Monday, November 21, 2005

The Great Fudgee Complex: Almost Famous



"Look under your bed. It will set you free...
Listen to Tommy with a candle burning,
and you'll see your future."
-Anita Miller

napanood ko ang almost famous for the nth time (sa star movies naman ngayon). matagal ko nang pinaplano na panoorin uli ito, pero pinagungunahan ako ng katamaran. at sa kung anong metapisikal na kaganapan, ayun, sky cable na rin ang naghatid sa akin ng pagkakataon. hindi naman kaila sa iba kung gaano ko kamahal ang pelikulang ito. sa katunayan, pinangalanan kong doris ang kama ko, dahil dito naman ako madalas naglalakbay. para nga akong tanga habang pinapanood ko ang pelikula. siansabayan ko ang mga batuhan ng dialogues. una ko pa lamang napanood ito courtesy of mbb friends, nagdownload na ako ng script noong mga panahong gumagastos pa ako ng P30 para sa isang oras ng internet. ito ang ilang mga tagpong pamilyar ngunit patuloy pa ring kiniklala:

----

Anita Miller
: First it was butter, then sugar and white flour. Bacon. Eggs, bologna, rock and roll, motorcycles. Then, it was celebrating Christmas on a day in September when you knew it wouldn't be commercialized. What else are you going to ban?
Elaine Miller Honey, you want to rebel against knowledge. I'm trying to give you the Cliff's Notes on how to live life in this world. I'm a college professor. Why can't I teach my own kids? Use me.

---

William Miller: I've been doing some stuff for a local underground paper, too.
Lester Bangs: What, are you like the star of your school?
William Miller: They hate me.
Lester Bangs: You'll meet them all again on their long journey to the middle.

---

Penny Lane: Call me if you need a rescue, we live in the same city.
William Miller: Heh, I think I live in a different world.

---

William Miller: When and where does this "real world" occur? I am really... confused here. Fuck! All these Rules And all these sayings... and nicknames...
Penny Lane: You're too sweet for rock and roll.
William Miller: Sweet? Where do you get off? Where do you get sweet? I am dark and mysterious, and I am PISSED OFF! I could be very dangerous to all of you! And you should know that about me... I am THE ENEMY!
Penny Lane: Look. You should be happy for me.
You don't know what he says to me in private. Maybe it is love. As much as it can be with someone who --
William Miller: -- sold you to Humble Pie for fifty dollars and a case of beer? I was there!
(He is instantly sorry. Her world privately crumbles, but she tries to remain stoic and carefree. Wipes a tear down her cheek.)
Penny Lane:What kind of beer?

---

Elaine Miller
: This is not some apron-wearing mother you're talking to. I know about your Valhalla of Decadence, and I shouldn't have let him go. He is not ready for your world of compromised values, and diminished brain cells that you throw away like confetti. Am I speaking clearly to you?
Russell Hammond:Yes, ma'am.
Elaine Miller:If you break his spirit, harm him in any way, keep him from his chosen profession -- which is law, Something you may not value but I do -- you will meet the voice on the other end of this telephone. And it will not be pretty. Do we understand each other?
Russell Hammond:Yes... yes...ma'am...
Elaine Miller: I didn't ask for this role, but I'll play it. Now go do your best. "Be bold and mighty forces will come to your aide!" Goethe said that. It's not too late for you to be a person of substance.Get my son home safely, I'm glad we spoke.

---

Lester Bangs
: That's because we're uncool. And while women will always be a problem for us, most of the great art in the world is about that very same problem. Good-looking people don't have any spine. Their art never lasts. They get the girls, but we're smarter.
William Miller
: I can really see that now.
Lester Bangs: Yeah, great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex, and sex disguised as love... and let's face it, you got a big head start.
William Miller
: I'm glad you were home.
Lester Bangs
: I'm always home. I'm uncool.
William Miller
: Me too!
Lester Bangs
: The only true currency in this bankrupt world if what we share with someone else when we're uncool.

---

Penny Lane: I'm never good at goodbyes.

---

at sasabi nga ng mga band-aids: it's all happening!





