Friday, March 31, 2006

But eternity knows him, and it knows what we’ve done



sa ngayon "isang munang awit at hibik" sabi nga ni Gappi. at isa pang hakbang.

para kay cris hugo. kapwa mag-aaral ng pamamahayag sa isang bayang walang kalayaang mamahayag. kahit hindi tayo magkakilala.

sa araw ng kanyang libing, nanangis ang kalangitan sa pagsisimula ng tag-araw.

para sa lahat ng pinaslang ng rehimeng ito.

at para sa lahat ng mga nanatiling matatag.

The Grave
(don mclean)


The grave that they dug him had flowers
Gathered from the hillsides in bright summer colors,
And the brown earth bleached white at the edge of his gravestone.
He’s gone.

When the wars of our nation did beckon,
A man barely twenty did answer the calling.
Proud of the trust that he placed in our nation,
He’s gone,
But eternity knows him, and it knows what we’ve done.

And the rain fell like pearls on the leaves of the flowers
Leaving brown, muddy clay where the earth had been dry.
And deep in the trench he waited for hours,
As he held to his rifle and prayed not to die.

But the silence of night was shattered by fire
As guns and grenades blasted sharp through the air.
And one after another his comrades were slaughtered.
In morgue of marines, alone standing there.

He crouched ever lower, ever lower with fear.
"they can’t let me die! the can’t let me die here!
I’ll cover myself with the mud and the earth.
I’ll cover myself! I know I’m not brave!
The earth! the earth! the earth is my grave."

The grave that they dug him had flowers
Gathered from the hillsides in bright summer colors,
And the brown earth bleached white at the edge of his gravestone.
He’s gone.

Thursday, March 30, 2006

CRUMBLE THE IVORY TOWER



pinaka-powerful at pinaka-paborito kong editoryal. thrust editorial ito noong term ni eleyn. bigwas! i-click para mabasa.

Tuesday, March 28, 2006

haharapin natin ang mahahabang gabi

kay S. salamat sa pang-unawa at lahatlahat.

awit ni canuplin
(anonymous)

sa hirap at sa ginhawa, ako'y iyong kasama
bituing mapagpala ang gagabay sa ating dalawa
at kahit na lumabo pa o maglaho ang sinag
ako'y tapat sa 'yo kaibigan mo't kadaupalad

tayo nang gumaod sa bangka
at damhin ang tubig sa mukha
lasapin ang simoy ng hangin
magpahanaggang libing

ipaghehele tayo ng lagaslas ng mga alon
iduduyan sa himig ng hanging dagat
tatanglawan ng mga bituing mapagpala sa langit
haharapin natin ang mahahabang gabi

haharapin natin ang mahahabang gabi

Saturday, March 25, 2006

sinong dapat usigin?

ang tanong ng brownman revival: "sino ang salarin?"at ito ang ang sagot ni sarah r.

Thursday, March 23, 2006

"ang iyong kamao ay maugat na, isinusuntok sa hangin...di mo pa rin nalimot kung paano magpatuloy at maging mapagpalaya"

sa kabilang panig/dulo

sa kabilang panig habang ako'y nahihimbing marahas na pinapaslang ang diwa. pero di makitil-kitil.

kaya parang pangungunsinte pa sa karahasan ang pananahimik at paglulunoy sa sariling dugo.

pero kelangan pa rin ng espasyo. sabi nga ni caloy: "habang sa mga sikretong pahina ng pinakatagu-tagong kwaderno ay isinisilid ang sentro de grabedad ng panulat--ang Sarili"

kaya dito, dito muna isinusuka ang pagkalango sa sariling laway:

http://deathbynosebleed.blogspot.com

Wednesday, March 15, 2006

the artist is a citizen of the streets and the battlefields

Mabuhay ka castro, mula sa iyong mga kaibigan at orgmate (dahil ginawa mong orgmate ang mga kaibigan mo!).


magandang ibalik kay castro ang flyer na ginawa niya para s aunang ED ng Silip noong nirevive niya ito last sem. isang hamon para sa kanya para patuloy na magsilbi sa sambayanan. Charuz! sabi nga ni eleyn, this time we shall destroy!



Tuesday, March 14, 2006

emergencia poemas

Dahil lahat ng panahon
ay panahon ng pagpapasya
at lahat ng pagpapasya ay ibinababa sa kalagitnaan ng mga emerhensiya

iniluwal, xinerox, dinesemineyt sa kalagitnaan ng kulimlim ng huling linggo ng pebrero at unang linggo ng marso

Thursday, March 09, 2006

lumaban, makibaka!


"women hold up half the sky" - mao zedong

Thursday, March 02, 2006

galing na tayo rito- lukas lazaro

the wild days had to end. paggising mo isang umaga, nakaumang na ang baril sa sentido. anong halimaw pa kaya ang kayang pakawalan ni gloria? isang tula mula sa zine na emergencia poemas: break glass in case of national emergency.


xerox republic

i.

muling ginurlisan ang katawan ng edsa ng mga pamilyar na titik. may unawaan na ang malawak nitong pader at ang mumurahing pulang pintura:

ang salita’y magkakatawang tao
mag-aaklas
makakapagpabago ng panahon

ii.

napagkit ang mga mata/tenga sa telebisyon/radyo.
narinig mo na raw ito noon:

ang salita’y magkakatawang-pulis
mambubuwag
pipigil sa pagpihit ng pagkakataon

iii.

walang pang-alala ang lansangan.
di nakalilimot ang katawan
sa mga hambalos, suntok at tadyak.

iv.

saang tula ko ba nabasa na “ang kamao’y may hugis ng daigdig na nakaamba?”