"I am more afraid of losing consciousness
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness."
-eric gamalinda, subterranean
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness."
-eric gamalinda, subterranean
nung wednesday ko lang na-realize na tapos na pala ang klase namin sa mowel. dahil makulimlim at katatapos lang ng ulan, mabilis akong tinablan ng lungkot. kahit papaano ay naging escape ko ang pagpasok sa klase sa highly-mechanized na routine ng trabaho. marami rin naman akong natutunan at naging kaibigan sa klase at sa production. isa siguro sa mga dahilan ko sa pag-enrol sa workshop ay ang malaman kung ano nga ba ang gusto kong gawin. hindi man ito nasagot sa pagtatapos ng workshop, kahit papaano nababalik na ang passion ko sa ilang mga bagay. nagawa kong bunuin ang mga klase (may isa akong absent) kahit na lagi akong kulang na kulang sa tulog sa loob ng dalawang buwan. ngayon tapos na workshop, humahanap muli kami ni E ng distraction-- para lamang matawid ang mga buwang ilalagi pa namin sa trabaho.
na-realize ko rin na kulang na kulang pa rin ang nalalaman ko sa pagsusulat at sa pagpepelikula. amdami pa akong hindi nababasa, madami pang di napapanood. tila kailan lang (hay lampas kalahating dekada na pala) nang mag-umpisa akong mangolekta ng mga libro at pelikula. kaya nga halos maubos ang sweldo ko nang mamakyaw ko ng dvd sa metrowalk nung thursday. ok lang, for educational purpose naman.
---
pinahiram ng isang kaklase sa workshop ang vcd niya ng waking life sa akin . matagal na rin akong naghahanap ng kopya nito, laluna't nauna na akong binaliw ni richard linklater sa before sunset at sunrise at a scanner darkly. pero siguro tama na ring sa edad na eto ko mapanood ang waking life, sa puntong hindi na ako masyado mangmang sa pilosopiya ng existentialism (hay naku, hindi simpleng being and becoming ang usaping ito kaya hindi madaling mag-claim na ang isang indibidwal na siya'y existential at/o existentialist), mga sulatin ni sartre, santayana at benedict anderson. pero sa totoo lang, maraming bahagi pa rin ng pelikula ang pinaulit-ulit ko para ganap na maintindihan. panahon na siguro talaga para muling magbasa. kahit sa wikipedia na lang muna in between tasks sa opisina. hehehe. kung magkapera ako (operative word: kung), sana makapagsubscribe ako sa mga online library. ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ko napuno ang library card nung nag-aaral pa ako.
---
bukod sa waking life, ito ang ilan sa mga bagay na nakagiliwan ko sa mga nakalipas na linggo:
history boys, maya deren's meshes of the afternoon at slavoj zizek's pervert's guide to cinema
(lahat ito ay courtesy of s' and e's multi-media library. salamat nang marami sa pagpapaambon ng cultural capital)
jeeu, tapos ko na ang heroes, at oo, hindi rin ako satisfied sa season finale.
2 comments:
npdaan lang.
gusto ko rin ng waking life. last year ko xa napanood thanks to xavier. readin your post gave me the urge na panoorin uli xa.
kasi nga naman, twice ko na xa nppnood, less than half pa lang siguro ang naintindihan ko. sad.
oi, ron natunton mo ako ah. hehehehe. anyway, medyo kelanagan mo talagang makinig talaga sa mga pelikula ni linklater at namanamin ang abwat moments at salita, hehehehe. at pramis mamahalin mos iya pagkatapos. hehehe
Post a Comment