Friday, November 18, 2005

we're captive on a carousel of time, we can't return we can only look behind

sanity break.


o divine kaya mo ba ito. ehehehe. sa wakas, naghigh score na rin ako.


circle game
(joni mitchell)

Yesterday a child went out to wander
Caught a dragonfly inside a jar
Fearful when the sky was full of thunder
And tearful at the falling of a star
And the seasons they go round and round
And the painted ponies go up and down
We're captive on a carousel of time
We can't return we can only look behind
From where we came
And go round and round and round
In the circle game.
Now the child moved ten times round the seasons
Skated over ten clear frozen streams
Words like, when you're older, must appease him
And promises of someday make his dreams And the seasons they go round and round
And the painted ponies go up and down
We're captive on a carousel of time
We can't return we can only look behind
From where we came, and go round and round and round in the circle game.
Sixteen springs and sixteen summers gone now
Cartwheels turn to car wheels through the town
And they tell him,
Take your time, it won't be long
Till you drag your feet and slow them down
And the seasons they go round and round
And the painted ponies go up and down
We're captive on a carousel of time
We can't return we can only look behind
From where we came
And go round and round and round
In the circle game.

So the years spin by and now he's twenty
Though his dreams have lost some grandeur
coming true
There'll be new dreams, maybe better dreams and plenty
Before the last revolving year is through.
And the seasons they go round and round
And the painted ponies go up and down
We're captive on a carousel of time
We can't return, we can only look behind
From where we came
And go round and round and round
In the circle game
And go round and round and round in the circle game.

Saturday, November 05, 2005

the world according to lisa

walang pagkahapo. nasusugatan, pero nagpapatuloy. lumilingon pero sumusulong. gaano man kahaba ang paglalakbay. ito at marami pa ang natutunan ko sa lakbayan sa mga singkit na mata ni lisa.

si lisa na kayang pumaslang kahit nakapikit, daig si darna at ang sugo, at ang mga sangre.

Thursday, November 03, 2005

grabedad: "like husks of coconut, he tears away the billion layers of his selfishness," -eman lacaba


"[ang] mga tensiyonadong tereyn ng isang peti-burges sa lungsod: nakapasok sa akademya/ nagkamal ng cultural capital/ maaring suma[sa]ma rin sa [mga] rally/ nagsusulat ng halaga ng pakikibaka/ nakikibahagi sa pakikibaka/ habang sa mga sikretong pahina ng pinakatagu-tagong kwaderno ay isinisilid ang sentro de grabedad ng panulat--ang Sarili."
-Carlos Montesa Piocos III, Introduksyon, 24/7 walang panahon

ito ang ikalawang (pathetic) attempt ko sa paglikha ng graphic design. halatang wala akong tiyaga sa detalye. parang pinagtagpi-tagpi lang. drowing ko ang mga yan mula sa na-recover kong sketch pad na nabili ko nung may stipends pa ako. ginawan ko lang ng montage ang mga sketches na kinopya ko mula sa mga cover ng libro at front page ng dyaryo. yung central image ay kinopya ko mula sa edad medya ni pete lacaba. pag nagkapanahon na ako, at sapat na ang dunong sa adobe photshop, ayusin ko ito.

Thursday, October 27, 2005

" i'm uncool. i am (or i want to be) the enemy."


"nowadays, i find myself a sum of borrowed parts."

- e.b. , dear catastrophe tempter



tuwing nagtatapos ang mga chapter sa buhay ko, madalas akong inaatake ng allergic rhinitis ( naalala ko ang testimonial ni iris kay isagani : "because you know, little boy, your mama and i, we slept on dustydusty couches with boys. that's how i got rhinitis") . sa ganitong mga panahon lang ako nakakapaglinis at nakakapag-ayos ng mga bagay sa ilalim ng kama.

