alas-kwatro ng madaling araw sa ikatlong lunes ng 2007. ngayon lang ako nagkaroon ng tiyaga na muling magsulat sa blog na ito. ngayon lang nabigyan ng panahon para gunitain ang mga pangyayari noong 2006, ikwento ang uneventful na paghihiwalay ng taon, at maglista ng mga resolution.
Kaydami nang nangyari at kaytagal nang paso ang mga kwento para pa mabanggit pa ang mga detalye dito. Para sa mga nakakilala at nakauunawa sa akin, siguro hindi na kailangan pang isa-isahin ang mga pagbabago at kawalang pagbabago sa buhay ko sa mga nagdaang araw/linggo/buwan/taon.
sinisimulan ko na ang pag-aayos ng buhay sa pamamagitan ng pag-aayos ng bookshelf. kaydami na rin palang libro/vcd/dvd ang nakolekta at nawala ko. Marami-rami pa ang nahiram at hindi pa nababasa/napapanood. makakatulong siguro sa akin kung muli akong gumawa ng mga listahan ng mga gamit na hiniram at ipinahihiram, mga bagay na gusto9ng bilhin at pangarap gawin. tuturuan ko ang sariling huwag mainip sa antisipasyon, sa halip, i-enjoy ang proseso nang sa ganun mabawasan ang anxiety pana-panahong umaatake.
kung meron mang naibunsod na kongkreto ang 2007, yun ay nararamdaman ko na sa katawan ko ang pag-usad ng mga oras. nababawasan na ang panahon ko. parang wala akong mapagkasya e wala naman talaga akong tunay na nagagawa. tumatanda na nga ba ako?
ilang buwan na lang bago matapos ang 23rd year ko sa mundo. 23 years old sina celine at jesse nang una nilang natagpuan ang isa't isa. baliw akong nag-iisip na kung walang maganap sa 23rd year ko eh hihintayin ko na lamang ang susunod na exciting na kabanata sa buhay ko pagsumapit ang ika-32 kong birthday, age kung kelan uli nagkrus ang landas nina celine at jesse. na may darating sa buhay ko, tao man, bagay o pangyayari, na makakapagpabago sa worldview ko at magbibigay ng ganap na direksyon. o di ba, at least may ni-look forward ako at hindi pa naman ganap na depressive. hehehe. sana, by that time, hindi man sumapit ang tunay at wagas na pag-ibig, ay natagpuan ko na ang passion ko sa buhay. at alam ko na ang gagawin ko, sana, sa wakas.
Monday, January 15, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)