Monday, February 20, 2006

days of being wild*

mid-quarter assessment:

mahirap talagang magbago. ito ang matagal ko nang natutunan. tulad ng dati, wala pa ring natatapos, o kahit man lang nasisimulan. at lalo pang na-aggravate ito ng dysfunctional kong pag-iisip ngayong unang kwarto ng taon.

paborito ko ngang reaksyon ngayong simula ng taon, ayon nga sa awitin ni joni mitchell na blue, sigh--buntunghininga.

-0o0-

meron akong gustong gayahin mula sa blog ni kayamanan. parang masayang gumawa ng listahan (tinatawag itong stoke factor, kay jeeu niyo na lang ityanong kung bakit, ang hirap mag-explain eh) ng mga bagay na nagustuhan sa mga nakalipas na araw bilang pagtatanda ng mga naganap at hindi naganap.

musika: sinalubong ko ang bagong taon sa saliw ng blue at woodstock ni joni mitchell. nanumbalik ang paghanaga ko kay aimee mann sa kanyang bersyon ng the other end na orihinal na inawit (?) ni elvis costello. naglunoy ako sa lungkot na dulot ng mga awit ng death cab for cutie at ni bright eyes na ipinakilala sa akin ni kayamanan (mas apt yatang tawaging library ng musika at libro ang bahay niya). at dahil may hang-over pa ako ng donnie darko, ibabahagi ko itong theme song ng mga nagdaang kaganapan:

mad world (gary jules, tears for fears orig.)

All around me are familiar faces
Worn out places, worn out faces
Bright and early for their daily races
Going nowhere, going nowhere
And their tears are filling up their glasses
No expression, no expression
Hide my head I want to drown my sorrow
No tomorrow, no tomorrow
And I find it kind of funny
I find it kind of sad
The dreams in which I'm dying
Are the best I've ever had
I find it hard to tell you
'Cos I find it hard to take
When people run in circles
It's a very, very
Mad World
Children waiting for the day they feel good
Happy Birthday, Happy Birthday
Made to feel the way that every child should
Sit and listen, sit and listen
Went to school and I was very nervous
No one knew me, no one knew me
Hello teacher tell me what's my lesson
Look right through me, look right through me


-0o0-

back to stoke factor:

struggle (naks, may ganitong kategorya): neither here nor there.

pelikula: siyemps, brokeback mountain. napanood ko rin ofr the nth time ang before sunset. nahindik ako sa forgotten soldier. mystic river. walk the line. hindi ko na malala 'yung iba pa.

nagkaroon na ng unang prod mit ang dalaw ang unang short film ng crossing-ilalim. ilang revision din ang pinagdaanan ng script at keri na ang daloy ng istorya. sana magawa talaga ito.

libro: natapos ko ang home at the end of the world. hindi ko matapos-tapos ang the hours, nakabinbin din ang ficciones ni borges.

mga aktibidad: oz afternoons at tengga sa mga bahay ng kaibigan, saglit na pagdaan sa up fair, etc. uneventful pero ok lang. nasa mode talaga ako ngayon ng pa-beat generation kahit na at this day and age ay lipas na ang ganitong lifestyle.

-0o0-
kasisimula pa lamang ng taon pero parang kayrami na ng mga kaganapang nakapagpayanig sa world view ko (maliban na lamang sa status quo, hanggang ngayon ay prenteng-prente pa rin ang hinayupak na pangulo sa malakanyang). kaya nga days of being wild ang moda ko ngayon. sa baba 'yung cafeteria mode na poster ng pelikulang simula ng bitter trilogy ni wong kar wai. mga frends, pili na lang kayo kung sinu-sino tayo diyan sa mga karakter na iyan.



*pasintabi kay wong kar wai