nung isang gabi, tinawag ako ng tita ko at tinanong sa akin kung akin ba 'yung mga gamit na nakatambak sa aparador sa dati kong kwarto sa bahay ng lola ko. papaupahan na raw kasi 'yun. makakatulong din sa pagpapagamot ni lola. sa buong pagka-alala ko, nadala ko na sa masikip k0ng espasyo sa bahay ang lahat ng gamit ko. (pinaalis ako sa kwartong iyon noong 2003 kasi hindi na raw ako umuuwi. sayang lang daw at ginagawang tambakan ng basura. pinalayas din nung agosto ang ate ko kasi ayaw niyang magbayad ng kuryente).

nang umakyat ako sa kwartong iyon (na bagamat maganda at maluwag ay sobrang init dahil sobrang lapit sa langit) tumambad sa akin ang gabundok ng mga basura nga ba o alaala. ang pugot na heavy duty na sinaunang electric fan (na saksi sa mga milagro ng room 312), ang file folder kong walang ibang laman kundi mga lab reports sa organic chem na hindi ko na pinasukan, sampung dangkal ng dyaryo (kule nung panahon nina eleyn at sherwin, pinoyweekly mula sa internship, atbp.), at tone-toneladang scratch paper (photocopy ng kung anu-ano), tanging jacket na nabili sa ukay sa baguio, tatlong brief na naka-plastic pa galing divisoria at hindi pa naisusuot, apat na pares ng shorts (kaya pala tig-isang pares ng shorts lang ang ginagamit ko sa bawat linggo) ilang t-shirt, at isang makulay na kumot. naroon din ang mga bag kung saan ko isiniksik ang mga bagay na ayaw kong itapon, scrapbook, notebooks na walang sulat maliban sa mga listahan ng mga paboritong pelikula, at gustong panooring pelikula, doodles, mga tula ng aking kabataan/kabaduyan. at siyempre, kasunod ng mga na-diskubre ko ay ang dumadagundong at walang katapusang pagbahing.

hindi ko kasi ugali ang matapon ng mga bagay. sa katunayan, kapag binisita mo ang bag ko sa hunyo, anuman ang makita mo dun, yun pa rin ang makikita mo sa oktubre. ang lagi lang nawawaglit ay layter at bolpen. Hindi ko madadala sa isang bitbitan ang lahat. Wala na rin akong paglalagayan sa pwesto ko sa bahay. dala na rin ng katamaran, hinayaan ko na lang na maiwan ang mga bagay na naroon. Itatapon na lang daw ng tita ko. Ni hindi ko na sinilip kung mayroon mang mahahalagang bagay na maiiwan. sa tuwing titingnan ko kasi kung anong bagay ang mahahalaga, walang naitatapon. ang kinuha ko na lang ay ilang kopya ng kule, ang mga bag na naglalaman ng mga notebooks at ang mga damit. iniwan ko na ang sobrang bigat na electric fan kahit na maraming sentimental value na ang ipinuhunan dun ng tatay ko, ako, at ng lola kong yumao.

agad kong pinalabhan ang mga nakuha kong mga damit. at agad kong isiniksik sa ilalim ng kama ang mga bag, na hindi ko na rin sinilip ang laman. kinabukasan, inaayos ko ang ilang gamit sa ilalim ng kama. inilagay sa isang walang lamang bag ang lahat ng ginamit sa thesis proposal (salamat kay jeeu, karl, caloy at eleyn). isinalansan at nilagay sa mga malalaking envelopes ang mga kopya ng kule. pero hindi ko na nakuhang piliin pa mula sa mga laman ng bag kung anong mga gamit pa ba ang kakailanganin ko. matapos malinisan ang ilalim ng kama ( todo na ang bahing ko sa puntong ito), nagsimula na akong magpatugtog sa radyo ng bunso kong kapatid. gustong-gusto kong naririnig ang dave matthews band (kahit na satellite lang ang alam kong kanta nila) habang nag-aayos ng gamit. para bang na-teleport na naman ako sa kung anong era at lugar.

