Wednesday, June 14, 2006

on the road



ilang araw matapos ng blog entry tungkol sa eternal na theme song ko na fast car, nangati ang kamay ko at nagtanong kay e kung saan makakahanp ng ebook ni murakami. sa wakas natuntun ko rin ang e-lupalop kung saan nagtatago ang mga cultural capital na hindi afford ng estado ko ngayon. sa tiyaga, 50+ kaytagal kong inasam na mga libro ang ngayon ay nahihimlay sa folder ko sa pc. kabilang ang catcher in the rye ng aking hayskulayp ang muli kong naka-reunite, matapos makailang ulit na mawala (shet naperfect ko pa naman ang paninilaw ng pages, and it smell really nostlagic na!).

naisip ko bago ang lahat, bago muling magbasa ng mga bagong akda, mainam munang namnamin ang pamilyar. pero natakot ako, kasi baka tuluyan na akong matulad kay holden at madiskaril na lang talaga ang normalidad ng buhay akademya-gradwar-trabaho-stability. hanggang sa mapagdesisyunan kong mag-beat na muna. kaya heto page 55 na ako ng 190 pages ng on the road ng quintessential beat na si jack kerouac sa bersyon nito sa word in .rtf format.

although malaking tipid nito, kasi mahirap nang maghanap ng kopya dagdag pa ang kamahalan ng mga orig at bagong libro, may "essence" na nawawala sa mga libro pag binabasa sa harap ng computer. una hindi ko siya maaring basahin sa ilalim ng puno o on the road, kasi wala naman akong pda, na kung tutuusin ay mas mahal. hinahanap-hanap ko rin ang amoy ng pinaglumaang libro, at ang paninilaw ng mga pahina. nakakangalay ding magbasa nang nakaupo, since nasa sinaunang desktop ito nakaimbak. baka wafazin din ako ng tatay ko dahil baka tumaas ang konsumo namin sa kuryente dahil sa pagbabasa ko ng mga e-libro. pero, sa ngayon excited akong makatapos kahit isang libro lang muna. laluna, mahirap bakahin sa akin ang short attention span ko sa lahat ng bagay.

saka ko na lang i-post ang mga titles ng mga abgo kong libro. ay, ngayon ko lang na-realize na mas marami na pala akong e-books kesa sa mga totoo kong libro sa bahay. sa lahat ng mga annghiram ng libro, pakisoli na. sasauli ko na rin yung mga nahiram ko. pramis. ehehehe.

2 comments:

adarna said...

halu! binabasa ko rin on the road ni jack kerouac now. nabasa ko na dati pero ang tagal na, bago pa ako tumigil kumain ng baboy at baka. gusto ko lang maalala, gusto ko lang makalimot, hehehe.

nung bday ko, pumunta kami nina nato sa bigote, biglaan lang. pagkatapos kami pa-eat all you can ni paeng sa don hen. sana kasama ka. sandali lang kami dun, cinderella lang. miss na kita/kayo.

p.s. wala akong mahanap na ayos na e-book site. or mabagal lang talaga ang internet connection ko parati.

ako

Suyin said...

fujy, penge on the road. ;)