng tikom mong mga labi?

  1. Happy Together (Wong Kar Wai)
Pag-ibig daw ay ang pagtalon sa kawalang kasiguraduhan. O pagtayo sa bingit ng rumaragasang talon. Ngunit kung ang lahat ng ito’y tapos na, mamasdan mo ang sariling nagkalurayluray sa paghampas ng malupit na tubig mula sa taluktok ng bundok. At ang tanging maisasalba mo ay ang souvenir na table lamp kung saan ipininta ang pinakaiibig mong Iguaçu Falls.

  1. Brokeback Mountain (Ang Lee)
“All we have is Brokeback Mountain!” Paano kung ang tanging saksi sa inyong pag-ibig ay isang di natitinag na bundok? Ito ba ay tanda ng inyong di nagmamaliw na pagmamahalan? O ng pag-iibigang walang patutunguhan?

  1. Before Sunset (Richard Linklater)
Lagi’t lagi tayong may binabalik-balikan. Lagi ring may pinakamamahal at nakahihigit. Ngunit ang pinakamasakit ay ang katotohanang ang saglit na pag-ibig ay haplit lang na nanatili habambuhay. Pilit kang gumagawa ng karugtong katulad ng kapag ika’y nagising mula sa pananaginip. Pag-ibig nga ba ang epilogong isinusulat sa matagal nang tapos na kabanata?

  1. Kung Mangarap Ka’t Magising (Mike De Leon)
Ang gamot nga lang ba sa sawing pag-ibig ay pag-ibig din? Pag-ibig ang kubling mga sulok kung saan nagtatago ang mga tulad mong may tinatakasang nakaraan at nagbabakasakaling makakasapat ang mga saglit at sandali.

  1. In the Mood for Love (Wong Kar Wai)
Pag-ibig ang mga masisikip at marurungis na eskinitang magdadala sa iyo sa mga pagdududa. Ngunit ito rin ang tatahakin mo para matagpuan ang sarili. Dito mo madadarama ang mga mahihigpit na yakap na hindi mo magawang ibalik at ipadama. Saka mo ibubulong sa butas na ikinutkot mo sa katawan ng puno ang mga panghihinayang at pinakawalang pagkakataon.

  1. Amores Perros (Alejandro Gonzalez Inarittu)
“Love’s a bitch.” Ang pag-ibig ay ang asong ulol sa interseksyon ng mga pagkakataon. Handa ka nga bang magkasala sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang kaya mong talikuran? Magagawa mo bang pakawalan ang asong ulol mula sa pagkakatali nito sa poste? O ang pumaspas kahit sumindi na ang red light?

  1. Eternal Sunshine of the Spotless Mind (Michel Gondry)
Hindi natuturuan ang pusong umibig. Mas lalong hindi ito natuturuang lumimot. Walang tabula rasa pagdating sa pag-ibig. Pag-ibig ang mabagsik na virus na di maalis-alis ng Norton, AVG o ng Kaspersky. At ang tangi mo lang magagawa ay ang mag-reboot at mag-reformat.

---

Paglabas ng end credits, kukusutin mo ang namumugto mong mga mata. I-o-off ang TV at ang DVD player. Ililigpit ang naiwang kalat. Agad kang makakatulog dahil sa pagkalango sa isang bote ng red wine. At paggising mo sa umaga, matapos mong mag-shower, at habang nagkakape, masasambit mo sa sarili: “I’m ready for a new love.” Handa ka na uling pagdaanan ang lahat ng ito.



**pasintabi kina vj at dada, mga patron ng mga mangingibig

Wednesday, December 19, 2007

it's that little souvenir of a terrible year that makes my eyes feel sore


Gagayahin ko na rin ang ginawa ni suyin.

Wala na sigurong pinaka-self-centered na paraan para sarhan ang nakaraang taon kundi sa paglilista ng mga tinamasang biyayang kultural (re: cultural capital). Wala naman kasi akong naging achievement sa taong ito kaya sa ganitong paraan ko na lang gustong alalahanin ang patapos na 2007.