naaalala ko ang eksena sa almost famous (ayan, eto ang tinatawag nina caloy na the great fudgie complex, na para bang eksena sa pelikula ang buhay ko). tinitingnan ng batang si william miller ang pinaubaya sa kanyang album koleksyon ng naglayas niyang ate ("look under your bed. it will set you free."). dun ko unang nakilala si joni mitchell at ang malungkot niyang hiling sa ilog. inihalintulad ko dito ang pagtingin ko at pagbasa ng mga dating kolum sa kule.
ito ang mga pagkakataong kung minsan, tumitiklop ako sa sarili kong mundo bago pa man nabuksan ito sa silid 401, sa vinzons, sa mendiola, sa bigote, sa madrinan, sa timog, sa tarlac at sa kung saan-saang lupalop na hindi ko matutunton nang mag-isa.

nung makasama ko ang dakilang manunulat na si k---- sa bistro isang hapon, napausal ako sa pagkasabik. iyon kasi ang una kong beses na napunta sa '70s bistro. kamusta raw at saan ako nanggaling? ang totoo, sa kwarto ko. dun lang naman uminog ang mundo ko. kung madalas man akong mag-isang naglalakad sa sm north o sa quiapo, ang totoo, nanatili pa rin ako sa loob ng masikip kong kwarto. masikip ngunit kumportable. kabisado ko kung saan ako matatapilok, kung paano ayusin ang mga bagay. kahit pa madalas akong mabahing dahil sa alikabok, wala akong takot na baka lumalala ang sipon na iyon.

at kahit na nakalabas na ako sa kwarto ko matapos ang dalawang dekadang hiatus, tuwing may pagkakataon, pinipili ko pa ring manatili at bumalik sa kwarto. mas mura ang pamasahe pabalik. katwiran ko, gusto kong magpahinga. matapos ang buwan-buwang pagsusulat ng mga bagay na sa akala ko'y makakapagpabago ng panahon, ayaw ko munang magsulat kahit naghihintay ang mga mahahalagang gawain. pinili kong mag-kumponi ng pc, magbuo ng panibagong bahay sa sims, mag-experimento ng bagong putahe, manood ng tv, makipagkilala kay jack kerouac, at makiiyak sa sinapit ng tatlong lider-aktibista sa gitnang luson.

at naiwan akong nakatitig sa awa, at tumitig ang awa pabalik sa akin.

pag natapos ko nang masalansan ang mga papel at dyaryo, titingnan ko ang mga nabili kong libro sa loob ng limang taong may pagkakataon akong magkamal ng intellectual at cultural capital. hindi lalagpas sa 50 ang mga libro ko. at tatatlo lamang ang orig kong cd (kung sinuman ang nanghiram ng cynthia alexander ko, ng twice blessed, ng days of disquiet, ng raise high at catcher in the rye, at ng dekada '70 sa ikalimang pagkakataon, paki soli na po! at ng marami pang bagay na nawaglit). marami na rin akong hinayaang mawalang vcds kahit noong una'y ito ang most prized possession ko, wala na rin akong effort na pagsisingilin ang sinumang nanghiram. ganito rin ang nararamdaman ko sa ambisyon ko dating maging filmmaker, o di kaya isang premyadong manunulat. ilang beses ko na ring iniiyak ang pagkawala ng mga pangarap na ito. matay ko mang isipin na hindi rin naman sa loob ng kwarto ko mahahanap ang mga ito.

minsan kahit alam kong walang patutunguhan ang ganitong paglulunoy sa pagiging petiburges ay ginagawa ko pa rin. at iyon na rin ay dahil package deal ito ng pagiging peti-b. na kahit alam kong isang hakbang lang palabas ng kwarto ang kelangan kong gawin, ay lagi't laging akong tumitiklop. sana, tulad nung isang araw, magawa kong hayaan na lang mga bagay, at hindi silipin kung ano pa ang maaring maisalba mula sa mga napag-iwanan.

nabuhay kasi ako sa pelikula kaya para bang kay simple ng mga kontradiksyon kung i-roromanticize ang mga bagay. minsan ako ang namamagang version ni piolo, o kaya ang utal na william miller na wrong grammar, o kaya si vilma santos na nagtataas kamao.

di bale, sa ngayon, nabura ko na ang sims sa pc, at wala akong mahanap na bagong installer.

