Monday, March 29, 2004

wala pa ring naayos. marami pa ring hindi tapos. parang maraming nagbago pero nanatiling walang pagbabago. isang taon na pala na lumilipas. marami na rin talagang nagbago.

panibagong responsibilidad, laban. hindi pa yata ako handa. pero ang karanasan naman pala ang maghahanda sa akin.

sa mga kaibigan na dumating at nagpaaalam: kina jill, menika, michelle, paolo, art, len. pag grumadweyt na ako kain tayo sa labas, libre ko. kahit sa likod lang.

kay jp: di pa natutuloy ang labas natin. kahit di na tayo madalas magkikita, at ma-e-evict na akyo sa second floor, alam kong pareho ang ating kinakapitan. padayon.
sa aking mga bourgeois friends: hender, ablir, bea, fadul, ria, jenny. gud lak sa mga trabaho.

pasensya na hindi ko alam kung paano sumulat sa isang blog.

wala namang pormula, kaya banat lang. at least dito, hindi ako maakusahang bias, well biased namn ang tao, at neutrality does not exist. sa isang naaagnas na lipunan, kailangan ang pumanig. inosente lang ang nagatataka.