Hindi bago ang mga inilista ko pero ito 'yung mga bagay na na-experience ko noong 2007 na lubha kong nagustuhan. Nais kong magsimula sa mga pelikulang lubos na kumain ng panahon (at sweldo) ko:

  1. Kung Mangarap Ka’t Magising – Mike De Leon
  2. Science of Sleep – Michel Gondry
  3. Children of Men – Alfonso Cuaron
  4. Waking Life – Richard Linklater
  5. Infernal Affairs II – Andrew Lau and Alan Mak
  6. The History Boys – Nicholas Hytner
  7. Pan’s Labyrinth – Guillermo del Toro
  8. subUrbia – Richard Linklater
  9. Dogville – Lars Von Trier
  10. Pisay – Aureaus Solito
  11. Mulholland Dr. - David Lynch
  12. High Fidelity – Stephen Frears
  13. Manwal sa Paggawa ng Pelikula – Karl Castro (harharhar)

Itinuturing kong bestfriend si Walt, ang aking maasahang mp4 player from Raon. Ilang earphones/headphones na ang nagdaan, pero nanatili pa ring kasakasama ko si walt saanman ako magpunta. Ito ang ilan sa mga pinakagasgas kong tracks sa loob ng nagdaang 2007 habang sakay ng lrt papuntang betty go, ng HM bus papuntang LB, ng Victory liner papuntang tuguegarao, at ng fx byaheng megamall.

  1. Rosemary – Suzanne Vega
  2. I’ll follow you into the dark – Death Cab for Cutie
  3. Mexico - Cake
  4. Can’t be sure – The Sundays
  5. Cuscatlan – Frente!
  6. Ludlow Street – Suzanne Vega
  7. Small Blue Thing – Suzanne Vega
  8. The Flowers – Regina Spektor
  9. How to Disappear Completely – Radiohead
  10. Bewitched – Rufus Wainwright
  11. Set the fire to the third bar – Snow Patrol (feat. Martha Wainwright)
  12. Stop this Train – John Mayer
  13. Best of Me – Unknown (akala ko dati si jeff buckle yang kumanta)
  14. Sunday Bloody Sunday – U2 (oh yes, eleyn!)
  15. Because the night – 10,000 Maniacs

Tanging The Hours ni Michael Cunningham, Cubao Midnight Express ni Tony Perez at Written on the Body ni Jeanette Winterson ang natapos kong basahin ngayong taon. May Ilang kwento pa sa Blind Willow, Sleeping Woman ni Murakami ang hindi ko pa natatapos. Perenyal kong sinisimulang basahin ang mga sumusunod: Mysteries of Pittsburg (Chabon), Eleanor Rigby (Coupland), Murder Room (PD James), The Passion at Powerbook (Winterson), at Mrs. Dalloway (Virginia Woolf). For that, mahaba ang reading list ko sa 2008, kasama na ang mga hindi pa nabubuklat na librong hiniram at binili sa thrift shops.

Gusto kong magpasalamat sa mga taong pinanggalingan ng mga cultural capital na ito: kina caloy, eleyn, jeeu, k, karl at suyin. hindi sana kayo magsawa sa pagpapaambon ng mga biyaya na inyong tinatamasa. Hanggang sa mga susunod pang taon. Hehehe.

i was thinking i could clean up for christmas



River
Joni Mitchell

It's coming on Christmas
They're cutting down trees
They're putting up reindeer
And singing songs of joy and peace
Oh I wish I had a river
I could skate away on
But it don't snow here
It stays pretty green
I'm going to make a lot of money
Then I'm going to quit this crazy scene
I wish I had a river
I could skate away on
I wish I had a river so long
I would teach my feet to fly
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I made my baby cry

He tried hard to help me
You know, he put me at ease
And he loved me so naughty
Made me weak in the knees
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I'm so hard to handle
I'm selfish and I'm sad
Now I've gone and lost the best baby
That I ever had
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I wish I had a river so long
I would teach my feet to fly
Oh I wish I had a river
I could skate away on
I made my baby say goodbye

It's coming on Christmas
They're cutting down trees
They're putting up reindeer
And singing songs of joy and peace
I wish I had a river
I could skate away on

Thursday, December 06, 2007

mga manunulat ng kanilang panahon

"Do not go gentle into that good night.
Rage, rage against the dying of the light."
-Dylan Thomas, Do Not Go Gentle Into That Good Night


kina Sir Nick at Sir Rene, maraming salamat.