_____________________________________________________
paumanhin kina ka ric, ka kiko, ka pedy atbp., pasensya na habang naliligo kayo sa sariling dugo ay nagpapakalunod ako sa malalim na balon ng pagkamakasarili. pagpupugay sa inyo, kayong nagmamay-ari ng daigdigan (sabi ng kanta). sana tulad ni eman, balang araw, sana mabunutan ko rin ang sarili tulad ng niyog.

Thursday, October 20, 2005

salinlahi underground

mga sanhi ng ating lunggati: dalawang salin ng subterranean ni eric gamalinda

Subterranean
by Eric Gamalinda

Let me be the first to say
that I know the name for everything
and if I don't I'll make it up:
dukkha, naufragio, talinghaga.
Just like the young
whose hearts give no shame,
I love the excesses of beauty,
there is never enough sunlight
in the world I will live in,
never enough room for love.

I fear none of us will last long enough
to prove what I've always suspected,
that the sky is a membrane
in an angel's skull,
trees talk to each other at night,
ice is water in a state of silence,
the embryo listens to everything we say.

I am afraid for the child skipping rope
on the corner of my street,
the girl on the train with flowers in her hair,
the man whose memory is entirely
in Spanish. I am more afraid of losing consciousness
when I go to sleep, and that in my sleep
I will grow old and forget how desire
once drove me mad with wakefulness

Just like the perfect seasons
they will die
and I will die
and you will die also;
no one knows who will go first,
and this is the source
of all my grief.

-0o0-

subterranean
salin ni omer mejia

Hayaan na mauna akong magsabi
na alam ko ang pangalan ng lahat
at kung hindi man lilikha ako:
dukkha, naufragio, talinghaga.
Tulad ng kabataang
may mga pusong hindi nakakapanghiya,
iniibig ko ang mga kalabisan ng kariktan,
hindi sumasapat ang sinag ng araw
sa mundong ako ay mamumuhay,
hindi sapat ang puwang para sa pag-ibig.

Natatakot ako na wala sa atin ang magtatagal
upang patunayan ang aking mga laging hinihinala,
na ang langit ay isang lamad
sa loob ng bungo ng isang anghel,
nakikipag-usap sa isa't isa ang mga puno kapag gabi,
ang yelo ay tubig sa kanyang tahimik na kalagayan.
nakikinig ang binhi sa lahat ng ating sinasabi.

Ako ay natatakot para sa batang nagluluksong-lubid
sa kanto ng aking kalye,
sa babaeng sakay ng tren na may mga bulalak sa kanyang buhok,
sa lalaking ang buong alaala ay nasa wikang Kastila.
Ako ay higit na takot na mawalan ng kamalayan
tuwing ako'y matutulog, at sa aking pagtulog
ako ay tatanda at kalimutan kung paanong minsan
ang pagnanasa ay binaliw ako ng pagkakagising.

Tulad ng mga sakdal na panahon
papanaw sila
at ako ay papanaw
at ikaw ay papanaw din;
walang nakakaalam sino ang mauuna,
at ito ang pinagmumulan
ng lahat ng aking hinagpis.

-0o0-
subterranean
ni carlos piocos iii at karl castro

Hayaan mong sabihin kong
alam ko ang pangalan ng lahat
at papangalanan ko yaong hindi ko alam:
dukha, naufragio, talinghaga.
Katulad ng musmos na may dibdib
na walang takot sa muwang at pusok
Iniibig ko ang labis na Alindog
Hindi sapat ang liwanag
sa kulimlim ng aking daigdig
Hindi sapat ang puwang para sa pag-ibig

Ikinatatakot kong maaring wala nang magtagal pa
para patunayan ang matagal ko nang hinala:
na ang langit ay isa lamang lamad
sa loob ng bungo ng anghel,
ang mga puno'y nag-uusap pagsapit ng dilim,
ang yelo ay tubig na pinatahan ng lamig,
minamanmanan tayo ng sanggol mula sa sinapupunan.