---

Tatlong Tula ni Monico Atienza

KAIBIGAN XIV

Bawat salita’t panalita
ay may teorya, maiteteorya;
maipaliliwanag, malilinaw,
ibig sabihin.
Pagtulang biseral o serebral,
meron din; di nakakaiwas
pati paglulubid ng buhangin.
Pagkapayaso ko’t tangkang tulain
sa silong teorya’y salikop din;
kundi nga, di na ta konsistent.
Salita’t panalitang nakararami,
di dapat pigilin dapat alamin;
mapaglimi, usisain.
Sila ma’y may sasabihin,
sinabi na nga—maging
ang pinakamunti, pinakamangmang.

Pigilin ang teorya’t pinatay mo sila.

29.VII.93

KAIBIGAN XV

May salita ang maliit at mangmang,
di lamang sa DESIDERATA—
sa totoo at lipunan man,
maniwala ka Kaibigan.

Mas madalas ay may puntirya,
nakaangklang kamalayan,
minumunti man, minamangmang.

May teorya nga’t pagteteoryang
tuntunga’y riyalidad,
bumabago at nagbabago
sa praktika ng buhay,
produksyon at pakikitalad;
di nga pormal dahil di akademiko,
di “panlibro” dahil panalita.
Ng kontekstong karanasang
sapupunan ng pagwika.

Ang sa aki’y panagimpan,
sa payasong paninimbang—
pagpilosopo ng mangmang.

29.VII.93

KAIBIGAN XXIX

Batas-buhay ang sigalot,
mula maliit tungong malaki
ng daigdig at lipunan:
wika mo nga kay Ibarra—
may nais ding pagbabago,
sistemang walang galit
bawat isa’y nasisiyahan;
Iyong mawiwika: ng langit sa lupa.

Di nagbait ang lipunan,
walang patid ang pagtugis
sa repormang ninanais.
hanggang dulo kung magngalit;
Walang pintong di pininid,
mga sinta’y pinagsakit;
hinati ang mga ina
mga ama’y pinipilan;
Kalupaa’y di naglangit
sa susog ng panaginip;
paghahari’y nagpatuloy.

Kalaguyo ang sigalot.

(kinuha mula sa pinoyweekly.org)

---

Tagulaylay ng Republika
(Sa SONA 2006)
Rene O. Villanueva

Bawat singasing ay lagim ang hatid ng motorsiklo –
Bawat sibad: luksang-lambong sa dinahas na panimdim!
Bawat ungol ng makina ay halakhak ng salarin
Ng estadong kumukutya sa konsensiyang tumututol
Sa kawalang katarungan, kalayaang isinangla.
Itong baya’y walang habas, walang awa kung gahisin!
Ayy!
Ilang buhay pa ang dapat ibuwis ng mamamayan?
Ilang hibla ng hininga ang dagliang puputulin?
Ilang murang pangarap pa’ng papaslangin nang pataksil?
Ilang dugo ang dadanak? Ilang ulit kukutyain
Ang daing ng abang bayang walang awa kung paslangin?
Ayy! Ayy!
Bawat haginit ng punglo’y malupit na kamatayan;
Bawat sibad na palayo, nakatakas na kriminal;
Bawat taksil na harurot – pagtakas ng motorsiklo;
Bagong utang nitong buktot na gobyerno ni Arroyo!
Panibagong kasalanan sa lugaming taong-bayan,
H’wag na h’wag lilimutin: Magbabayad ang may utang!
AY! AY! AY!
Pahirin na ang panimdim: dalamhati ay tiklupin.
Di luha ang magbabangon sa pinaslang nang pataksil.
Hindi panimdim ang tugon ng nabalo’t naulila –
Kundi suklam, galit, poot: nagpupuyos, maniningil.
Lahat tayo ay tumindig at marilag na usigin;
Buktot-taksil, pagbayarin! Araw na ng paniningil!
Ay! Ay! Ay! Ayy!

Mula sa “Subverso”, Mga Tula at Kuwento Laban sa Politikal na Pandarahas, publikasyong iglap ng CONTEND-UP