Ikinababahala ko ang pagluluksong-
lubid ng bata sa kanto, ang babae
sa tren na may bungkos ng bulaklak sa buhok,
ang lalaking ang buong Gunita ay yaong
nasa wikang Kastila. Higit kong ikinatatakot
ay ang mawalan ng malay kapag natutulog,
at sa aking paghimbing, tatanda ako’t makaliligta
kung paano minsan ako'y pinagdamutan
ng pagnanasa ng antok at katinuan

At tulad ng mga Kapanahunan,
sila ay mamamatay,
at ako ay mamamatay,
at ikaw ay mamamatay rin.
Walang nakasisigurado kung sino ang unang yayao
at ito ang sanhing lahat ng aking lunggati

Wednesday, October 19, 2005

utos ng hari

“The history of the oppressed teaches us that the state of emergency we live in is not the exception but the rule.”
-Walter Benjamin

Agad kong naalala ang sinabing ito ni Benjamin nung nabanggit sa akin ng isang kaibigan ang nasabi ni Mareng Winnie sa Debate nung nakaraang linggo. Hindi hamak na malayo raw ang Batas Militar noong panahon ni Marcos kung ikukumpara sa CPR at EO 464 at 467 ni Gloria.

Inisa-isa pa ni Monsod sa kanyang pang-Sabadong kolum sa Inquirer ang mga puntos kung bakit hindi na posibleng muling ipasailalim sa diktadura ang bansa. Punong-puno na raw ang Saligang Batas ng 1987 ng mga batas upang pangalagaan ang demokrasya. Dito pa lang sa ubod ng kanyang argumento, mapapasinungalingan na siya ng mga pangyayari noong nakaraang linggo.

Gasgas na nga kung tutuusin ang paggamit sa Saligang Batas bilang pansalag sa pasismo ng estado. Makailang beses na ring binabaluktot ang konstitusyon upang makalusot at umayon ang interpretasyon ng batas sa sinumang may monopolyo ng mismong interpretasyon ng batas. Kakatwang sa isang bansang makadalawang (tatlo?) beses na nagtungong EDSA, ano’t BP 880 ni Marcos ang ipinapatupad sa mga lansangan sa tuwinang may kilos-protesta.

Taktikal din kung tutuusin ang pagkakalagay ng numero unong disipulo ng Malakanyang sa Department of Justice. Kay Raul Gonzales pa lang, niluluto na ang mga batas (at paglabag sa batas kung ipupukol sa kaaway ng administrasyon) na maaring gamiting pananggalang ni Arroyo mula sa batikos at sa katotohanan. Nang mapasama si Miriam Santiago sa slate ng K4 noong nakaraang eleksyon, hindi alyado ang binili ni Arroyo kung di abogado.

Unang naging bukambibig ng mga bulaan sa Malakanyang ang katagang “rule of law” nang nanganib sa kamay ng sambayanan ang pananatili ni Arroyo sa puwesto. Sa panahon nga ng postmodernismo at globalisasyon, singkong-duling na lang ang katapat ng interpretasyon ng batas at ng ibanabandilang “rule of law.”

Simple lang, kung paanong sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng 1935 Constitution nang ideklara niya ang Martial Law, ganoon din isinantabi ng revolutionary government ni Aquino ang 1971 Constitution pabor sa Freedom Constitution. Dahil sa huli’t huli, walang ibang naglelehitimisa sa mga batas kundi ang pagsunod dito ng taumbayan. Kung gayon, ang mamamayan pa rin ang mapagpasyang nagsusulong ng karapatan nilang higit sa lahat ay makapangyarihan. At hindi kailanman maaaring pagbanggain ang kapakanan ng bayan sa karapatan ng mamamayan.

Sa lipunanang binubuhay ng pagsasamantala, ang bayan ay nasa palagiang “state of emergency.” Lagi’t laging nasa bingit ng paghihingalo. ‘Yun bang naghihintay parati na masalinan ng dugo. Sa bayang ito, ganito ang nasasaad sa batas: Kung wala na’t maubusan ng blood donor, hindi mangingimi ang hari o reyna nagmaglabas ng pangil.